Nakalimot na naman po ako, nagmamadali pa akong bumili ng lutong ulam sa labas baka kako magsara wala kaming mauulam ngayong hapunan ni bunso, pag-uwe ko tinanong ako ni bunso “ mama saan ka galing” sumsgot ako na bumili ng ulam, tapos sabi niya “ bakit ka bumili eh may ulam pa tayo “ doon ko naalala na may natira pa palang munggo na natira kaninang tanghali-an😅
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Mas marami, mas masaya momsh.. Hehe ok lng po yan .. Pang agahan na ung matitira..
Pwede pa naman po kinabukasan lalo na kung hindi naman madaling masira yung nabili ninyo, hehehe minsan po talaga nakakalimutan natin yung mga maliliit na bagay. Ako po hindi lang minsan nangyayari yang ganyan feeling ko nga po nag-uulyanin na ako. Hahahaha!