Dahil na stranded ang sahod ni bunso, magexperiment muna ako ng ulam namin. Itong mga ito ay pagsasamahin ko, ewan ko lang kung ano ang kalalabasan nito, ngayon lang ako magluluto kasi mga 4 or 5 pa kakain ng kanyang lunch si bunso.
@Nengste in September 2022
Maasim na gabi sa inyong lahat! Dalawang mangga ito bigay kasama ng talong at okra. Sarap gawing sawsawan sana bukas. Kaso hindi na napigilan ni bunsong buksan. Natakam sa hitsura nitong maniba.
Nag lunch na ba ang lahat? Share ko na lang itong ulam namin kahapon. Nakaligtaan ni granny na ibahagi sa inyo. Hindi ko alam kung ano ang tawag, tawagin na lang nating "pa-tyam". Pinaiksing salita nang patyamba-tyamba. Mapalad ako kahapon naging masarap naman ang kinalabasan. Pwede nyo pong gayahin para sa mga nanay na nagbabaon ang mga anak sa eskwelahan.
Ilang araw na naghahanap ako ng legit paying apps, kaya installed, play at uninstalled ang aking ginagawa hangang may natagpuan akong 2 mobile app na maganda ang mga reviews. Heto sinusubukan ko ngayon pagnakapagwithdraw ako dito via paypal share ko dito sa inyo.
Ngayon ang araw ng aking pagluwal kay bunso. Hindi ako nagluto ngayon kasi kalunch date niya ngayon ang kanyang mga friendship kaya itong chicharon ang aking binuksan para ulamin sa aking tanghalian. Ang kanyang kapatid may pa treat din sa kanya mamaya, family dinner time sa sizzling daw kaya no need talagang magluto.
Kamusta ang lahat? Pasukan na naman at paghahanda ng pagkain sa pack lunch ng mga bulilit sa pagkuha ng ibat ibang kaalaman sa eskwelahan at matutunan ang mga ito. Sumikat ang araw Kaingay tara ng maglaba bago ko uumpisahan kape muna tayo para may pantulak dito sa pizza. Kahapon lang natuloy ang aming family get together sa isang kainan, may natirang ilang pirasong hiwang Pizza kaya nitakeout, ngayon ko lang naenjoy ang sarap kasi lumutong ang pizza crust sa pag-init kahapon…
Hanggang ngayon marami pa rin ang bumibili ng mga halaman. Ang akala ko lipas na ang trending noon na plantito at plantita pero mali pala si granny. Yan ang laman ng box ng toktok rider. Order marahil ng costumer na plant lover. Madalas nakakakita ako ng ganitong bulaklak. Madali lang mabuhay. Kunin mo lang ang tuyong bulaklak at ibudbod sa lupa tsaka diligan. Bumilang lang ng ilang araw, tutubo na.
Lutong ulam again! Alam na busy si granny Nengste ngayon, pagoda sa paglalaba. Mukha namang masarap ang menu sa kanto namin kaya bumili na ako ng isang order. Kasya na sa amin ni bunso dahil may tira pang ulam kaninang umaga. Pagkatapos kumain, iidlip muna ako kahit mainit ang panahon para makapahinga.
Isa sa collection na halaman ng kapit-bahay namin itong cactus, na mild stroked siya at hirap na maglakad at magsalita. Ito ang ginawa niyang libangan para maging abala kahit hindi na gaya noong una ang kondisyon niya. Lalaki ang nagtatanim mga kaingay. Akala ko misis niya ang nag aalaga ng bakuran nila, hindi pala. Ang sinop kase parang kamay ng babae kapag nag organise ng gamit.
Adobong manok na may bitsuelas. Imbento uli ni granny Nengste, may nakita akong ilang bitsuelas sa ref kaya naisip kong subukan na isahog dito sa manok. Pamparami at dagdag sustansya na rin, ayos naman ang lasa. Hindi nga lang karaniwang ginagawa sa adobo ang maglagay ng bitsuelas. Kadalasan sa pansit isinasahog ito at sa chopsuey.
