Sang-ayon ba kayo ka-Noise na ang simpleng buhay ay ang talagang masayang buhay? Maaari nating balikan ang nakaraan. Noong panahon na napapalibutan pa tayo ng mga bukirin, at namimitas pa tayo ng bayabas sa tabing daan. Noong panahon na kukuha lang si nanay ng gulay s bakuran para sa pananghalian. Ang meryenda sa hapon ay nilagang saging at kamoteng kahoy lamang. Sa hapunan naman ay tuyo, kamatis ,nilagang dahon ng kamote at bagoong ang sawsawan at masayang nagkuwentohan habang pinagsasalohan O, diba simpleng buhay lang. Pashare naman ng mga alaala ninyo noon!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Tama ka, kaingay! Noong bata pa kami dahil maluwag ang lupang ito ng magulang ko ang dami naming mga puno ng prutas at mga gulay. Sabi ko nga kung buhay pa ang mga magulang ko magugulat sa presyo ng pinamimili ko, samantalang ipinamimigay lang niya kung sino ang hihingi. Masarap ang buhay noon simpleng tignan pero kung icompare mo ngayon parang sagana sila non.
Simpleng buhay tapos healthy ang buong family. Yun po ang the best. Yung nakakakain kayo ng 3 beses sa isang araw.
Agree ako ka-noise! Ang pagiging simple ay kapareho ng pagiging kontento. At iyan ang pinagmumulan ng tunay na kaligayahan. Naranasan ko rin ang mamitas ng mga bayabas, mangga, buko at kung anu- ano pang prutas sa mga Lolo ko noon. Ngayon naging subdivisions na doon kaya nakaka-miss ang nakaraan.