Ako ay nag-aalmusal na para may sapat na lakas dahil labalinis labango ko ngayon araw. Maaraw ngayon kaya kahit tanghali ko na uumpisahan ang paglaba siguradong makakatuyo ng mga nilabhan. Tara po kumain na tayo, saluhan niyo ako sinangag, itlog at kape. Magandang umaga sa ating lahat!
@Nengste in March 2022
May pa treat si bunso, nakaramdam ng init kaya lumabas at naghanap ng makakain pampawi sa init, tig-isa kami pati ang dalawa naming alagang aso na sina Grey at Zorro. Oras na rin pala ng paghahanda ng mapagsalohan sa hapunan, ako po walang maluto bibili lang ng lutong ulam.
Meryenda time na po, kahit medyo mainit ang panahon hindi ko matiis na magkape at kumain ng kornik habang nagmemeryenda nagchat ang aking apong babae na 10 year old binalita na nakabili sila ng portable sewing machine at nakapagtahi na daw siya at saka nakagawa na siya ng hikaw mula sa binigay kong mga beads sa kaniya. Mahilig kasing magbutingting itong bata na ito, yun bang busy lagi ang mga kamay.
Tara na upang manood at pakinggan ang mga aspiring senators ng 2022 ngayon 6 pm sa SMNI channel, anu nga ba ang pagtuonan nilang gagawing law para sa ikabubuti ng Bansang Pilipinas, ating alamin po, samahan niyo akong manood at kilalanin sila.
Tinapos na ang debates kahit may gusto pa sanang magrebuttal tungkol sa issue dahil inabot na ng almost midnight, parang maraming nabitin, isa na ako heheh.. atleast nabigyan tayo ng kaalaman tungkol sa mga issue na hinaharap ng ating bansa. Ang galing ng mga aspiring lawmakers na umattend ngayon gabi, bukas ulet hindi ko lang alam kung sino-sino ang mga iyon. Good night!
Magandang araw! Ang aking bati sa inyong lahat😊 Tara ng mag-almusal para laging nasa mabuting kalusugan ang ating katawan sapat na lakas sa ating mga gawain maghapon at pag-iisip. Heto tinirhan ako ng lugaw ni bunso kaya may naalmusal si granny.
Naasikaso agad ni seller ang aking inilabas na matagal ng ni add to cart sa shopee , pangalawang araw pa lang ngayon mula ng ni check out ko ang mga ito. Gamit po ito sa baking para may stock ako dito sa bahay sakaling sipagin akong gumawa ng makakain makagawa po agad.
Still awake at this hour, enjoying watching the batch 2 of 12 aspirant senatorial debates in SMNI channel, if you still awake come.. join me to know them with their government policies their stand at the issues and agenda for us to select and vote them this coming May 2022
Nag-uumpisa na ang pag-init ng panahon summertime is coming, naalala ko ang dinalang kaimito kagabi ng aking anak na pinalamig sa fridges, ang sarap lalong pong tumamis dahil malamig, naalala ko ang aking lola noon na sinabi niya na nakapagpatigas daw ito ng pagdumi kaya mainam daw na kainin ito pag nagkaLBM.
Dahil maaga akong naghapunan, napunta ako sa kusina para maghanap ng makakain tapos may naamoy akong aroma ng Adobo, sa oras na ito na mag alas diyes na ng gabi nagluluto pa ng ulam ang aming kapitbahay, lalo tuloy akong nagutom😄 nagtimpla na lang akong gatas at tinapay.
Noong nakaraang linggo may nichecked out akong item from Shopee at ito yon, ngayon lang nareceived dahil yung shop na inorderan ko ay sa mainland China. Matagal ko na kasing gusto itong reading glass na Cateyed style kaya noong nakita ko ito kaagad kong ni check out. Sinubukan kong isuot heheh bagay ba? ang taba ko😄
Nakaheadphone pamparelax ng isip para antukin habang busy naman ang aking mata at kamay sa selpon. Mukhang marami pang gising ngayon dahil Sunday bukas walang work. Pang good night post ko na po ito, Sana lahat ay naging mabuti ang buong maghapon.
