"MommySwag; Hatred "

16 27
Avatar for MommySwag
3 years ago
Topics: Feelings

November 07, 2021

Kay sarap naman ng tulog niya.!

Animo'y walang pinagdadaanang problema.!

Buti pa siya...! Kay himbing ng tulog niya.

Bulong sa aking isipan.

Bakit sa pakiwari ko ako lang ang nagdadala.?

Hindi ba kami magkapareha.?

Bakit parang ako lang ang namomoblema?

Sa problemang siya ang may gawa.!

Bakit ako..?

Bakit ako lang?

Laging tanong ng aking isipan.

Kung sana'y naging tapat lamang siya.

Malamang,wala kami sa ganitong problema.

Tao din ako at napapagod rin.

Hindi ako robot,para hindi tamarin.

Bahay,alaga at pagtuturo sa akin.

Pati ba naman prolema sa pera akin parin.

Minsan naisip ko na lumayas na.

Dahil hindi ko na kaya ang hirap na kanyang dinala.

Manipis kong mukha noon ay kumapal na.

Dahil sa kagustuhan kong matulungan siya.

Lahat na nga ay gustong pasukin,kaya nga ako'y naloko rin.

Perang inaasahan na madodoble,ay naging bula din.

Hindi mo batid ang aking nagawa,pero malamang ito'y iyong ikakatuwa.

Mga masasakit na salita ay aking maririnig,ngunit hindi ka magtatanong kung bakit?

Bakit ko nga ba nagawa?

Na ako'y maloko at mapaniwala.

Iyak nalang ang aking nagagawa tuwing iisipin ang nawala.

___________________________

Kamusta po?

Ngayong araw magtatagalog po muna ako,sobrang sakit kasi ng ulo ko. Walang english word na pumapasok,puro negative word.

Makikita niyo po ang tula na aking mabilisang ginawa. Title niyan "Bakit" kung hindi niyo po naitatanong,magaling po ako sa mga ganyan. Hindi lang halata,noon kapag araw ng agosto o "Buwan ng Wika" nagpapasulat ang mga guro ng tula. Isa po si MommySwag sa laging napipili, hindi po sa pagmamayabang๐Ÿ˜…

Sa paggawa kasi ng tula kailangan may rhyme ang bawat dulo nito. Halimbawa ( Ang bulaklak ay napakaganda. Katulad sa iyong mga mata.) Kung makikita mo sa dulo same sila na nagtatapos sa "a".

Kapag gagawa ka rin ng tula,kadalasan may sukat yan. Pero ang ginawa ko ay tuloy tuloy lang, ito kasi ang nararamdaman ko ngayon.

Feeling ko kasi ako lang yung nagdadala ng problema,hindi ko kasi alam paano pa siya nakakatulog o nakakain ng parang wala lang.

Samantalang ako,todo hanap ng paraan paano ko matutustusan yung kailangan namin. Kailangan ng mga anak namin,na kahit hindi ako magaling mag english sinusubukan ko. Na kahit nagkakabuhol buhol na dila ko,continue parin ako.

Ako na ang lahat ang gumagawa samantalang siya trabaho na wala naman pinapasok na kahit singkong duling. Dahil sa utang na hindi ko alam kung saan niya dinala, oo may utang siya. Utang na sana hindi niya nagawa kung noong una palang ay nagsabi siya, na hindi niya kayang matustusan ang mga bagay na hindi naman niya kaya.

Kaya ang payo ko sa inyo,kung hindi kaya ng sahod niyo. Mag tipid tipid nalang siguro,dahil mahirap ang sige sige sa gastos yun pala puro utang na.

Tsaka maging honest sa kasama, at huwag papadala sa suhol ng iba. Yung partner ko kasi madaling masuhulan yan, yung mga katrabho kumuha ng credit card,siya rin kumuha. Noon pa negative na ko sa mga ganyan,sinabihan ko narin siya about sa ganyan. Pero sabi niya hindi daw,kasi wala naman daw ganito ganyan. Pero yun pala meron,until now kahit hindi na namin ginagamit yung credit card nagbabayad parin siya. annual fee ba ang tawag dun,hindi ko alam. Pero sabi niya para daw ma cut na yun kailangsn niyang bayaran.

Hindi ko alam kung ganun din ba sa ibang credit card pero parang hindi na talaga makatwiran ang magbayad ka ng service fee or annual fee ng hindi na gamit ang card.

