Mare, ito ang latest!
Another eme eme article from yours truly! Pasensya na kayo guys, this will be purely tagalog. Ayaw magfunction ng mga brain cells ko today. Kaya medyo comedy muna tayo ngayon with a dash of kadramahan sa life and a tablespoon of chismis, hahaha! ***Mare, may chika ako sayo!*** Naku, etong mga ganitong linyahan talaga ang mahirap iresist. Kahit di mo nan kamag-anak si Marites eh di maiwasan mapachismis. Oh, aminin, wag magdeny, ganito din kayo, hahaha! So, naisipan ko magpamanicure sa friend ko. Sya kasi talaga yun nagseservice sa halos buong neighborhood. Kaya halos alam nya lahat ng galawan sa buong barangay namin. Ako kasi eh dayo lang naman talaga sa barangay na to. Kahit pa sabihin na halos sampung taon na kami na nakatira dito eh di ko pa din halos kilala ang mga taga dito. Hindi kasi ako mahilig tumambay sa labas. Mas bet ko ang mag stay sa house lang. So habang nag-uumpisa na sya sa pagkuskos ng kuko kong cute, char, nagsimula na din ang bibig nya s pagdaldal.
"Nang, kilala mo ba si A? " "Hindi eh, sino ba yun?" "Yun nagtitinda ng ice cream" "Hindi ko sya talaga kilala" "Kasi Nang, alam mo, yun anak nya eh nagpapabooking na. " "Anong booking? " "Yung nagpapapik up sa lalaki, eh ang bata bata pa noon. 16 years old lang. Tapos yun nanay eh dedma lang kasi ganun din ang trabaho eh. Kaya si A eh parang wala na lang din. Kasi wala naman sila makain kung di gagawin un ng pamilya nya. " So ako, habang nakikinig eh, naamaze sa kanya. Kung paano nya yun nalaman lahat. Tapos ako eh, tatango tango na lang. Kasi di ko naman din kilala ang kinukwento nya at kahit pa siguro kilala ko eh di ko naman pwede husgahan sila. I don't know the real story behind it. So para maiba ang usapan, sinabi ko sa kanya na join na sya sa noise.cash. actually willing nan sya kasi dati ko pa sinasabi sa kanya yun. Pero ang problema eh ang phone nya. Full storage na at ayaw ko naman pakialaman at baka masira pa. Kaya ang sabi ko sa kanya eh ayusin nya muna phone nya at tuturuan ko sya kung paano kumita ng pera. Ang point ko lang dito is kahit ayaw mo ng chismis eh makakasagap ka pa din ng chicmis, hahaha! At kapag naumpisahan na eh tuloy tuloy na sya talaga. So after ng mahabang chismisan eh eto na ang kinalabasan ng kuko ko.
I love the color, green. Siempre kakulay ng bitcoin cash natin. Feeling ko eh gumanda ako ng mga 45% dahil sa kuko ko, hahaha! Okay naman sa asawa ko ng mga ganitong luho ko. Minsan pa nga eh sya mismo ang nagsasabi na magpamanicure na ako. Sa ganyan man lang daw eh gumanda ako, hayerp! Hahaha! Ganyan lang talaga mang-asar yan asawa ko, pero lablab ako nyan. Naku dapat lang kung ayaw nya maging tigang, tigang sa pagmamahal, char! Hahaha! So hanggang dito na lang ang aking kabuangan. Good vibes lang muna tayo ngayon at iwas sa kadramahan at baka maagang masundo ni kamatayan, hahahaha! THANK YOU FOR READING! ❤❤❤ Lead Image Source https://images.app.goo.gl/hEW4rPuKh7PyP4cf7
27 comments
naku sis,ganyan din buhay ko dito sa bahay.di na nga lumalabas may dumarating naman para maghatid ng maiinit na balita.hahaha.
Ikaw na iwas na iwas sa chismis pero chismis pa ang lumalapit sayo, hahaha
Basta ganyan, sumasagap ng balita yan, lalo na't araw-araw umaalis sa bahay, chos hahhaha. 40% manicure 60% chismis, chos lang po hehehe.
Hay naku, totoo yan, hahaha..
Hello sis.. hope you are doing well these days and also, I love your nails
Hi sissy, yes, I am much better now. Although I am still under medication but I am coping up. Sorry if this article is in my local language, but it is nice to see you here..
never feel bad writing articles in your language sis.. one must be proud of their ethnicity :))
Thank you for that sis...
bet ko din yang kulay sis!..love it!
Thanks sis, hehehe...
2 years na ata akong hindi nakakapag pamanicure or pedicure..hahahaha....baka mahirapan na ang manikurista sa tigas ng kalyo ko.
Ganda yarn mommy? Hahaha . Same vibes dito kahit ayoko makasagap.mg chismis e tsismosa na lumalapit sakin haha. Oo lang ako ng oo 😂
Kaya nga, kahit anong iwas mo eh chismis na lumalapit, hahaha
Kaya nga. Minsan kapag lalabas ako lalapitan na nila ako hahaha.
Hay naku, same talaga, hahahah.. Tapos sasabihan pa ako bakit di daw ako lumalabas ng bahay... Hahaha
Hahaha kahit ayaw mo ng chismis yung chismis ang lumalapit hahaha love the color sa nails! 💚
Hahaha, thank you beh..
Goodness, alam mo ba madams si mudrabels di lumalabas yan pero ang daming alam na chismis. Kasi pano sya ang dinadayo ng chismis Hhahahahaha. Kagagaling din talaga ng mga Marites ay ano haha. Pero I love the color madamsss I mean yang manicure mo yiehhh
Naku madams ganun din ako eh, di ko din talaga hilig lumabas pero hinahatid sa akin ang chismis, hahaha. Thank you madams, mas bet ko ganitong mga shade..
ang daming marites sa mun-do naku jusko
Haha ang kulit lng:)
Sanaol may cute na kuko. Char, haha. Cute din sa'ken noh, hihi. 😁 Hirap i-resist ni chismis hano. Pero since taong bahay ako, wala akong gaanong nasasagap unless may masagap si Mama at Tita HAHAHAQ. 'Di naman din sila palalabas pero sila ang pinupuntahan dito minsan ng mga kakilala nila. Sabi ni Mama kapag may nagkukwento daw ng ganito is tumango-tango ka lang daw at 'wag sasagot. Magtanong pero 'wag magko-comment. Play safe ba, hehe.
Ganda ng kulay ate, tas ang kyut pa ng kuko hehe.
Chismis always come to us hahaha. Di maiiwasan talaga yang ganyan ate, mapa good or negative pa yan , makakasagap talaga tayo ng balita from random people.
Korek, kaya we have the Marites inside of us, hahahaha
I love the nails madam. So pretty. Hehe
Thank you madams, hehe