Nakakain na ba ang lahat? Ako hindi pa po, katatapos ko lang mag-icing ng cake, ito ang una kong gawa, moist chocolate cake pero ang icing na ginawa ko ay boiled icing, hindi maayos ang pagkagawa ng icing kaya hindi makita ang porma ng disenyo.
Maagang nagising kanina, nakita kong parang malungkot si Zorro🐕 kaya naisipan kong lagyan ng leash para ipasyal ko siya, napansin ko ang pagkasigla niya at napapangiti ako, nang malapit na kami sa highway biglang natakot ayaw ng lumakad kaya umuwi na kami atleast napasaya ko siya ngayon kahit saglit lang.
Its already midnight but granny Nengste still awake at this very hour, my early good morning greetings to everyone here, those who are still awake, pero I really need to rest and get enough hour of sleep badly for me to wake up early to do the laundry. Bye! Tomorrow again.
Noong araw na gumawa ako ng boiled icing, gumamit ako ng 3 itlog, eggwhite lang po ginamit ko kaya itinabi ko lang ang eggyolk para hindi masira ginawa ko po itong custard filling at pagkaluto naisip ko kung saan ko ito ipapalaman kaya napasubo tuloy akong magbake ng chiffon para gawing crema de fruta, heto po katatapos ko lang gawin. Sabi ni bunso " mama baka matamis yan, lalong sasakit lalamunan ko niyan." Natikman ko sa palagay ko tama lang ang timpla hindi gaanong…
Halikayo sentensiyahan na natin itong crema de fruta na ginawa ng inyong lingkod.. heheh.. humingi si bunso kaya ng inilabas sa fridges kinunan ko ng picture para inggitin po kayo heheh biro lang para lang may maipost.
Habang nag-iisip ako kanina kung ano ang uulamin, bigla na lang nagtanong si bunso kung ano gusto kong food sa Chowking, wala akong maisip, sabi ko kay bunso bahala na siya, kakainin ko na lang kung anong meron😊. Ito ang inorder niya sa akin, kinuha niya ang nag-iisang bochi tapos binigay ko rin sa kanya ang fried chicken tapos hinati namin ang wantoon soup, busolved na. Maghapunan na rin po kayo.
May gusto po pala akong ishare Kaingay tungkol ito kung bakit walang tumutubong buhok sa aking kilikili. Ganito kasi yon, noong high pa lamang ako kakwentohan ko ang isang kaklase kong babae at nabanggit niya na hindi siya tinutubuan ng buhok sa kilikili at nishare niya sa akin kung ano ang dapat gawin at sinubukan ko po, totoo nga hanggang ngayon walang tumutubong buhok sa aking kilikili. Share ko rin po sa inyo ang sikreto, pinahiran o kinuskos ko lang po ng abo ang aking…
Maayong adlaw sa inyo tanan! yan po ang dialect na aking nakagisnan sa bayan kung saan ako isinilang. Nga pala snack tayo, ito ang ginawa ko kahapon na Chocolate Crinkles, kulang po ang nailagay kong sukat ng Cocoa kaya po ganito ang itsura pero masarap pa rin, yon lang sobrang dapa.
Ito ang natirang kalahating masa ng chocolate crinkles kahapon, inayos ko ang masa dinagdagan ko ng 1/4 cup na cocoa at hinayaan magdamag sa fridges, ngayon ko lang niluto. Sa tingin niyo Kaingay mukha na bang Crinkles? Kakahango ko lang ito sa oven kaya hindi ko pa masabi ang lasa.
Katatapos lang kumain, ang ulam ay ginisang monggo at pritong isda, medyo late na kumain dahil may kausap online kanina, heto naglalakad, pantulong sa pagbaba ng kinain. Kumusta ang inyong buong maghapon? Sana walang aberya at lahat ay naging produktibo.
