Mga Pagsubok lamang Yan, Wag mong itigil ang Laban...
Hello mga fersons! How are all guys?
First things first, I am not in good shape kaya I was not able to engaged more and published an article for the past 4 days. It's my fault though because di agad ako nagpacheck up sa doctor ko, for two reasons. First was, kaya ko pa naman(and so I though). Second reason was, natakot ako. Natakot ako na maconfine ulit sa hospital dahil we are not capable of that procedure yet.
But the other day, my husband told me na kumuha na ng appointment for check up kasi nakikita nya na hirap na talaga ako. Ang bilis ko manghina. Siguro dahil nga sa di ako makakain ng maayos kaya walang nutrients na pumapasok sa katawan ko dahilan para mas mabilis ako manghina. Para akong nauupos na kandila. Konting kilos lang, hinihingal na ako. My hands/fingers become stiff. Even my neck, ngalay na ngalay. Yung feeling na parang hihiwalay ang ulo ko sa katawan. All my muscles are affected. That's the reason why di ako masyado makatagal sa gadget. Even in noise.cash eh di ako makapag update masyado. So I hope you understand.
Going back to my check-up, so ayun nga, kahapon eh nakapagpacheck-up na ako. Buti maisingit ako ni Miss Jane sa mga pasyente ni Doc that day. It was suppose to be 5 pm but 3 pm pa lang, nagtext na si Miss Jane(Dra. Jordan's secretary) na pwede na ako pumunta sa clinic ni doc.
As soon as we arrived eh dumiretso na agad kami sa loob ng clinic and doc was waiting for me na. The moment na magsalita ako, she said, "Naku inaatake ka na naman, ano ba nangyare sayo?" I told her na nilagnat ako, sipon at ubo. And then sabi ni husband eh nahawa ako sa kanya.
And she said na a simple fever, cough and cold can trigger my disease kaya dapat na iwasan ko talaga. Unlike normal people, mahina ang immune system ko kaya dapat doble ingat.
She gave me another prescription and medyo nag improve naman ang condition ko. And she told us about the thymoma(bukol sa thymus gland) that I might have. Then nag ask ako sa kanya if cancerous ba yun, she said no naman. But if ever na meron eh I have a bigger chance na gumaling kapag inalis dahil bata pa ako.
So when we went home, kinausap ko si husband that if ever I have thymoma, I want it to be removed. Kasi ayoko maging ganito for life, ang hirap as in. Ayoko din na maging pabigat sa pamilya ko. And the gastos, my gosh! Kung susumahin eh Mas malaki pa sa magagastos ko sa pagpapaopera if ever.
I keep on praying na sana malagpasan ko to at ng pamilya ko. And there were times na nawawalan na ako ng pag-asa like the other day, I was thinking of myself inside a coffin and pinaplano ko na Yung mga dapat gawin sa lamay at libing ko, kaloka di ba? Pero of course, binubura ko agad sa isip ko yun. Ayoko pa, andami ko pang gustong gawin.
I am just thankful na may very supportive husband ako. Na kahit minsan eh alam ko na pagod na sya, di pa din sya sumusuko or di pa din nya ako sinusukuan. Lagi nya sinasabi sa akin na laban lang. Na ngayon ko kailangan maging mas matapang.
So lalaban ako. Sana bigyan pa ako ng Diyos ng lakas ng katawan na malagpasan ang lahat.
--
Date Published: August 26, 2022
Kakayanin mo yan sis! magpagaling ka, kelangan ka pa ng world. hugsss!