Nakapagligpit na ng kinainan, hindi ko nakunan ang ulam namin na tinatawag Batchoy dito sa katagalogan ng Bulacan, kakaiba ito sa Batchoy ng Iloilo, ito ay lutong hiniwang laman ng baboy na sinangkutsa (sauted) sa luya,bawang,sibuyas na nilagyan ng dugo ng baboy, miswa at katamtamang tubig pansabaw. Oras na para magsiesta kahit hindi makatulog atleast nakapahinga ang katawan lalo na ang mata.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Sarap po ng ulam niyo nagluluto po ako niyan gustong gusto niyan ng mag ama ko kesa sa dinuguan hehe.Patulog nadin po kakaantok ang init ng panahon.