Ramdam at ramdam na talaga ang Tag-araw, at ang karamihan ngayon ay siguro nasa beach na at ang iba ay nagplaplano pa lang. Expected na tataas na naman ang konsumo sa paggamit ng kuryente. Hirap matulog dahil ang init po ng hinihigaan ko kaya naglatag ako ng kumot sa sahig para mahiga.
Dahil hindi nakatulog, naghahanap ng manguya ang aking ngipin kaya lumabas para bumili ng binusang mais (cornik) sa sari-sari store nang makita kong may tindang hilaw na mani, naisip kong mas masarap yatang kumain ng nilagang mani kaya ito na ang binili ko, kakahango ko lang, tara meryenda tayong mani, pampatalino daw ito, naalala ko noong high school pa lamang ako, sa tuwing nagrereview ng mga pinag-aralan sa school, pag may long test kinabukasan, nagpapatugtog ako sabay…
Natuwa ako sa aking 4 years old na apo, noong nakaraang araw pumunta dito sa bahay silang mag-ina at nagkakwentohan kami ng aking anak tungkol sa binigay niyang Caimito, tapos sinabi ko sa aking apo na ubos na ang Caimito, pwede mo ba ulit akong hingan sa lolo niyo (kumpare ko) Tapos kanina dumating may dalang kaimito, sabi ng aking anak sa akin na sinabi daw ng aking apo sa lolo niya ang sinabi ko kaya kaagad na umakyat sa puno ang lolo para pumitas.
Sabi ni bunso sa akin, hindi na po ako magtatanong kung ano ulam natin ma kasi alam ko naman na lutong ulam na maman ang bibilhin niyo, pero gusto kong ulam ngayon ay luto niyo po mama, sagot ko sa kanya tanghali na wala na akong mabiling sariwa,sabi niya, ito po ma pera pambili, heheh kaya napilitan akong maghanap ng malulutong ulam, buti may naabutan pa akong 1/4 kilo na hipon, ito po luto na.
Maghapon na pinagpawisan dahil sa init ng panahon buong maghapon at saka ang kati ng balat pag ganun, kailangan maligo ulit bago matulog para presko pakiramdam ng sa gayon ay madaling makatulog. Kain po tayong squid ball late na itong aming meryenda ni bunso.
Showing my presence here today, Magandang morning! Ang aking bati sa inyong lahat, nagising akong 5 am kanina at naramdaman ko ang paggalaw ng lupa, pero sandali lang at mahina ang lindol dito sa kalupaan ng Bulacan, naramdaman niyo rin po ba? Malapit na ang lunchtime, not worried si granny Nengste, kasi may natira pang ulam kahapon, naalala niyo po ba na nagpaluto ng ulam sa akin si bunso kahapon? Yun po ang iinitin ko ngayon kasi sahog na gulay lang ang nabawas ni bunso…
Kasalukuyang umuulan ngayon dito sa amin kaya medyo maayos timpla ng panahon, bawas init at pag may ulan ganito ang itsura sa aming bakuran. Katatapos lang din kumain, nauna na ako kay bunso, inaya ko naman siyang kumain kaso hindi pa lumalabas ng kanyang lungga hanggang ngayon baka busy pa sa kanyang wfh.
Napapikit na po ako nang may narinig akong tumatawag na tao po! Heheh si Shopee rider pala, denilever ang last na ni checked out ko na gamit pa rin sa baking, 7 pcs Russian flower decorating noozle tip, isang kneading mat at dough cutter, tamang tama ang dating dahil pupunta naman daw dito ang aking mga apo sa Sunday baka makagawa kaming isang klaseng tinapay, ipapamasa ko sa kanila para malibang hahah.
Naghapunan na ba ang lahat? Ako po heto sinipag, gumawa ng tinapay para pang-almusal bukas, ito ay tinatawag na Cinnamon rolls, nakakainip gawin dahil kailangan pang paalsahin ang masa kaya inabot ako ng gabi. Nasunog po konti, nagkatutong kasi may ginawa akong iba buti nasilip ni bunso at sinabi sa akin na umuusok na kaya naabatan kaagad.