Ang taas ng init ng araw. Ingat sa may mga sakit na altapresyon. Ang dish ko ngayon ay iwas sa highblood. Ginisang gulay with tokwa. May mineral na at protina. Konting carbohydrates lang ang kakainin ko sa init ng panahon parang nakakawalang ganang kumain. Masarap siguro kung may malamig na panulak para mapawi ang alinsangang panahon.
Ang tindi ng init ng panahon kaya naman hindi na ako nakatiis na bumili ng isang solong bote ng malamig na softdrinks. Tulong Panulak sa nakakahirin na cupcake sa aking minindal ngayong hapon. Meryenda na tayo Kaingay!
Kamusta ang siesta natin? Sana nakatulog kayo kahit sa sobrang init ng panahon ngayong araw. Share ko muna itong isang inumin na pampawi sa init, naisip ko lang ishare dito ang aming dessert noong kumain kaming mag-anak sa isang resto cafe. Masarap kaya nasabik akong tikman ulet ang lasa nitong strawberry and cream.
Adobong tokwa sa maulang panahon. Nakakaantok ang weather dito sa amin. Ang sarap lang kumain at matulog. Paggising ko kaninang umaga nasilayan ko pa si Haring araw kaya sabi ko maglalaba ako ng mga tuwalya para mabawasan ang labahin sa monday ng kumasya sa sampayan kaso hindi natuloy dahil biglang nag-iba ang panahon.
Nasubukan niyo na bang magtransfer ng earnings niyo mula sa read.cash at noise.cash wallet to coins.ph wallet or vice versa na tama naman ang bch wallet address pero sinasabing invalid daw? Baka naman ang hinahanap ay ang legacy format ng iyong bch wallet address. Tuturuan ko kayo kung paano at saan niyo kukunin ang inyong bch wallet legacy address. Search niyo lang po sa google " bch address converter" at saka ipaste ang inyong bch wallet address tapos makikita niyo na ang…
Puto bigas Ang tanging meryenda ko ngayong hapon, ang natirang puto kaninang umaga, 3 pesos each na ito ngayon. Kwento ni manong sa Pampangga pa nila ito hinahango para itinda dito sa aming lugar. Putong puti at kutsinta ang itinitinda niya. Bitbit ang lumang paraan ng pagtitinda na nakalagay sa makabilang stainless na lalagyan habang ang mahabang patpat o kahoy ay nakalambitin sa mga balikat. Sa init ng panahon nilalakad lamang nila ang mahabang kalsada dala ito. Ang sipag…
Papaya Galing bukid ang mga papayang ito, napeste ang puno kaya namatay. Pinauwi na sa amin para gawing atsara kesa masira ng tuluyan. Bukas asikasuhin ko itong gawin para may maipandagdag sa ulam. Bagay dito ang isda at mga pritong baboy o inihaw.
Binalatan ko na ang 9pcs na papaya at ginadgad. MukhAng nabigla ata ako sa ginawa ko, ang dami pala! 😅 Tatlong carrot lang ang ilalagay ko sa 9 na pirasong ginadgad na papaya. Sarapan ko na lang ang timpla ng syrup. Nga pala dinaan ko na sa food processor ito para mabilis at ginamitan ng dryer para mapiga, wala na kasing sapat na lakas si granny Nengste sa pagpiga.
Sa dami ng nagawa kahit nagsalin na ako ng sampong plastic tub may natira pang kalahating palanggana. Ayos ito dahil mababayaran ko na ang mga kaibigang mahilig ding magbigay, pagpasensiyahan na nila hindi man kaakit akit tingnan dahil hindi kumpleto ang sahog na gulay pero pinagsikapan kong gawin at saka ang mahal ng asukal ngayon. Baka gusto niyo kaingay, magdala na po kayo ng lalagyan mga kanoise!
Katatapos ko lang magsampay ng aking mga nilabhan, tamang oras para kumain na ng lunch. Dahil pagod at gutom na heto inihahanda ko na ang aking tanghalian. Hindi ko ramdam ang paparating daw na bagyo, anu na nga ba update kay typhoon #inday?
