Ayos Lang Yan, Ituloy Mo Ang Laban.
“Ayos Lang Yan, Ituloy Mo Ang Laban.”. Isinulat Ni OfficialGamboaLikeUs
“Tila walang maintindihan, puso ko’y nababalot ng katakutan. Hindi ko malaman, wala akong naiintinihan kahit ano pang kadahilanan.”
Palihim kang humihingi ng saklolo, walang nakakarinig sapagkat wala kang salitang binibitawan. Walang nakakakita, sapagkat ayaw mong isipan nila ang iyong kahinaan. Di ka ba napapagod sa iyong laban? Kailangan mo rin ng kaginhawaan.
Takot kang sabihin sa iba ang tunay mong nararamdaman, di dahil di nila maiintindihan, kundi dahil iba-iba tayo ng karanasan.
Totoo, hindi ka mahina, natatakot ka lang. Karamihan sa kadahilanang natatakot kalang, isa na ang salitang lumalabas sa bibig ng mga tao. Mga imahinasyon mo na baka ganito ganyan, ang mangyari sa hinahanap. Minsan nauuwi na sa halos wala ka nang maintindihan, di mo alam kung ano ang papanigan dahil puro takot na ang laman ng iyong isipan.
Payong kaibigan, hindi masama kung mahina ka sa ngayon, hindi masama kung umiiyak ka, hindi masama kung di mo maramdaman na maayos ka. Ngayong binabasa mo to, kamusta ka? Kung sino kaman, tandaan mong hindi ka nagiisa. Magpahinga ka, at bumalik sa labang ikaw ang nagwagi upang ipagpunyagi.
Madalas natin itong kalaban pagdating sa mga palaisipang pwede makagulo sa ating nararamdaman. Madalas may katagang, "Sundin mo ang isip, huwag ang iyong puso."
Aking kaibigan, kahit saan kaman makinig ay magulo parin ang kinakalabasan.
Palaisipan sa iba bakit may mga taong ayaw magsalita, at magsabi ng nasakanilang isipan? Anong dahilan? Bakit?
Ang karamihan sakanila ay problema kung paano sila mapaakinggan, paano sila mapapanigan at paano sila papaniwalaan. Madaming bagay sa mundo ang hindi natin maintindihan, madaming bagay sa mundo ang mahirap paniwalaan. Isa naroon ang nararamdaman ng isang tao, tayo bilang tao may mga oras na hindi talaga natin maintindihan kung ano yung gusto mong sabihin ng isa. Kasi doon lang tayo naka focus sa part na maririnig natin, without thinking na kumusta na kaya siya?
Kaya sila natatakot magsalita, na sabihin kung ano yung nais nilang sabihin dahil sa pwedeng maging tingin sa kanila nang ibang tao. Sobrang dami kasi ng rason naririnig natin kadalasan sa mga taong nakapaligid sa atin, pero kung hindi mo naiintindihan ang isang tao manahimik ka nalang.
Napapaisip ka pa kung bakit ganito ang artikulo ko?, Dahil para ito sa mga taong hindi talaga maayos ang kanilang pakiramdam pero makikita natin sila ok sila tignan. Relate ka diba kasi isa ka rin sa mga naging ganyan.
Ok lang na umiyak ka, ok lang kung nasasaktan ka, ayos lang rin kung mahina. Hindi naman tayo isang bato na kahit durugin na kahit ibato, tapakan man kahit ano ay walang nararamdaman. Tao kalang rin, kaya yung masasabi ko lang talaga sa'yo ayos lang yan ituloy mo ang laban.
Ayos na ayos ang pagkasulat sis, ganda nya parang naging tula na mahabang mahaba.
Tama kahit ano man ang ating pinagdadaanan, hwag sumuko at ituloy ang laban. Matutong magsabi, matutong humingi ng tulong at hwag isipin ang mga negatibong sasabihin.