Stop Limit for Newbies.
Stop limit, (for newbies).
Matagal nako hindi nag sspot trading kasi more on future trading ako ilang taon na.. stop loss ang tawag dyan sa stop limit pag dating sa future trading.
Ganito ginagawa ko dyan sa stop limit dati,
1ST
Go to SELL section, then select nyo yung STOP LIMIT sa baba,
Make sure naka sell, Kasi pag buy sinelect nyo imbes na mag sell Yan during stop limit nyo mag bu-buy yan, Hindi mag sstop. (See 1st pic).
2ND
Sa STOP USDT, ilagay nyo yung prefer stop loss nyo, example price ni SLP ngayon is 0.0270 USD, at gusto mong ma stop yung trade mo o masell example sa 0.0260, yan yung ilagay mo dyan sa STOP USDT,.
(See 2nd pic).
3RD
Sa LIMIT USDT naman, LOWER LIMIT lang Yan,, pag Ang prefer stop limit mo is .0260, mag lagay ka ng konting amount na mas mababa sa .0260 na lower limit mo,
Ano bang silbi nyang lower limit? Ganito,
Pag nag dump kasi si btc ng mabilis, magdudump din si SLP ng mabilis at kadalasan hindi na ttriger yung stop loss sa sobrang bilis ng pag bagsak,, kaya nilagay yang lower limit pang 2nd option yan bali.. para sure na matrigger o magstop yung trade mo. (Ma convert sa USDT automatically).
(See 3rd picture).
4TH
Sa AMOUNT SLP naman, ilagay nyo kung ilang amount of SLP yung gusto nyong ma stop pag na trigger o tinamaan yung stop limit nyo.. (kung ilang SLP Yung gusto nyong ma convert in USDT).
(See 4th picture).
5th
Yung percentage sa baba (25%, 50%, 75%, 100%) option yan kung ayaw mo mag type dun sa AMOUNT SLP, mag select ka lang dyan kung ilang percent Yung gusto mong mabenta o maconvert sa usdt pag na hit yung stop limit mo,
Example gusto mong mabenta LAHAT nung SLP mo during hit ng stop loss mo, select mo yung 100%, pag kalahati lang naman gusto mo ibenta during stop limit mo select mo lang yung 50%, and so on.
(See 5th pic).
6TH
CLICK SELL SLP.
(See 6th pic)
Stop loss and stop limit is part of MANAGING RISK, Marereduce yung possible scenario na matalo kayo ng malaki at the same time makaka buy back kayo sa dip pag bumagsak kaya dapat alam nyo rin how to determine support or demand areas para alam nyo saan bibili.
Di pedeng Wala kayo nyan, Kasi aanurin kayo paibaba ng market pag bumagsak at MAIIPIT talaga kayo, Hanggang mapilitan magbenta ng palugi..
Yan importance ng stop limit.
(May buy limit din sa binance, makaka set ka ng buy limit sa gusto mong price sa ibaba, pag natrigger o tinamaan yung price ng buy limit mo automatically bibili sya dun sa presyo mo, may sell limit din, pag gusto mo ng ibenta sa mas mataas na prefer amount na gusto mo automatically din mabebenta Yan at macoconvert sa usdt.
Paraan din yan para hindi kayo laging naka bantay lagi at kinakabahan lagi sa price ni SLP.
Ang Binagbabawal na Teknik Dyan sa stop limit Ganito,
Magbubuy ka sa strong support area, tapos lagay mo yung stop limit mo sa ibaba lang mismo ng support na inentrihan mo, para kung bumagsak man ang trend maliit lang damage mo, pero pag umakyat naman ang trend, mas malaki reward o return mo.
Low risk , high reward kumbaga.
Conclusion
Sorry for the writing and explaining using my my lauguage for today. I will promise to use English language next time in my article. This article is Axie Infinity Player Related.
Thank You so much to my Generous and Kind Sponsors!
Wow u gave a perfect explanation on this I love it, you brought it down to every ones understanding