Magmeryeda muna tayo mga kaingay! Nagluto ako nang all time favorite na street food ng pinoy, fish ball at tokwa! Sa gusto ng mejo healthy na bersyon ng fish ball, gaya ng gulay sa susunod magluto tayo. Kailan nga ba na uso ang fishball mga kaingay, tanda nyo pa ba? Sino ang hindi mapapahinto at mapapabili nito kapag nakita ito sa daan habang niluluto ni Manong sa maliit niyang di padyak na cart. May tinda pang malamig na sago at gulaman. At sawsawang maanghang. Wala pang advertisement yan pero pinipilahan. Tara muna at kumain mga kaingay habang mainit pa!
No comments yet