Yong gabi na at nagpapaantok ka saka naman naisip ni bunso na makipaglaro kay Zorro 🐕. Nawala tuloy ang aking pagkaantok dahil natutuwa ako kay Zorro, Hide and seek ang kanilang laro, si bunso ang nagtatago at si Zorro naman tagahanap. Bago magtago si bunso, si Zorro ay papasok muna sa silid para makapagtago si bunso after 1 minute lalabas na siya para hanapin si bunso tapos pagnahanap na kusa siyang papasok ulet ng silid para makapagtago ulet si bunso. Magandang gabi sa…
Okra Nilaga o prito basta may bagoong ka solve na ang tanghalian mo. Natakam ako sa okra pagkakita ko nitong sariwa dahil bagong pitas galing sa bukid. Noon hindi kami nawawalan nito ng tanim sa bakuran. Kada may magugulang ng okra hinahayaan itong matuyo para itabi ang buto para sa susunod na punla. Ngayon bihira na ang may tanim sa bakuran. Abala na ang tao ngayon sa hanap-buhay.
Rambutan Juicy na meryenda. Panahon ngayon ng prutas na ito. May bawat panahon ang prutas kung kelan uso. Kung may budget lang sana lagi bibilin ni granny ang kada usong prutas sa palengke. Aba,e sustansya ito ng katawan pampatibay at pampalakas ng ating immune system para makaiwas sa sakit at hindi kaagad tatablan ng virus Prutas talaga ang healthy na meryenda at mga kakanin.
Maraming pwedeng gawing luto sa Talong, prito,ilaga at igigisa,isahog sa ibat ibang lutuin sa sinigang,karekare,pasta at marami pang iba. Itong inihaw kong Talong ay gagawin kong Tortang Talong ulam namin maghapon ni bunso. Saan ko ba narinig na ang famous ulam ng pinoy na tortang talong ay kinilalang masarap na pagkain sa buong mundo? Paki tama na lang po ako kung mali.
Matagal tagal na rin na hindi nakapagbukas ng Maling kaya ito nakapagbukas ulet ngayon. Madalang na lang makakita ng original na Maling hinahanap ko talaga ang original na lasa at texture. Karamihan ngayon Chicken meat na Maling hindi ko gusto ang amoy pero si bunso sarap na sarap pa rin.
Pansin ko nagiging paulit-ulit na lamang ang ulam namin ni bunso. Kapag pumupunta akong talipapa, iyon at iyon din na tinda ang nadadatnan ko araw-araw. Ano bang malutong ulam na kakaiba at bago sa panlasa? Naulit na namin ang adobo at sinigang. Ano pa ba ang mailutong ulam?
Buti napunta si bunso kanina sa pinakamalapit na mall sa amin para bumili ng kanyang gamit pampabeauty at foods kasama itong nasa picture na memeryendahin ko ngayon. Masaya si granny Nengste dahil nilibre ni bunso ang aking snacks at buti naisipan niya ring bumili ng pakwan, tamang kainin sa mainit na panahon.
Mainit na hapon sa ating lahat! Dahil late na kumain ng almusal kaya late din itong aming pagkain ng lunch. Nagprito lang ng konting marinated pork jowls saka pinaresan ng seaweeds at kimchi. Flex ko lang itong picture habang kinakamada ni bunso ang pagkain na kanyang isusubo, isang fanatic sa Korean foods.
May minting ng isang nft ang binance para sa mga verified user nito kaya ako ay nahalinang mag mint din ng Binance Account Bound Token or BABT. Noong sept 15 ko ito inumpisahan kaso may problema hindi po nagreflect sa aking Metamask wallet. Ni checked ko ang lahat ng details at info, successful naman ( see photos). Anu kaya ang problema nito hangang umabot sa inuninstall ko ang metamask at install ulet tapos umabot sa hindi ko na maconnect ang network ng smartbch ayaw ni…
Ang laki ng 6 months old na asong ito. Nakaligtaan ko na itanong kung anong breed. Sa unang tingin nakakatakot siya pero malambing pala kahit unang beses ka pa lang nakita. Maamong hayop. Ang kapal ng fur parang bear. Sideline ng may ari nito ang mag maparami ng breed na aso. Ito lang ang bukod tangi na nakakawala dahil ang ibang alaga niya parang leon na nanlalapa.
