Puto bigas Ang tanging meryenda ko ngayong hapon, ang natirang puto kaninang umaga, 3 pesos each na ito ngayon. Kwento ni manong sa Pampangga pa nila ito hinahango para itinda dito sa aming lugar. Putong puti at kutsinta ang itinitinda niya. Bitbit ang lumang paraan ng pagtitinda na nakalagay sa makabilang stainless na lalagyan habang ang mahabang patpat o kahoy ay nakalambitin sa mga balikat. Sa init ng panahon nilalakad lamang nila ang mahabang kalsada dala ito. Ang sipag ni manong.
No comments yet