read.cash Log in
@Nengste more from that month

Hello mga Kaingay! Nag-iisip ba kayo ng dagdag na sideline ngayon? Halikayo at magluto tayo ng Halayang Ube. Tandaan , wag kayong magtitipid sa sangkap para ang lasa, masarap! Mga Sangkap -1 kilo Ube - 1/4 kamoteng kahoy (optional) -2 evap na big -4 condensada -1 kutsarang Primera ube Flavoring o McCormick ube flavor(para lang sa mas malasang ube favor) Procedure -Balatan ang ube at kamoteng kahoy -Pakuluan ito para lumambot -Habang nag hihintay paghaluin ang evap at condensada -Hanguin ang ube at kamoteng kahoy kapag luto na -Gadgarin -At ihalo ang inihandang evap at condensada - ilagay ang ube flavoring -isalang sa apoy at haluin hanggang kumunat Note: Hindi na kailangan mga Kaingay na maglagay ng asukal dahil sakto na po ang tamis nito. Kapag hindi ninyo feel na gamitin ang Evap, ayos lang kaingay,maaari kang gumamit ng 1 gata ng niyog. At kung uso naman sa lugar ninyo ang kinikilong gata , 1/2 kilo ang ilagay mo. Pwede ka ring maglagay ng ginadgad na balat ng dayap para sa extrang lasa. Para sa finish product, maaari kang makagawa ng 9-11 pcs small lanyera ng halaya sa mixture na ito. Mahalagang timbangin ang ilalagay na halaya para magkapantay-pantay ang laki, 200grams na halaya ang maaari mong ilagay. Sa halagang 50-65 pesos mo ito maaaring ibenta. Iyon lang mga kaingay. Happy cooking !

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.