read.cash Log in
@Nengste more from that month

Mga kaingay, ibabahagi ko itong tulang ginawa ng aking panganay na anak.. Gabing Marikit Ang gabi ay madilim Kasunod ng takip silim Kahit hindi makulimlim Ang langit ay umiitim Ngunit ang gabi ay may dalang lingap, Dahil sa mga bituwing kumukuti-kutitap, Meron ding dalang liwanag ang mga alitaptap, Dahil dito'y lungkot Di mo na maaapuhap. Magandang gabi sa ating lahat!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.