Martes! Araw ng paglalaba ni granny Nengste at heto naghahanda muna bago maglaba, tea muna tayo at parisan ng cinnamon rolls na ni baked kagabi. Ang paborito kong tasa nasira ko, mali kasi ang aking paghawak, nasunggo ang hawakan sa metal kaya natanggal.
Ang init talaga ng panahon, hindi natin ito kontrolado tayo na lang gagawa ng paraan para maibsan ang init na nararamdaman kaya ako ay naligo, pagkatapos ligo, ilang minuto ang init na naman, nagpapawis na naman ang aking katawan. Tapos may post na ice-cream akong nakita natakam po ako kaso naisip ko pagkatapos kumain ng ice-cream uuhawin lang ako kaya minabuti kong uminom na lang ng tubig, para iwas gastos.
Nakabili na ako ng isang order na lutong ulam na pinatisang pata, ulam namin ngayon ni bunso. Flex ko lang itong super kulet naming alaga, Zorro ang kanyang pangalan, kaya siya umupo diyan kasi nanginginig po iyan kanina dahil naramdaman niyang uulan.
Kamusta ang inyong umaga Kaingay? Ngayon lang nagkape dahil late na nagising, tamang tama itong idinaan na makakain ngayon dito ng aking anak, nakapagsave sa pagbili ng tinapay, sa nangyayari ngayon, nagtaasan na ang mga bilihin lalo na ang mantika kaya kailangan natin iapply ang skills sa pagtitipid.
May binigay na pansit kanina ang isa kong anak kaya lang kulang sa gulay kaya naisip kong lagyan ng repolyo, ang ginawa ko ay naglagay ng konting tubig sa kawali, nilagyan ng konting patis,toyo at pamintang durog at sinalang sa apoy nang kumulo inilagay ko ang repolyo hanggang sa maluto at saka nilagay ang lutong pansit, see mukhang kaayaya na tingnan at nakakatakam kainin. Ito ang aking tinanghaliaan.
Kapag nagrequest si bunso lalo na meron naman ang mga ingredient para makagawa ng kanyang request hindi ko kayang tiisin, katulad ngayon nagrequest ng masarap daw na brownies kaya si granny Nengste naghanap kaagad ng recipe ng brownies at ito ang naibigang ginawa " chunky fudge brownies." Chunky po dahil may chocolate chips po ang recipe na ito, pinapalamig pa lang para firm pag hiniwa.
Ito po nakapagmeryenda na ng brownies, yung nibaked ko kanina, masarap moist inside at crunchy ang top, halong matamis at maalat alat dahil sa 1 teaspoon salt na nasa recipe nito. Tinabihan ko ang aking isang anak para matikman niya rin.
How are you today noisemates? Here I am, already done frying the Milkfish and having some time relaxing while waiting for my youngest daughter to initiate or invite me to eat lunch. Meanwhile have a pleasant day to all, keep working for the good of our family.
Ang expected na date of delivery ay March 21, nagulat ako nang inopen ko ang shopee app kaninang paggising ko na out for delivery na hahah wala pa naman akong cash dahil inaantay ko pa ang sweldo ko kay bunso, tuwing 5-20 kasi ang kanilang sahod, kaya napilitan na naman akong magbenta ng Bitcoin cash at nakapagcashout agad bago dumating si Shopee rider. Salamat @noise.cash andiyan ka, laging nakasuporta.
Heto po kaingay kagagawa ko lang ng mamemeryenda ngayong hapon, ito ay tinapay na tinatawag na cheesy bites, cheese lang kaso may ham pa po ako rito na tira noong Disyembere kaya naisip kong lagyan ng ham itong ginawa ko. Pinapainit ko pa ang oven para isalang, sabi sa recipe 15 to 20 minutes ang oras para maluto ito.