Chicken Sotanghon Kaninang madaling araw ang lakas ng ulan. Huminto naman kaso naulit-uli kaninang umaga akala ko nga hindi na hihinto. Dahil maulan nagluto ako ng mainit na sabaw. May karne pa ng manok sa refrigerator kaya pinakuluan ko para gawing sahog sa sotanghon. Nang matapos ako magluto tsaka huminto ang ulan. Mainit na uli ang panahon ngayon at lumabas na si haring araw. Hindi na malamig bagay sana ang mainit na sotanghon sa maulang panahon.
My Hello to everyone! I had just created my account here, curious about what's happening here right now. My fellow noiser are you all fine? I hope so... Goodluck to us.
May nabasa akong post kanina tungkol sa noise.app at naglalarawan ng magandang balita kaya ako ay naghanap agad ng invite link. May nakita akong invite link kaso pagkasign up ko biglang may lumitaw na red highlight na nagsasabing expired na daw ang invite link. Kaya ni chat ko si @chucha para hingin ang kanyang invite link. Ito na po may account na https://noise.app/Nengste. Naibigay ko na rin ang hinihingi sa donation box click niyo lang ang icon ng settings.…
Naglaba ako ngayon, naisampay na lahat, sana hindi umulan ng matuyo maghapon. Dahil pagoda at nagutom, nagluto ng makakain naparami ng hotdog hindi bale pwede namang meryendahin ito ni bunso mamaya.
While sitting and holding the cell phone because I was doing some activities online, I heard a noise on the roof, it was raining so I rushed outside to remove the hanging clothes. It wasn't dry yet so I hung it in the shade on the side of the house. How's the weather there?
May nakita akong halaman na oregano na nakatanim sa bote na may tubig sa tindahan. Pagkauwi ko ng bahay kaagad akong naghanap ng bote para gayahin ang nakita ko sa tindahan " gaya gaya puto maya" si granny Nengste. May tanim kasi akong oregano dito sa paso kaya sinubukan ko rin.
Dahil sa ilang araw na pag-ulan ang bilis lumago ng mga halaman. 2 weeks lang hindi napasyal si granny sa bukid. Ganito na ang sukal sa likuran. Hindi ko sure kung insulin plant ba itong nakuhanan ko ng larawan o bulaklak. Mag a unwind muna si granny nengste ngayon para marelax.
Ngayon lang natuyo ang mga damit na nilabhan ko kahapon. Mataas ang araw ngayon at ramdam ko na ang init ni Haring araw. Magdamag na nakaoff ang electric kagabi dahil sa sobrang lamig kaya nakamenos ngkonsumo sa kuryente. Nakaluto na ba lahat? Heto luto na ang isdang Dalagang bukid, kumain na tayo kaingay, isasawsaw na lang sa kamatis o kalamansi na may tuyo at sili.
Nahiga ako para umidlip sana ngunit hindi nagawa kaya naman ay may naisip akong gawin. Magtatanggal ako ng mga gamit na na hindi na nagagamit, maitapon na. Sa aking paghalungkat nakita ko itong photo ng aking kabataan. Ang panahon tinotoyo, aaraw tapos uulan, aaraw uulan.
Naranasan niyo na bang gusto niyong singilin ang nagkautang sa iyo ngunit ikaw itong nahihiyang singilin. Tapos pag bago singilin marami kang naiisip kung paanong approach ang iyong gagawin para naman maganda at maayos mo ito masabi sa nagkautang. Ganyan ako ngayon dahil nasa peligro na ang budget. Pero bago sa lahat kumain muna tayo para makapag isip ng maayos habang mainit pa itong inihaw na Tilapya.
