Ngayon na lang ulet nakatambay dito. Low batt ang selpon as in 1% na lang kaninang 8 am tapos may aberya pang nangyari nawalan ng power supply ang linya namin ng kuryente. Pinatingnan ko kaagad sa kapitbahay namin na electrician ang findings niya ay wala sa main switch ang problema kaya niguide ni akong ireport ang problema sa Meralco at kaagad namang kinontact ni bunso gamit ang info mula sa ating meralco bill. After 3hours na paghihintay dumating ang line man ng meralco at naayos din kaagad. Pero bago naayos nakiusap muna ako sa aming kapitbahay na kumuha sa kanila ng power supply gamit ang extension dahil needed talaga dahil sa work from home ni bunso. Maayos at nagustuhan ko ang serbisyo ng meralco dahil hindi pinatagal ang pagsaayos ng aming linya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Buti naman at maaayos din kaagad iyan.