Maalinsangan po kanina, pag maalinsangan tanda daw yun na paparating ang ulan kung minsan hindi natutuloy pero ngayon po ay natuloy tatawagin kong kalmadong ulan. Kumain na po ba ng tanghali-an ang lahat? kami ni bunso ay ngayon lang kakain, ang aming ulam ay luto ni Ka Elvie ito ay chop suey at menudo 2 putahe ang aking nabili ngayon, ang sabi ni bunso ay “mukhang hindi po kayo nagtipid ngayon mama”? Karaniwan kasi isang serving at isang putahe lang ang binibili ko at pinagkakasya namin yun😀
3 comments
Maglano po ba ang ulam na tinda ni Ka Elvie? Tapos na po ako. Baka na sinigang sa bayabas. Umuulan din po dito.
Wow. Chopsuey! 😍 Paborito ko po yan. 😋
Adobong baboy po lunch namin, mukhang masarap po ang choepsuey enjoy eating po.