Musta po kayo? Unang post ko po sa araw na ito, heto po nageexperiment dahil hindi ko pa po gamay ang init ng oven para makapaghurno ng tinapay na hindi nagtututong sa ilalim, kayo ito pinag-aaralan at kumukuha ng tip, kaya panay ang luto po, ito ang unang salang, may konting sunog pa rin sa ilalim.
Heto po kaingay ang pangalawang salang na nihurnong tinapay, ayos ang luto dahil malambot ang luto sa ilalim. Siguro need pa pagaralan ang pagmasa para maging smooth, pinalamanan ko ito ng cheese bago nibaked, masarap naman po heheh..
Kaninang umaga mga 7 am nasa higaan pa ako tapos lumapit si bunso, nakaligo at nakaporma na ng pang-alis, nagpaalam na may pupuntahan, sabi ko ang aga naman, yun pala ay inagahan para mauna masalang sa parlor. Share ko po sa inyo ang itsura niya before at after magpakulay.
Ang aga kong nagising Kaingay at pinawisan sa aking ginawa kasi inilatag kong mag-isa ang inflatable pool at saka ito binomba para magkahangin dahil darating ang tatlong makukulit na apo, siswimming daw sila. Heto nagpapahinga na habang umiinom ng mainit na tubig, wala akong tea at saka ayaw ko munang magkape, hindi naging maayos ang aking tulog magdamag dahil uminom ako ng kape late afternoon na kahapon. Magandang umaga sa lahat!
Hindi ako nakaluto ng ulam kasi ang dami kong inaasikaso, nagpabili na lang akong litson manok buti nagustuhan ng dalawa kong apo. Katatapos lang naming kumain, ngayon lang kasi nalibang ang aming 2 bisita sa pagswimming.
Ang init na nga po lalo pang uminit dahil ito po, pinaghanda ko ng mameryenda ang aking bisitang dalawang bulinggit, ito ang first time kong paggawa ng pizza, habang ako ay abala dito sa kusina, sila naman ay nanonood ng cartoons sa netflix.
Ang 10 years old kong apong babae, may dalang mga ingredients, pinabili niya daw ito sa kanya mama para dalhin at gawin dito sa bahay para may meryenda, kaya ito po ginawa niya kanina at siya din ang nagluto, ang tawag daw dito ay Chocolate toast. Pinapakain ko ng hapunan ang dalawang kong apo, bago sila susunduin pero ayaw nilang kumain busog pa daw sila.
Magandang araw ang aking unang post at pagbati sa inyo Kaingay sa araw na ito. Heto po uumpisahan ko ng tanggalan ng tubig itong inflatable pool na ginamit ng mga apo ko kahapon, ididilig sa halaman at ipanlilinis sa lugar na pinagdudumihan ng aming alagang aso.
Pagod much! Kakatapos lang maglaba, heto gutom gid kaayo, tara lunch po tayo adobong sitaw at ang natirang adobong manok. Treat ni bunso panghimagas at pangpaginhawa sa sobrang init ng panahon, sabi ni bunso ito lang daw ang available na tinda, hindi pa daw nakapagdeliver ang nagsusupply ng icecream sa tindahan.
Mapagpalang araw sa ating lahat! Parang napakasmooth ng movement ni bitcoin cash sa paglayag niya pataas heheh, babalik na kaya sa dating value o gagawa ng panibagong All Time High, abangan natin.. Almusal po tayo Kaingay!
Nananghalian na ba kayo? Kami ni bunso alas onse pasado naglunch at heto napansin ko ang saging, napaisip na gagawa ulet ng banana bread bago magsiesta. Inihanda ko na po ang mga ingredients at nisure ko na wala akong nakaligtaan at tama ang sukat.
Dahil tanghali na bumangon, nagwalis lang ng sahig at nagligpit at saka napansin ko itong pinagtabasang sliced bread, tumigas na kasi noong sunday pa ito kaya naisip kong magtimpla ng kape para isawsaw itong tinapay, may kasabihan na " walang matigas na tinapay sa mainit na kape." Tara Kaingay tulungan niyo akong ubusin ito hahah..
