A Quick Update of Yesterday's Ganap
Good day guys! Four more days and month of May will come to an end. How time flies ey? Anyways enough with my English kemerut, tagalog muna tayo today. My brain still hibernates at this moment due to the cold weather. Yes, unexpectedly, we have a very cold weather in our end. It has been raining like crazy with thunder and lightning last night. Unexpectedly because grabe ang init kahapon. So I did not expect na magiging maulan kagabi.
For today's blog, it will be all about my follow up check up kahapon with my doctor and everything that happened in between.
My appointment yesterday was 10:30 in the morning so I still have time to do the usual morning chores. Thanks to my daughter who helped me with everything. Nanotice ko lang na simula noong nahospital ako until now na nakauwe na ako, naging very responsible ang anak ko. Unlike before na nakaasa talaga sya lahat sa akin, well sinanay ko kasi sya. Lagi ko kasi sinasabi sa kanya na magfocus lang sya sa studies nya. But now, she helps like all the time. Nagagalit pa nga kapag naglilinis ako and she always reminds me about taking my medicine on time.
Okay, moving on.. We arrived at the hospital 10:30, very on time sa schedule ko. But we have to wait 30 minutes kasi may nauna ng pasyente. It's okay lang naman since malamig naman sa loob ng hospital. And when my turn came, my doctor welcomed me with a huge smile on her face.
After ng kumustahan about my well being, she asked me if inuubo ba ako or sinisipon kasi nga dahil doon sa nakita nila na Tuberculosis sa xray result ko. I was also bothered by it, pero sabi ko eh wala naman ako naramdaman na kung anuman not even slight colds. So she said na since wala ako naramdaman, di na muna yun itreat kasi di pa confirmed if TB nga ba talaga. BUT, kapag daw inubo ako ng matindi, I should inform her agad para di na ulit mangyari na atakehin ako. She said na dapat ko ingatan ang katawan ko kasi mahirap kaag nacompromise ang immune system ko dahil baka maospital na naman ako.
And then she reminded me na I have to do 2 diagnostic tests pa which is the RNS and CHEST CT SCAN. Actually, nakapag set na ako ng appointment for RNS pero I cancelled it and it is moved on JUNE 16. So I have a long way to go pa and more expenses to come, hehe..
After the check up, nagreklamo na ang anak ko na gutom na daw sya but I told her na mag-grocery na muna kami kasi need ko pa inumin yun meds ko. She said yes naman and so we head to the Gaisano which is katabi lang ng hospital. We enjoyed shopping, lol! Sino ba naman hindi di ba? Mga basic needs lang naman and some snacks and treats for my dogs.
Mabilis lang kami pumila sa cashier kasi sa Senior lane kami pumila, hahaha! Oh my gosh, pasado na ako sa senior lane dahil sa dami ng grey hair ko kaloka! The cashier even asked me kung magpaadiscount daw ba ako jusko! 😂
Then after namin mamili, we headed sa Chowking to have our lunch. Gutom na din kasi talaga ako kasi almost 12 noon na. We ordered chowfan and wanton soup. I need soup every meal kasi para di ako hirap kumain.
I am so full after! Siguro dahil nga sa gutom kaya naubos ko yun inorder ko. We stayed 30 minutes more before we headed home. And then yun katabi namin na table na senior ang kumakain, s3nior na sya because halata naman sa kanya, I mean sa appearance nya. She asked the waitress if pwede daw ba makahingi ng katulad ng meron si "Manang" sabay turo sa akin. Like wtf, hahaha! Oh my gosh, I feel so offended like totally offended. Obviously kasi mas matanda na sya sa akin. Gusto ko sabihin sa kanya na hello I am only 42, pero dedmabels na lang. Pero pag uwe namin ng bahay, dabi ng anak ko, "Mama magkulay ka na ng buhok napagkamalan ka nang senior eh."
So ayun nga, I think sa Sunday eh magcolor na ako ng hair para naman sa pictorial, chariiz, for Philheath ID eh di ako magmukhang senior.
--
And that's it guys! Yan ang ganap sa life ko kahapon. Dapat talaga eh kahapon ko pa to sinulat kaso nagbeauty rest muna ako ng bongga. As always, thanks for reading!
--
Date Published: May 27, 2022
Lead Image from Unpslash
Masipag k tlga sis. Daming grocery.