Nagtaka ako sa nakita ko sa aking Binance account wallet. May another Ethereum na lumitaw kaya inalam ko. Noong Sept. 15 may Ethereum merging na naganap, mainnet at beacon chain from proof of work to proof of stake, kaya siguro may forking na nangyari tama ba ako? Basta yun lang pagkaintindi ko.
Habang may ginagawa online, napaisip ako ng mameryenda kaso walang makain dito sa bahay. Nang lalabas na sana ako para maghahanap ng makakain sakto namang dumaan sa tapat namin ang nagtitinda ng Lumpiang Toge. Heto po mainit init pa, siguro hindi kalayuan ang bahay nila sa amin, siguro pagkaluto nilako kaagad.
Nakapagtransact na ako ng withdrawal sa isang earning app na aking inoobserbahan dahil na reached na ang minimum withdrawal threshold na $20. Update po ako bukas dito kung pumasok sa aking paypal account, within 24. Biglang bumuhos ang malakas na ulan ngayon na may pagkulog at pagkidlat, kawawa na naman ang aming si Zorro 🐕nanginginig na naman kasi sa takot.
May natanggap akong notification galing sa Bitcoin.com wallet, nang tiningnan ko kung saang wallet pumasok, nalaman ko na galing sa noise.app na account. Kung sino man ang aking Santa Claus, maraming salamat po sa inyo!
Humigop muna tayo ng mainit na sabaw nang lumakas ang nanghihina ng tuhod sa gutom. Pinakuluan ko na itong baka kagabi para lumambot ang laman, para initin na lang ngayon lagyan ng sahog na gulay at pampalasa. Special request ni bunso ang ulam na ito ngayong araw, minsan lang naman kaya pinagbigyan na. Kain na!
Sa kakaDora the explorer ko sa noise.app, napansin ko ang feature na ito na wala dito kay noise.cash. Susubukan ko sana kaya wala namang sending button. Tapos may nabasa akong bandang itaas na enable your notification, ni tap ko iyon kaso hindi naman gumana. Meryenda time na, may pagpapalang dumating Spaghetti kaso malabsa ang pagkaluto ng nagbigay at parang nilagyan ng condensed milk. Tara na kaingay, meryenda muna tayo.
Ito ang pagkain na nabibili sa gilid ng simbahan dito sa amin tuwing ber months. Ito lang ang pinabili ni bunso sa kanyang kapatid, masarap sana ang Bibingka pero hindi na kaya ng budget kasi may kamahalan ang Bibingka dito. Ito ang hinapunan ni bunso ngayon, tumikim lang ako ng konti.
Pag may nakahighlight na pula sa parang icon ng trumpeta sa dashboard ng noise.app ibig sabihin may nagreply sa iyong komento sa isang post? Nahihilo na ako sa kakahanap ang iba nakita ko na, meron pa na hindi ko makita. Sinusuyod ko na po ang mga koment sa post pero hindi ko pa rin makita.
Naalaala ko ang araw na dumating si bunso na may uwing puppy sa bahay. Nasabi ko sa kanya na ayaw ko ng aso dito sa bahay kaso nagpupumilit na aalagaan niya daw. Habang inoobserbahan ko araw-araw ang ugali ng tuta na pinangalanan ni bunso na Grey, napalapit ako sa tuta kasi mabait ito at malambing. Flex ko ang kuhang larawan sa kanila ngayon, almost 7 years na si Grey sa amin at napamahal na sa amin.
Dahil sabado ngayon kaya araw din ito ng pag-unwind ni bunso sa ibang kapaligiran sa 5 araw niyang pananatili sa kanyang work from home. Ngayon mag-isa lang ako dito sa bahay at seyempre mag-isa din kumain. Ang ulam ko ay galing sa isang mapagbigay na kapitbahay, kahit na mahirap ang buhay pero meron pa rin mga taong handang ibahagi kung anong meron sila.