May gusto akong ishare sa inyo Kaingay, kanina may pumunta dito sa amin Mother leader ng Barangay kung tawagin, kinuha ang aming house QR code at inilista pati pangalan, akala ko may ibibigay na ayuda bukas dahil hindi ko rin naitanong dahil may ginagawa ako ( kasalanan ko rin) so kani kanina lang lumabas ako at pumunta sa tindahan, naghanap ng mauulam nang nakipagkwentuhan ang may-ari ng tindahan, tinanong ako kung nabigyan daw ba ng bigas? Sagot ko hindi, kinuha lang ang…
May na ishared akong post kanina tungkol sa ayudang 10 kilos na bigas na ang kapitbahay ko ay nabigyan ngunit ako ay hindi nabigyan, syempre nagreklamo ako, salamat at nabigyan din dinala ngayon lang ng aking isang mabait na kapitbahay, mga dalawang linggo din naming kakainin ni bunso at ng aming dalawang alagang aso.
Weather makes us sweat all the time, even after we took a bath. How do you handle yourself today regarding the weather? Me I took a bath lately but then at this very moment sadly I want to save water but cannot do it because it seems that I need to submerge my body in water. Beach please!
Sino pa po ang gising tulad ko sa oras na ito? Hindi pa kasi ako nakaquota at saka hindi pa inaantok, palipat lipat facebook para magbasa ng mga komento at dito sa noise para magdistribute ng tip. Sa mga gising pa Good morning sa inyong lahat!
Sang-ayon ba kayo ka-Noise na ang simpleng buhay ay ang talagang masayang buhay? Maaari nating balikan ang nakaraan. Noong panahon na napapalibutan pa tayo ng mga bukirin, at namimitas pa tayo ng bayabas sa tabing daan. Noong panahon na kukuha lang si nanay ng gulay s bakuran para sa pananghalian. Ang meryenda sa hapon ay nilagang saging at kamoteng kahoy lamang. Sa hapunan naman ay tuyo, kamatis ,nilagang dahon ng kamote at bagoong ang sawsawan at masayang nagkuwentohan…
Hello mga Kaingay! Nag-iisip ba kayo ng dagdag na sideline ngayon? Halikayo at magluto tayo ng Halayang Ube. Tandaan , wag kayong magtitipid sa sangkap para ang lasa, masarap! Mga Sangkap -1 kilo Ube - 1/4 kamoteng kahoy (optional) -2 evap na big -4 condensada -1 kutsarang Primera ube Flavoring o McCormick ube flavor(para lang sa mas malasang ube favor) Procedure -Balatan ang ube at kamoteng kahoy -Pakuluan ito para lumambot -Habang nag hihintay paghaluin ang evap at…
Lunes na bukas, sa mga manggagawa bitin sa kanila ang isang araw na pahinga kung may itatagal pa sanang makasama ang buong pamilya pero kailangan talagang pumasok sa trabaho para kumita ng pera para sa pangangailangan ng pamilya. Sa ating manggagawa tuloy lang po, ingatan lagi ang inyong sarili para hindi magkasakit, ika nga health is wealth. Magandang gabi sa lahat!
Magandang.. magandang.. magandang umaga mga kaingay! Meron na naman tayong panibagong araw ngayon! Hindi man laging masaya ang umaga pero pagkakataon ito para magsimula lagi. Maging positibo at maging laging handang matuto. Gumawa ng mga gawaing makakapagbigay ng kabuluhan sa paghapon at umiwas sa mga negatibo. Tandaan na ang negatibong kaisipan ay hindi magdudulot ng positibong buhay. Enjoy your day mga kaingay! Tara mamukid muna tayo!
