Pagkatapos na aming Zoom meeting nag -ayang maghapunan na agad si bunso nagmamadali akong naghain at ininit ang munggo at ang nabili kong lutong ulam na bachoy tagalog, inulam ko ang munggo sa kanya ay bachoy hindi ko rin naubos ang munggo kaya binigay ko kina Grey at Zorro. Pagkatapos namin kumain, humingi ako ng lolipop kay bunso tapos sabi niya " sige po may natira pang dalawa" na nakangiti nang nilabas niya ang plastic na may laman na lolipop, sabi niya sa akin "tumingin ka mama sa itaas tapos dumukot ka" dinukot ko ang isang lolipop, tuwang tuwa si bunso dahil ang nadukot kong flavor ay cola na ayaw naming pareho, kinain ko pa rin kasi wala akong mapanghimagas.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet