Ang gusto ko lamang sa buhay ay...

17 40
Avatar for Pachuchay
3 years ago

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang gusto. Simula sa materyal na bagay hanggang sa di materyal katulad ng tunay na pagmamahal. Pero ano nga ba ang makapagpapasaya sa atin?


Noong bata pa ako, ang gusto ko lamang ay piso, bakit? Sa piso kasi ay madami na akong mabibili. Mga kendi sa katabing tindahan namin noon. Yung bubot na kendi na may free pa na singsing. Makakabili na din ako noon ng bebol gum na iba iba ang color. Ang sarap sa feeling pag nakakabili ako ng mga kendi. Pakiramdam ko eh sikat na ako kasi madami nanghihingi sa akin na mga kaibigan ko.

Noong ako ay nag edad 12 na, naisip ko naman ang mga gusto ko paglaki ko. Dahil sa mga napapanood ko sa telebisyon na mga babaeng ang gaganda ng damit at nagtatrabaho sa mga matatayog na gusali, gusto ko din na maging katulad nila. Gusto ko magtrabaho sa opisina. Gusto ko mging sekretarya or maging executives sa isang magandang kompanya. Nagpapraktis pa ako sa harap ng salamin na kunwari ay nasa job interview ako.

Noong ako ay nagdalaga, ang gusto ko ay jowa, hahaha! Hindi naman kasi ako kagandahan. Lagi pa nga ang sabi sa akin eh exotic beauty, yung tipong endangered species na,yawa! Pero nunca mga tita, kahit ganito ang aura, madaming nabihag sa aking ganda. Pero ako ay naging happy naman lahat sa kanila. Madaming natutunang mga bagay bagay na mapapakinabangan sa buhay.

Lumagay sa tahimik at nagkaroon ng pamilya. Ang gusto ko ay magkaroon ng 3 anak pero biniyayaan ng isa. Ako ay lubos na naging masaya dahil para sa akin, ang isa ay sapat na para magbuklod ng aming pamilya. Pamilya na sinubok ng panahon ngunit nanatiling maging matatag.

Pero ngayong ako ay nagkakaedad na (41 pa lang haπŸ˜…) ang gusto ko lamang ay malusog na pangangatawan. Dahil balewala lahat ng yan kung di ka healthy.

Ang sabi nga nila, You are the most wealthiest if you are healthy. Ang pera eh pwede mo pa kitain ulit eh, pero ang health kapag nadeteriorate, bukod sa uubusin ang pera mo, pupwede ka pang mabura ka sa mundo.

Kaya ang gusto ko sa edad kong to ay isang malusog na pangangatawan, masayang pamilya at masayang buhay.

Hindi ko na hangad ang karangyaan, sapat na sa akin kung anong meron kami ng pamilya ko. Siguro dumadating talaga tayo sa point ng buhay natin na di na natin kailangan ang marangyang buhay. Yan ang natutunan ko nung nalagay sa alanganin ang kalusugan ko. Kaya kayo na mga bata pa, ingatan nyo ang kalusugan nyo. Mag-invest din kayo sa health nyo at di puro pera lang. Alam ko kung gaano kaimportante ang pera, pero gaya nga ng sinabi ko, madaling kitain yan. Kaya rest din pag my time. Huwag nyo na intayin na mag rest in peace na kayo,char!

Date Published: November 28, 2021

All photos from google

9
$ 5.01
$ 4.64 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.05 from @Jane
+ 7
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
3 years ago

Comments

Good health lang talaga para sakin at sa anak ko at pamilya ko yan lang din talaga gusto ko sa buhay..

bilib talaga ako sa lifestory mo madam eh dati pa hehehehe idolo

$ 0.00
3 years ago

Same tayo sis..sabi ko sa asawa ko, di na baleng mahirap, ang mahalaga hindi kami nagugutom..bonus nalang din talaga na kahit papaano ay pinagpapala ni Lord yung work ko..nabibigay ko ang mga gusto ng mga anak ko..pero kontento na kaming mag asawa sa kung anong meron kami ngayon.. sabi ko nga, parang hindi ko keri na tumira sa malaking bahay..yung tipong hindi na kayo magkikita kita dahil sa laki ng bahay..sapat na ako sa 50 square meters na laki ng bahay namin now..hehehe

$ 0.00
3 years ago

ay ganun din kami sis, lalo na at 3 lang kami. jusko baka aalog alog ang bahay pag nagkataon. Ang importante eh masaya tayo sa buhay. Appreciate natin kung anong meron tayo at kung may sobra man na ibigay eh mas maging bthankful pa tayo di ba..

$ 0.00
3 years ago

super agree ako sayo sis.

$ 0.00
3 years ago

Uwuuuu! I so love this article of your's, Ate. 😍 Napaka-realistic eh. Naalala ko din mga chichirya noon na may free na plastic na singsing sa loob. Ohaaa, sa piso mo may singsing ka na agad. Mostly, green pa. Hihi! Meron pa kaya 'yung mga ganyan ngayon?

Pero natawa din ako dito ah, "Lagi pa nga ang sabi sa akin eh exotic beauty, yung tipong endangered species na,yawa!" 'Yung binasa ko pa with expression 'yung yawa. HAHAHA! And, yes. Prioritized our health more than our health talaga. Relax-relax din para iwas burnout o ano pa man.

$ 0.00
3 years ago

wala na yata ngayon beh, wala na akong nakikitang ganun ngayon eh,hehehehe

ganun talaga beh ang beauty ko, exotic hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Ayieh, lakas mo sa boys madams ano ba kaaing secret πŸ₯ΊπŸ‘‰πŸ‘ˆ hahaha. And same sa health sana akso ako unang umaabuso sa katawan ko ee hahahanep

$ 0.00
3 years ago

naku madams, wag abusuhin ang katawan. hayaan mong ang future jowabels ang umabuso nyan hahahhaha

$ 0.00
3 years ago

Para tuloy akong nagbalik tanaw. Ang gusto ko talaga nung bata ako may truck ng pera tumigil sa harap ko at magiging mayaman na kami. Bibili ko si mama at papa ng malaking bahay at magarang sasakyan tapos tagiisa kaming bahay ng mga kapatid ko. Bata pa lang ako non huh. 🀣

Ngayon, mapalaki ko lang ng maayos mga anak ko. :) Health is wealth madam. Kung di tayo healthy wala rin.

Pero lol natawa ako, exotic at endangered species din ako momshie. 🀣

$ 0.00
3 years ago

grbe din talaga yun mga gusto natin noon noh,hahahha! At tama momshie, aanhin mo ang [era kung di ka naman malusog. Di mo naman yan madadala sa kabilang buhay..

$ 0.00
3 years ago

Hahaha Remember ko pa din yang bobot heheh. Pero ate ang lutong ng Y*wa mo hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, minsan lang yanπŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

HAHAHHA ateπŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Wala eh, malakas dating no sa lalaki πŸ˜… Gusto ko na mag work :"( Yun Lang gusto ko ngayon kaso Yung mga companies Di na sumagot

$ 0.00
3 years ago

How about un sa bench sis?

$ 0.00
3 years ago

I refused Kasi ang layo talaga without the shuttle service too

$ 0.00
3 years ago

oh i see, hope you'll land in a permanent job soon..

$ 0.00
3 years ago