May naipost ako noon tungkol sa aking pagsubok at paghahanap ng mga legit earnings app. Hindi ko maishare ang isang app na nareached ko na ang minimum threshold at nakapagtransact ng payout sa paypal dahil pangalawang araw na ngayon pero walang pumasok sa paypal account ko, meaning nabudol ako ng app na yun. Pero may ishare ako sa inyong isang app na legit dahil nakapagpayout na ako dito. Baka gusto niyong subukan at laruin dapat may sapat na phone memory kayo ang pangalan…
Labis ang pag-alala ko kanina dahil 10 pm na hindi pa rin nakauwi si bunso. Tnext ko hindi narereply tapos ni chat ko rin kaso offline. After 30 minutes may nagbukas ng gate biglang nabuhayan ako. Alam naman natin na delikado ang panahon ngayon ang daming balitang nawawalang kababaehan kaya hindi mawala sa akin ang pag-alala. Bago umalis si bunso kaninang umaga, nagbilin ako sa kanya na bumili sa Pan de Manila ng pandesal buti hindi niya nakalimutan.
Kung ano-anung pumapasok na negatibo sa isip ko kanina sa hindi pagreply ni bunso ng text at chat ko sa kanya. Alas 10 na ng gabi hindi pa siya nakakauwi, lagi kong sinasabi na mag-update para hindi ako mag-alala pero mukhang nakakalimot ulet. Matagal daw siyang naghintay ng jeep kaya nagtrike na lang mula sa isang kalapit bayan. Buti may uwing pinapabili kong tinapay pampakalma. *Photo failed to upload error network.
Nakakagulat ang alarm typhoon advisory ng NDRRMC dahil sa tunog nito at sabay sabay na pagtunog ng aming selpon. Nakakatakot nga itong bagyong #kardingph na may international name na NORU sakaling matuloy na mananalasa, kabilang sa signal #4 ang aming probinsiya. Sa ngayon ay makulimlim ang langit at paambon ambon na pag-ulan pa lang ang nararanasan. Maghanda na tayo ng mga pagkain, emergency light at iba pang kailangan dahil delikadong lumabas pag malakas na ang hangin.…
May avocado pa pala ngayon, akala ko lipas na. Hindi nga lang makinis pero maligat siya at masarap, may panghimagas na kami ni bunso. Tatlong piraso itong avocado bigay ng mabait na kaibigan galing sa tanim nila sa bakuran. Ibang variety siguro ito kasi kakaiba ang kulay niya.
Naririnig ko na ang ingay ng pag-ihip ng hangin at mga yero. Buti walang kasamang malakas na pag-ulan, nakakatakot ang tunog ng hangin, ang lakas. Wala pa namang nangyaring power interruption.
Kamusta ang bungad ng kapaligiran niyo diyan? Mga 8 pm pasado kagabi nanalasa dito sa bayan namin si #kardingph ang lakas ng hangin. Mga 11 pm pasado humina na at tuluyang nawala na ang paghangin pero patuloy pa rin ang pag-ulan. Paggising ko ngayon parang walang nangyari. Buti na lang hindi nagtagal ang bagyo, signal #5 ang aming probinsiya pero ang bayan namin ay hindi kabilang o makakaranas ng matinding hagupit nito. Magandang umaga!
May isa na namang experimentong ginawa si granny Nengste.. Nilagayan ko ng curry powder, asin, paminta at gata ang sinaing ko. May tawag dito sa pagkaing ito, parang Arroz ala valenciana, nilalagyan nila ng karne ng manok o lamb tapos iba pang pampapalasa. Ang aking gawa ay simple lamang, kung ano ang available na ingredients sa kusina. Gusto kong subukan kung ano lasa. Masarap pala, lalo marahil kung may sahog na karne. Sa rice cooker ko lamang ito niluto
Kahapon ng umaga may maagang tumatawag ng tao po sa amin, nasa higaan pa ako ng oras na yun. Nang sinilip ko para alamin ang sadya, nakita ko ang isang kakilala na may dalang saging, may pinuntahan daw siya at mapapadaan kaya sinadya niyang dalhin itong saging. Maberde pa ito ng binigay niya, bunga ng tanim nilang punong saging sa kanilang bakuran. Isa ako sa maswerete na may kaibigang nakakaalalang bahagian kung anong meron sila.
