Kahapon ng umaga may maagang tumatawag ng tao po sa amin, nasa higaan pa ako ng oras na yun. Nang sinilip ko para alamin ang sadya, nakita ko ang isang kakilala na may dalang saging, may pinuntahan daw siya at mapapadaan kaya sinadya niyang dalhin itong saging. Maberde pa ito ng binigay niya, bunga ng tanim nilang punong saging sa kanilang bakuran. Isa ako sa maswerete na may kaibigang nakakaalalang bahagian kung anong meron sila.
2 comments
Ang bait naman nila granny. Ang bilis din po mahinog ng ganyan na saging
Ang bait din sis ng kapitbahay mo. Gnun din mga kapitbhay ko dito. Generous din