Ala-ala

0 14

Sa mga araw na nagdaan,

Labis ang lungkot na naramdaman.

Pilit binabalik ang luha,

Sa mga mata niyang nagluluksa.

Pinipikit ang mga mata,

Sa tuwing ito’y naaalala.

Sa bigat ng nararamdaman,

Halos gusto na ring lumisan na.

Nung panahon na magkasama,

Labis ang tuwa na nadarama.

Magkasama sa kahit saan,

Bukang-liwayway ang gustong tingnan.

Hindi na maibabalik,

Ang mga alaalang kay saya.

Sapagka’t ika’y lumisan na.

Ngunit gusto kong bumalik ka pa.

Hindi buo ang araw ko,

Dahil wala ka na sa tabi ko.

Ang pagsalubong mo sa akin,

Puno ng pananabik at gigil.

Ang pagtahol mo sa umaga,

Pinagmumulan ng aking sigla.

At sa pagbigay ng proteksyon,

Lagging alerto’t puno ng tapang.

Simoy ng hangin ay nadarama,

At sa pagtakbo mo sa bakuran.

Alaala ay maiiwan,

Sa higpit ng yakap sa bisig ko.

Ngunit huwag kang mag-alala,

Ikaw lang ang pinakamamahal.

Kahit ikaw ay lumisan na,

Mahal na mahal pa rin kita.

1
$ 0.00

Comments

Napakagandang tula naman yan. Ganda. Hdhhdhdjdjdjdjjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjndndhdhhdhdhfhfhfjfjjfjfjfjfjfjfjjfjfjfjfjfjjfjfjfnfncncjfjfjjcncncncncnncncncncncncncncnfjfjcjfjfjjcjcncncjcjfkfkkdkdksjshjsjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjjdjfjfjdjjfjfjfjfjjfj

$ 0.00
4 years ago

your article is really very good. thank you so much for your nice article. This is uniqu......

$ 0.00
4 years ago

Maraming ang nanatiling alala nalang. Kagaya ng mga masasakit na nakaraan itchuss me hugot e ha ha ha. Ang nakaraan, ang mga nakalipas na kay sarap balikan na sa alala lamang.

$ 0.00
4 years ago

wow, story ta onek sundor. thak you for this writing. next a apnar kas theke amon aro sundor sundor story asa kori. thank you so much

$ 0.00
4 years ago