May nagtulak po sakin para gawin ang hilig ko,hilig kong gumawa ng tula hnd ko alam kung tula bang masasabi ito,dahil minsan puro hugot lamang ang alam ko... ito umpisahan kona...
Limang Letra pero kinatatakutan ko marahil ay hindi lang ako kundi ng maraming tao.
Nandyan ang floods, landslide at iba pa na pumipinsala sa karamihan, marahil ang lahat ay nakaranas na ng ganitong sitwasyon.
Sitwasyon na kahit pinaghandaan na mayroon pa ring napapahamak na mamamayan.
Nakakatakot kapag umatake na ito dahil tiyak na may kukunin na namang buhay, buhay na iniingatan dahil hiram lamang ito sa poong may kapal. kung hnd man buhay ang kunin nandyan ang mga tahanan.
Tahanan na itinayo upang matirhan habang buhay, pati ang mga ari-arian na pinaghirapang ipundar ay sisirain lamang ng isang hagupit mo lamang.
Hanggang kailan tayo magtitiis sa ganitong sitwasyon, kung pwd pa nmn natin baguhin ang ating nakaugalian.
Bakit hnd ayusin ang mag estero na syang daluyan ng tubig sa tuwing uulan at babaha.
Bakit hnd itapon ang basura sa tamang tapunan. Nang sa gayon mabawasan ang babara sa mga daluyan ng tubig. Bakit kailangan magtapon sa kung saan-saan? kung pwd nmn ilagay sa tamang lagayan.
Mga puno sa kabundukan huwag putulin ng basta basta lamang, kung puputulin ito palitan para meron pa ding pumigil sa agos ng tubig na nagmumula sa kalangitan.
Kalangitan na kung minsan wlng pakundangan mag labas ng hinanaing sa buong sambayanan.
Sambayanan na minsan hnd maintindihan kung bakit nangyayari ang ganitong sitwasyon na nararanasan. Na minsan madami ang katanungan sa isip kung bakit kailangan pang maranasan ang ganitong hagupit ng kalikasan.
Kalikasan na minsan naniningil dahil sa narin sa mga pabayang mamamayan. Mamamayan na wla ng pakundangan sirain ang kalikasan. Kya kpag naningil na ito wla kng magagawa kundi ang umiyak na lamang.
Salamat in advance sa mga magbabasa.
thank you @Kendy42 for pushing me to this and for inviting me here in this platform.
Mag ingat po kayo lagi at kapag umuulan wag na lumabas ng bahay kung wala nmn importanteng kukunin sa labas kasi pagmalakas ang ulan mabilis din tumaas ang bumaha,,