Paunang Pagbati
Isang maaliwalas at pinagpalang umaga sa lahat ng manunulat at mambabasa sa platapormang ito. Hangad ko ang patuloy na pag iingat at paggabay ng Diyos sa inyo. Kasabay nito ay ang pagdaloy ng masagang biyaya at pagpapala sa lahat ng aspeto ng inyong buhay.
Panimula
Sa mga sandaling ito ay nais kong ibahagi ang aking karanasan bilang isang nagsisimula o baguhan sa larangan ng pagsusulat. May mga pangyayari na ngumingiti ako bigla dahil sa kalituhan at mga grammar ko lalo na sa ingles, hehe.
Maliban sa mga paunawa at rules na nauna ko ng nalaman kay readcash narito ang ilan sa nagpalalim at nagpainosente sa akin sa readcash.
Kaya naman kung baguhan kang tulad ko ay maari mong bigyang daan ang artikulong ito upang basahin at pagnilay-nilayan kung isa ka rin ba sa mga naging inosente at ignoranteng tulad ko.
Ito nga po pala ang ikalawang araw ko sa pagiging aktibo sa platapormang ito. :)
Unang Bahagi ng Pagiging Inosente
Ang mga option na ito ay nagpainosente sa akin ng todo, haha. Sinuri kong mabuti kung para saan nga ba ang mga ito. Nakailang ulit ako ng draft nakailang ulit ako ng paggawa at pag edit ng artikulo upang maunawaan kung saan patungkol ang mga option na ito.
Sa add topics, akala ko pipindutin mo lang yung mga lalabas na topics kasi nung sumubok ako magtype ng topics ko walang button na nagsasabing OK o ENTER, haha. Yun pala automatic na siyang malalagay as topic mo.
Add lead image, eto ay kung saan maglalagay ka ng iyong larawan bilang isang pangunahing makikita sa iyong artikulo, maaring sariling larawan mo o maari ring galing sa awtorisadong site ito gaya ng Unsplash. Mangyari na lagyan lamang palagi ng pagkakakilanlan kung saan ito nanggaling.
Submit to Community, medyo nalilito pa talaga ako dito nung una pero kahit papano ay nakuha ko na rin, isa ito sa mga option kung nais mong ibahagi sa isang kumunidad ang artikulong iyong ginawa at hihintayin mong maaprubahan na lamang ito.
Ikalawang Bahagi ng Aking Pagkainosente
Dito mas higit akong namangha sa paggawa ng artikulo, hahaha. Hindi ko mabilang kung nakailang pindot na ba ako dahil sa hindi gumana o nasobrahan na ata ko sa kakapindot😂
H1 at H2, ang saya ko kasi nung pinindot ko yan naging mas makulay ang artikulo ko kaso lang lahat makulay na, haha. Hindi ko alam na kailangan pala magnext column kana para mabalik sa dati ang sulat mo o di kaya ay pindutin ang ilang icon pa para mag iba ito.
Sa kada next column or paragraph ay lumalabas ang mga icon na yan.
Isa pa sa nagpainosente sa akin
Kailangan mo rin pala i-long press ang mga salita na kailangan mong baguhin o maiba ang klase ng pagsulat, gaya ng bold, underline, italic o yung may guhit. Hay naku ignorante ko, haha.
Struggle is Real
Sa tulad kong mobile cellphone lang ang gamit, marahil ay nakakaranas ng ganitong hirap. Siguro sa iba ay simple pero sa isang hindi sanay at baguhan pa lamang sa pagsusulat ay masasabi kong isang pinoproblema ng mga katulad ko, haha.
Hindi ko po alam kung paano mas mapapadali ang pag edit o pagsulat ko dahil madala na lumalabas yung CUT, COPY AT PASTE pero yung nasa likod niya talaga ang gusto kong pindutin😅
Baka po may makatulong sa inyo kung paano ito maalis kapag hindi ito ang gagamitin ko. Natatabunan kasi lagi yung nasa likod niya at madalang ko lang mapalabas sa paraang di ko alam kung paano, haha.
Paki-komento na lamang po at maraming salamat agad.
Ilan pa sa mga sign o icon ay ito,
Hindi ko pa po nagagamit ang mga icon na yan dahil hindi ko rin alam kung para saan, natatakot ako na baka bigla akong may mapindot at mabura na lang lahat ng naisulat ko haha.
Ilan pa sa mga nais kong matutunan ay kung paano nagiging kulay blue ang sulat o pangungusap, at kung paanong kapag pinindot ang click here na may guhit ay mapupunta ka sa isang link o bang site, haha.
________________________
Yan ay ang ilan sa mga suliraning pinagdaanan ko sa aking mga naunang ginawang artikulo at hanggang sa kasalukuyan.
Achievements
Bilang isang baguhang manunulat isa sa pinakainaasam natin ay ang mapansin tayo ni rusty o ni RandomRewarder. At napakasaya ko dahil isa ako sa nabisita niya sa napakasimple kong artikulo, maraming salamat po.
Nawa ay mabisita mo akong muli at ng sa ganun ay makabahagi rin ako sa iba. Sa muli maraming salamat.
Masaya rin ako sapagkat may mga taong hindi ko pa man nakakasalamuha o nakakausap ay nagkakaroon ng panahon upang bisitahin ang aking artikulo at basahin, nakakataba po ng puso <3
Salamat po!
Isa pa sa mga achievements ko ay ang mga nag komento at nag upvote ng gawa ko. Maraming salamat sa pagbabahagi niyo at pag upvote ng walang hinihinging kapalit <3
Salamat din sa mga nakainteract ko na binigyan ako ng time upang makapalitan ng komento.
At sa huli ay ang mga nagbigay ng pagkakataon sa akin upang ako ay sponsoran.
Maraming salamat sa inyo at sisikapin kong mapaghusaya ang pagsusulat ko sa abot ng aking makakaya🥰
Closing Thoughts
Bilang isang nagsisimula o baguhan sa larangan ng pagsusulat, marami tayong kailangang gawin upang mapagtuunan ng panahon ang bawat artikulo na ating ginagawa.
Ilan sa mga ito ay ang mga bagay na aking ginawa
Pagbabasa sa ibang artikulo
Pagkuha ng ideya
Pagtatanong tanong upang makaipon ng impormasyon sa paunang gagawing pagsulat
Masusing pagsusuri sa bawat salita, parirala at pangungusap
Pagkakaroon ng oras upang mas maayos na makapagsulat
Ilan lamang po yan sa mga natutunan ko sa aking pagpasok sa platapormang ito :)
Katulad ng ilan sinuri ko rin ang aking kapasidad sa larangan ng pagsulat sa pamamagutan ng pagberipika kung ito ba hindi plagiarism.
Pinatutunayan sa larawan na ito ay orihinal kong gawa sa kabila ng hindi perpekto ang grammar, hehe.
Maraming salamat po sa inyong pagbabasa.
Date Published: September 29, 2021
(3rd Article )
God bless and Stay safe readers! <3
Masasanay ka din sis ksi gnyan din ako non.. Explore explore na lng sa makikita hehehe