Nakakagulat ang alarm typhoon advisory ng NDRRMC dahil sa tunog nito at sabay sabay na pagtunog ng aming selpon. Nakakatakot nga itong bagyong #kardingph na may international name na NORU sakaling matuloy na mananalasa, kabilang sa signal #4 ang aming probinsiya. Sa ngayon ay makulimlim ang langit at paambon ambon na pag-ulan pa lang ang nararanasan. Maghanda na tayo ng mga pagkain, emergency light at iba pang kailangan dahil delikadong lumabas pag malakas na ang hangin. Katatapos ko lang magbalot ng lumpiang shanghai pwede ng magprito pang minindal.
2 comments
Dito po sa maynila ang lakas na po ng hangin at ulan..keep safe po tayong lshat..
Stay safe po granny, sa amin nga rin po panay ang tunog ng phone dahil sa alert. Naka taas naman po ang probinsya namin sa signal number 3.