Aware ka ba sa PPD or Post Partum depression?
Ikaw ba ay may asawa o kasintahan, anak, kapatid ,kamag-anak o kaibigan na buntis o kakatapos lang manganak? Kung meron man sana ay maging aware kayo sa PPD dahil ito ay di biro na nararanasan ng mga babae pagkatapos manganak.
Ano nga ba ang PPD? After manganak ng babae, akala ng iba tapos na paghihirap nila sa pagbubuntis pero hindi pala mas malaki pa pala ang kakaharapin nila.
Ilang araw pagkalipas ang panganganak ang iba ay nakakaramdam ng di maipaliwanag na lungkot, takot, inis, galit, at kung ano ano pang emosyon. Minsan parang ayaw nila marinig ang iyak ng baby nila, mabilis silang mainis sa mga asawa nila o sa mga taong nasa paligid nila, bigla nalang sila naiiyak pero di nila alam ang dahilan. Minsan naiisip pa ng iba na manakit ng iba o mismo ng mga sarili bila dahil nalalamon na sila ng depresyon na ito at kapag di ito naagapan maaaring mapatay pa nila ang kanilang sarili o mga anak nila.
Lahat ng nabanggit ko ay sintomas ng PPD. Sobrang hirap nito lalo na kung wala kang mapagsasabihan. Yung gusto mong makawala sa sitwasyon nato pero wala ka magawa kasi nalugmok ka na sa depresyon.
Ang payo ko lang sa mga nanay na nakakaranas nito ngayon, wag kayong matakot. Maraming pwedeng tumulong sa inyo para labanan ang depresyon na nararanasan nyo. Sa sampung tao na pagsasabihan nyo paniwala man kayo sa hindi meron isa dyan na makikinig at tutulong sa inyo. Wag nyong hayaan na di na kayo makaalis sa sitwasyon na yan isipin nyo nalang ang pamilya nyo lalo na ang mga anak nyo. Nandito lang kami para tumulong at makinig sa inyo.
Ganun po ba? Yup i heard about this. Thanks sa post next week na rin kasi manganganak wife ko. At least wala pang work magkasama naman kami parati.