Mga Kaingay tara kaon ta ng ginataang langka ,pritong isda at yummy bagoong! Ano man ang ulam natin ngayon mga kaingay ,kahit gaano pa yan ka simple o kabongga. Hindii ito mahalaga , hanggat tayo ay kontento at masaya! Tandaan , alagaan ang katawan dahil katawan lang ang puhunan!
Tara mga Kaingay, mamahinga muna tayo sa labas. Ang init ngayon ng panahon . Samahan muna ninyo ako sa lilim ng puno. Habang nagmamasid sa paligid. Mag muni-muni muna tayo. Ang bilis ng panahon dami ng nagbago. Pansin ba ninyo kaingay ,noon ,kainitan pero ang hangin sa katanghalian malamig. Pwdeng matulog sa labas ng bahay sa kawayan na papag kahit iwan mo lng ang bahay mo na bukas. Mas payapa ang buhay noon kesa ngayon. Naalala ko iyong meryendang nilagang kamoteng kahoy na…
Kamusta ang siesta natin Kaingay? Huwag makalimot uminom ng tubig ha para iwas dehydrate sa pagpapawis ng ating katawan. Heto ako nakababad sa electric fan habang namamahinga, hindi nakatulog dahil sa init ng panahon. Nasinop ko na ang mga tuyong damit na nilabhan ko kanina, mamayang gabi ko na ito titiklopin pag nagtago na si haring araw.
Kaluluto ko lang nitong aming pagsasalohan ni bunso sa hapunan, itong pasta na ito ay madali lang lutuin lalo na sa mga gutom na hindi na makapag-antay ng matagal, papakulo lang ng pasta, mag saute ng bawang at sibuyas, saka ilagay ang corned tuna spicy or plain, lagyan ng durog na paminta, ilagay ang pinalambot na pasta, quick melt cheese, nilagyan ko rin ng mozzarella cheese at konting cheddar cheese, mukhang naparami ng gawa may pang almusal pa si bunso bukas.
Magandang morning mga Kaingay! Marami bang gawain tayo ngayong umaga? Nagluluto? Naglilinis? Maglalaba? Huminto muna , huminga ng malalim at pagpahinga. Tara mag relax muna tayo at mapahangin!
Nakapagligpit na ng kinainan, hindi ko nakunan ang ulam namin na tinatawag Batchoy dito sa katagalogan ng Bulacan, kakaiba ito sa Batchoy ng Iloilo, ito ay lutong hiniwang laman ng baboy na sinangkutsa (sauted) sa luya,bawang,sibuyas na nilagyan ng dugo ng baboy, miswa at katamtamang tubig pansabaw. Oras na para magsiesta kahit hindi makatulog atleast nakapahinga ang katawan lalo na ang mata.
Share ko lang Kaingay itong kuha ng friend ko sa lugar nila sa Bicol. Talaga nga namang summer na summer tingnan! Hanggang tingin muna tayo Kaingay, makisaya sa view nila! Anong naiisip ninyong gawin diyan mga Kaingay ? Sarap sigurong mag-ihaw ng isda at pusit? Tapos may malamig na malamig na buko juice. Kayo mga kaingay, anong gusto ninyo?
Kaingay, ganitong view lang sa maghapong trabaho nakakawala na ng pagod ! Sana safe kayong lahat mga Kaingay. Kuha ito ng aking friend na taga Bicol na malapit sa Siruma beach, ibinahagi niya sa akin kaya ito ibinabahagi ko rin sa inyo. Tara magluto na tayo ng hapunan!
Ang ganda niyang ipinta mga Kaingay, nga lang at hindi ako marunong sa ganyan. Ang bilis ng maghapon. Sino po dito ang kapwa nanay ko na unlimited sa trabho? Hindi natatapos kahit paulit-ulit lang naman ang gawain ngayon, at gawain bukas. Parang si sunset aalis ngayon, at bukas nandiyan. Pero mabuti pa si araw hindi napapagod. Kaon na ta mga Kaingay. Enjoy your dinner!
