An Unexpected Turn of Event
Hello guys! I started my Monday ng super aga, like 4 am. Napanaginipan ko kasi yun late mother in law ko. Pinuntahan daw namin sya sa dati nyang bahay and super saya and very welcoming daw sya pagkakita sa amin. Malayong-malayo sa kung paano sya kapag dinadalaw namin sya noong buhay pa sya. Siguro nagpaparamdam lang na dalawin namin puntod nya kasi medyo may katagalan na din yun last visit namin sa kanya.
So this morning, habang nagbreakfast kami, sabi ko sa husband ko na dalawin namin mother nya. He said yes naman. And he went kani-kanina lang while I am asleep. Sabi ko sa kanya na isama nya ako pero ang sarap daw ng tulog ko kaya di na nya ako ginising.
And this morning din, inasikaso ko yun Philhealth ko. The original plan was, ihahatid ako ni husband kaso sa sobrang tagal nya maligo at medyo late na din kasi ako dahil nga natulog pa ako ulit kanina. Sabi ko sa kanya na wag na lang nya ako ihatid at magcocommute na lang ako.
So eto na nga mga Marites, so pagpunta ko doon, ask muna kay Manong Guard then sabi ko new applicant ako ng Philhealth. So tinuro nya ako doon sa isang lady na namumutok ang labi sa lipstick. Pagdating ko doon sa lady, binigyan nya ako form and chineck nya yun requirements ko then tinuro nya ako sa isang room. So dahil nga madami na ang nakapila naghintay ako ng mga 30 minutes or more.
Then eto na nga, nun tinawag na ang number ko, lapit ako doon sa babaing buntis na parang nakamegaphone ang boses, charizz😂. So binigay ko yun form ko then nun pagcheck nya, sabi nya ay Philhealth member na daw ako since 2018, SPONSORED BY OUR BRGY. Pero di na nirenew noong 2019 until now. So ako eh nashocked ng slight kasi I was not informed, kaloka! Wala din ako matandaan na nagfill out ako ng mga forms noon sa Philhealth kaya sabi ko doon sa babae na sureness ba na ako yan kasi baka kako kapangalan ko lang. Sureness na sureness daw kasi same name and address. Then sabi nya siguro malakas kapit mo sa brgy or may kakilala ka na nagwork sa brgy kaya ka naisponsor. Matutuwa na sana ako eh kasi sa wakas napasali ako sa ganyan ayuda kaso di ako informed saka di na nila nirenew. So ngayon, need ko bayaran yun contribution from 2019 up to now and it is almost 9 kiaw!
Sabi ko sa babae if ever ba maospital ako eh maavail ko yan oo daw basta fully paid un almost 9 kiaw. So ayun sabi ko na lang na unti untiin ko ang pagbayad na lang since wala ako ganyan kalaking pera. Bale kanina, 1k un binayad ko and by the way, 400 na pala ang monthly contribution ng Philhealth ngayon.
So ayun na nga, nakakaloka, kung sana nainform ako ng brgy, eh di sana naipagpatuloy ko yun pagbayad and nagamit ko na sana. Well, anyway, wala na ako magagawa kasi it happened na.
O pak sa ID, hahaha! Buti na lang pumayag yung babae kanina na eto ang gamitin ko kasi ang pangit ko doon sa picture ko kanina, jusko. Halatang sakitin eh, Hahaha! Kasalanan ni Manong photographer kasi hindi nya nailabas yung ganda ko, charooot!
And that's it, regardless of what I have discovered, I am happy kasi naging successful yung lakad ko kanina. Kailangan ko na lang bayaran ng paunti-unti ang balance ko to avail its benefits.
--
Date Published: May 30, 2022
All photos are mine unless stated otherwise.
helpful si philhealth din nung nagka ectopic ako and sa panganganak..malaki laki din ang nabawas pati sa doctor's fee..