May 5 rescuer pala na taga Plaridel ang pumanaw sa kasagsagan ng pananalasa ni #kardingph. Ang aking pakikiramay sa kani-kanilang pamilya, napakahirap nito tanggapin para sa pamilya. Mataas na ang sikat ni Haring araw, tara na sabayan niyo akong maglaba. Uubusin ko lang muna itong aking kape.
Late ang dinner ni bunso dahil overtime sa kanyang WFH. Kaya ngayon ko lang din niluto ang kanyang hapunan kasi pag niluto ng maaga kukunat ang balat nitong Lumpiang shanghai, masarap kainin pag bagong luto. Ito lang ang kanyang kakainin hindi siya nagkakanin sa gabi, tuwing tanghalian lang siya kumakain ng kanin dahil balak niyang magbawas ng sukat sa bewang.
Dito muna ako magsusulat ng aking good night post para sa lahat na Kaingay. Oras na magpahinga ang mata at kamay kaya tanggalin na ang salamin sa mata, bitawan na ang selpon at itabi. Sana maayos ang ating tulog upang masapatan ng tamang lakas para maganda ang gising kinabukasan. More energy mas happy ika..good night na sa lahat!
Pagkalisan ni #kardingph may namataang LPA na magiging sanhi sa pagbuo ng bagyong #Luisph. Namataan ito kaninang umaga sa bandang east ng northern Luzon. Sana hindi na ito tumama sa kalupaan, hindi pa nakamove on ang mga sinalanta tapos may paparating na naman.
The sun is up and shining so bright! Kaya naglaba ulet ako, mga bedsheet at towels. Kakapagod dahil ang tubig na pinagsabonan galing sa washing at tubig na pinagbanlawan ay ginamit ko rin panglinis ni scuba ko ang sementong daanan sa gilid ng bahay dahil nilumot ito, hindi ko rin natanggal lahat dahil ang sakit sa dibdib pag gumamit ako ng lakas atleast nabawasan. Kumain na ba ang lahat, ako ay kakain pa lang.
Thursday is sunny day perfect sa aking mga sinampay ngayon. Na noticed ko dito sa pagtatype ng comment nakashow up agad ang send button kaya minsan hindi ko na nakikita ang aking tinatype. Tapos pag nagbabasa naman ako ng mga post naghahang ang aking cp, kaya pasensiya na king hindi ko nadaanan ang inyong post.
Biglang bumuhos ang ulan lahat nataranta sa pagsilong ng mga sampay at isa na ako doon. Flex ko muna itong ginuhit ng aking apo, parang lalong gumagaling na siya sa pagguhit. Meryenda? Kanina ko pa gustong kumain kaso walang makain, makalabas muna para makahanap
Kamusta ang inyong tulog? Maaga akong napunta sa tindahan at nakabili ng saging na saba. Inilaga ko yung para sa akin at nagprito naman ako para sa almusal ni bunso. October na bukas, ilang buwan na lang year 2023 na, time flies so fast ika nga kaingay. Magandang umaga!
Ngayon na lang ulet nakatambay dito. Low batt ang selpon as in 1% na lang kaninang 8 am tapos may aberya pang nangyari nawalan ng power supply ang linya namin ng kuryente. Pinatingnan ko kaagad sa kapitbahay namin na electrician ang findings niya ay wala sa main switch ang problema kaya niguide ni akong ireport ang problema sa Meralco at kaagad namang kinontact ni bunso gamit ang info mula sa ating meralco bill. After 3hours na paghihintay dumating ang line man ng meralco at…
Nang naghahanda ako ng hapunan, pumunta ng kusina si bunso at magtatanong sana kung ano ang lulutuin ko pero hindi na nakapagtanong dahil nakita niya itong hiniwang luncheun meat. Ang tinanong niya na lang ay kung anong brand, ang sabi ko ay Spam, ayaw maniwala sinilip niya pa ang basurahan at hinanap ang lata nito. Prem luncheun meat lang afford at medyo mababa ang presyo kesa spam. Tatlong hiwa nito, 1 scrambled egg at tinapay ang hinapunan ni bunso dahil diet po siya.