Mga kaingay, ibabahagi ko itong tulang ginawa ng aking panganay na anak.. Gabing Marikit Ang gabi ay madilim Kasunod ng takip silim Kahit hindi makulimlim Ang langit ay umiitim Ngunit ang gabi ay may dalang lingap, Dahil sa mga bituwing kumukuti-kutitap, Meron ding dalang liwanag ang mga alitaptap, Dahil dito'y lungkot Di mo na maaapuhap. Magandang gabi sa ating lahat!
Dahil ganado ang anak ko sa paggawa ng tula, ito pa po isa pang good night post.. Panibagong Bukas Pagod na katawan Nais ng kapahingahan Sa maghapong kasipagan Para sa pangangailangan 'Pwedeng mapagod', sabi nila 'Pero di susuko' ika nga. Kaya nga matulog na ng lumakas , Nang makita ang panibagong bukas!
Magandang umaga mga Kaingay! Mahamog at pasikat palang si haring araw. Maganda talagang maagang bumangon at kumilos sa gawain mga Kaingay, para maagang makapag siesta! Tara mamili muna tayo ng uulamin. Hanap tayo ng gulay na masustansya.
Tara na't magluto ng ginataang sitaw at kalabasa kaingay! Mga Sangkap Sitaw Kalabasa Bawang Sibuyas Tinapa Gata Patis Paminta Procedure - sangkutsahin ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika -ilagay ang hinimay na tinapa -Isunod ang sitaw at kalabasa - haluhaluin,hayaang bahagyang maluto ang gulay sa paggisa -maglagay ng patis at paminta ayon sa panlasa. - maglagay ng klahating baso ng tubig para maluto pa ng kaonti ang gulay. -ilagay ang gata Note: pwede kang maglagay ng…
Narinig mo na ba kaingay ang salawikain na.. ' Anumang iyong gawin, Makapito mong iisipin , Naisip mo nang magaling Kung minsan nga'y mali pa rin'. Hindi ba minsan mga kaingay, ganito ang nangyayari sa atin. Bago tayo magpasya, maraming beses muna tayong nag-iisip. Pero ang ending, hindi pa rin ito nagiging matagumpay. Isang halimbawa iyan Kaingay na ang kaisipan ng tao ay hindi perpekto. Huwag kang masiraan ng loob kaingay, tuloy lang ang buhay. Tanggapin ang sitwasyon at…
Magmeryeda muna tayo mga kaingay! Nagluto ako nang all time favorite na street food ng pinoy, fish ball at tokwa! Sa gusto ng mejo healthy na bersyon ng fish ball, gaya ng gulay sa susunod magluto tayo. Kailan nga ba na uso ang fishball mga kaingay, tanda nyo pa ba? Sino ang hindi mapapahinto at mapapabili nito kapag nakita ito sa daan habang niluluto ni Manong sa maliit niyang di padyak na cart. May tinda pang malamig na sago at gulaman. At sawsawang maanghang. Wala pang…
Pagabi na naman kaingay. Tandaan: Ano man ang iyong sitwasyon ngayon, hindi ito ang wakas ng destinasyon ng buhay mo. Kaya maging matalino sa paraan ng pamumuhay. Hindi natin kontrolado ang ginagawa ng iba , kaya wag mag-ubos ng oras at lakas sa kanila. Magtuon ng pansin sa mga bagay na magagawa mo para mapabuti ka. Maiksi lang ang buhay kaingay. Kaya piliing maging masaya.
Kung ang buhay ay puno dahilan para pahinain tayo at masaktan. Bigyan din natin ang buhay ng maraming rason para maging masaya at maligaya! Share ko lang kaingay ang nabasa ko na post. Ganyan ang kailangan nating lahat, pampatibay! Madalas tayong manghina, ma stress at madepress. Ito man ay dahil sa di inaasahang pangyayari, pagkakasakit, sitwasyon ng pamilya, personal na problema. Kaingay magpakatatag ka, wag mong soluhin mag-isa, dahil may Isa na handang dumamay sayo at…