Ano nga ba ang Karapatang Pantao? (Alamin ang iyong mga karapatan)

10 68
Avatar for OverThinker
4 years ago

Ang ating lipunan ay nahaharap sa maraming isyu gaya ng kahirapan, kawalan ng trabaho, diskriminasyon at sekswalidad. Ngunit ang nakapagpukaw sa aking atensyon ay ang mga isyu kaugnay sa Karapatang Pantao. Ngayon, aking bibigyang diin ang kahalagahan ng karapatang pantao sa ating pang- araw-araw na pamumuhay sa makataong pag-unlad at kinabukasan. Ang paglilinaw ng mga konsepto at prinsipyo ng karapatang pantao ay makakatulong sa pagbukas ng isipan at damdamin upang makiisa sa pambansang pagkilos sa pagtataguyod n gating dignidad bilang tao.

                Sa bawat minuto at kahit saan mang bahagi ng mundo, hindi makakailang may paglabag na nagaganap sa ating mga karapatan. Ikaw man ay isang simpleng mamamayan, trabhador,negosyante, estudyante, ina, anak, kapatid, o kasamahan lamang sa tahanan, napakahalang matutunan mo ang iyong mga karapatan. Hindi naman kumplekado ang usapin na ito. Simple lang, kung ikaw ay tao may karapatan ka.

                Likas sa ating pagkatao ang pagkakaroon ng karapatan. Mapabata man o matanda, puti man o itim, lalaki o babae, kristiyano man o muslim, mayaman o mahirap, Pilipino ka man o banyaga, lahat tayo ay may karapatan. Ngunit hindi naging madali sa atin na kilalanin ang karapatan n gating kapwa tao.  Ipinakita sa kasaysayan na kailangang ipaglaban sa ibat ibang lugar ang pagkilala sa karapatang pantao. Sa katunayan, ang pandaigdingang pagkilala sa karapatang ito ay napagkasunduan lamang matapos ang malawakang pagyurak sa buhay at dignidad noong World War II. Noong panahong iyon, ang mga tao ay halos hindi na itinuring na mga tao. Dahil sa mga karanasang iyon ay napagpasyahan ng mga ninuno ng mga bansa na panahon ng maitala ang mg karapatang pantao at kilalanin ng kahit sinong gobyerno sa panahon mang mapayapa at may digmaan.

                Noong ika-sampu ng Disyembre 1948, nilagdaan ng 56 na bansang kasapi ng United Nations kabilang ang Pilipinas ang Universal Declaration of Human Rights o UDHR. Nakasaad dito na ang pagrespeto sa dignidad ng tao at pantay na karapatan ng bawat tao ang pundasyon ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa mundo.

                Bago ito maideklara, iilang tao lamang sa lipunan ang kinikilalang may karapatan. Halimbawa na lamang ang mga hari at may mga dugong bughaw, ang mga panginoong may lupa at mga mangangalakal. Mas baba ang mga kababaihan at ibinebenta ang mga tao bilang kalakal at inaani bilang alipin.

                Upang higit na maunawaan, aking isasaad ang mga konsepto at prinsipyo nito. Dahil unbersal ang karapatang ito, binibigyang diin nito ang equality o non-discrimination sa pagkamit ng karapatang pantao. Diskriminasyon na madalas nararanasan ng ating mga kapatid na katutubo at muslim. At hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin ng mga kababaihan ang pantay na pagtrato sa kanila sa maraming lipunan. Gayundin ang pakikipaglaban ng LGBT sa paggalang at pagkilala sa kanilang identidad.

                Ikalawa naman sa pundasyon ng human rights ay tinaguriang Inalienability na ang lahat ng nilalang ng Diyos ay may karapatan na kalianman ay hindi maaring makuha nito dahil ang buhay natin ay sa atin lamang. Katangian din ng karapatang pantao ang pagiging indivisible na nangangahulugang ang ating karapatang mamuhay  ay pantay pantay. Ang huli naman sa katangian nito ay pagiging interrelated.

                Lahat tayo ay dapat kumilos para sa karapatang pantao.  Pumili lamang ng isyu na malapit sa ating puso at kumilos sa paraang marapat at kakayanin natin. Sa maliliit nating pagkilos para sa karapatang pantao ay sama sama natin itong maisusulong.

Sanggunian:

Sison, Carmelo B. 2001, Panimulang  aklat sa pag-aaral ng  1987 Konstitusyon at pamahalaaan ng Pilipinas. Nakuha sa:

https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-24-karapatang-pantao

 

 United Nations Department of Public Information, NY. Nakuha sa:

https://www.ohchr.org/EN/UDHR/Pages/Language.aspx?LangID=tgl

Hey guys, I'm glad to join "Get Sponsored !!" community. The idea of community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities.

Join if you want to "Get Sponsored !!"

Thank you @Ashma for the continuous support! I am motivated to write more under your support💕

I would also like to thank my sponsors @dexter , @Jesus@scottcbusiness  , @thesatoshistore  , @cryptoworld and @Shitcoincharter  for supporting my articles. 💕

Please don't hesitate to drop a comment down below your thoughts regarding this article. Lovelots!

 

12
$ 0.01
$ 0.01 from @Papshilog
Sponsors of OverThinker
empty
empty
empty
Avatar for OverThinker
4 years ago

Comments

Thank you for sharing awareness especially this crying times. So proud of you. Keep it up!

$ 0.00
4 years ago

Thank you! Bilang kapwa Pilipino nais ko lamang ibahagi ang ating mga karapatan lalo na't hindi lahat ay may kamalayan sa bagay na ito.

$ 0.00
4 years ago

This article is relevant to what is happening today. Everyone should know their rights to stop anyone who wants to abuse it.

$ 0.00
4 years ago

Yes. I couldn't agree more. We should know what are our rights as humans and as citizen of this nation. A lot of people are being abused not know their rights. Let's spread awareness 😊

$ 0.00
4 years ago

Wow. What an informative article. Well expected from you😊 keep it up. Everyone must know our rights as a human and as a citizen of this country.

$ 0.00
4 years ago

Yes. Well all should in order to prevent abuse, discrimimation and other inequalities we're experiencing

$ 0.00
4 years ago

Especially right now. Hahahah

$ 0.00
4 years ago

Agree. Even me myself do get bullied hahahahahha

$ 0.00
4 years ago

Sorry na nane ohh hahhaha

$ 0.00
4 years ago

Hahahahah. Don't worry. We're on the same boat hahahahhaha

$ 0.00
4 years ago