May diskarte itong partner ko na hindi ko talaga gusto. Sa totoo lang nahibirapan na ko. May iniinda akong sakit sa ulo ngayon,tapos napagod pa ko sa ginawa ko kahapon pero parang wala lang sa kanya. Hindi man lang siya magkusa na siya ang gumawa ng iba kong gawain.

Sabi ng mga kumare ko layasan ko na,ngunit sabi ng isip ko paano ang mga anak ko. Kung hindi lang siguro dahil sa mgs bata matagal ko ng nilayasan yung partner ko.

____________________________

I am sorry for this article of mine, I just wanted to express how I felt right now. I had headaches a while ago and I can't focus on writing. I cant compose an English word, so please let me use my language for now.

I just wanted to unload my feelings right now, I felt like I need to shout but if I do that here someone calling the barangay.๐Ÿ˜…


Allow me to introduce to you my sponsors
Who believe in me and trust me,even I cant
They are my strength in this field.
I am grateful to all of you,thank you very
much ๐Ÿ’š๐Ÿ’š
Check out their work and you will see
How great ghet are in thslis field.๐Ÿ‘‡

Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

Thats all for today's

I just wanted to try the phrase who would the first letter is bold, but maybe some other day nalang. My brain isn't functional right now the only thing I think this time was hatred for my partner. And how he handles our situation, he supposedly the one who is handled it, I am just helping him but instead, I am the one who carries all the troubles.

Goodnight

Maybe i need to rest my mind for me to write a good article.

Pasensiya sa mga hindi ko nabasa ang mga article,bawi po ako bukas promise๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Lead image; unsplash

7
$ 0.11
$ 0.03 from @jasglaybam
$ 0.03 from @Niazi420
$ 0.03 from @BCH_LOVER
+ 1
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
3 years ago
Topics: Feelings

Comments

Yung partner ko sis, wala ding trabaho sa ngayon pero thank God kasi tumutulong din siya sa gawaing bahay. Last time umiyak ako kasi wala na kaming panggastos sabi niya huwag mag-alala hanap daw siya ng paraan. Palagi siya naghahanap ng sideline para kahit papanu may panggastos

$ 0.01
3 years ago

Buti pa mister mo sis ganyan,yung sakin sobrang sakit talaga sa ulo. Kung makapagsalita pa kala mo kung sino. Blangko talaga utak ko,hindj thloy ako makapagisip ng article na isusulat ko.๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข

$ 0.00
3 years ago

Huwag mo na lang siya masyadong pansinin sis, mastress ka lang. Focus ka nalang sa mga kids mo at sa mga pwedeng pagkakakitain. Swerte na nga niya na may asawa siyang marunong dumiskarte, sana naisip din niya kayo

$ 0.00
3 years ago

Sana nga sis, pero naku ano paba aasahan sa taong makasarili.๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…hays true sis nakakasttess kung siyabang iisipin ko.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis, swerte niya kung siya lagi iisipin mo, ๐Ÿ˜„

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga magfocus nalang ako kung paano ako kikita habang nageenjoy.๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…

$ 0.00
3 years ago

Hindi ka nag iisa mommy sa pakiramdam mong ganyan. Parang ganyan din pinagdadaan ni nheng ngayon.

$ 0.01
User's avatar Yen
3 years ago

Sino si nheng sis? Ang hirap talaga,ang gulo ng utak ko hindi ako makapagisip ng article.๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…

$ 0.00
3 years ago

Dito din sya sa read nastress din sa hubby nya.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ang hirap naman kasi na may hubby na pasaway. Lakas makatanda.๐Ÿ˜ข

$ 0.00
3 years ago

I feel you sis. Saken naman walang work, tumutulong naman sya sa gawaing bahay at sa pagaaral ng anak ko pero jusme naglalakad na tong bunso ko wala pa ring kaming income. Ako nga lang ang bumibili ng personal needs namin..Hayyy..Same tayo masakit ang ulo.

$ 0.01
3 years ago

Sakit kasi sa ulo talaga sis,kapag ganyan partner. Pero yung sayo sis tumutulong kaya okay lang,itong akin kung hindi pa ko magrereklamo hindi gagawin. Plus may work nga pero 2months ng walang naiibigay dahil pangbayad lang sa mgs utang.

Paskong tuyo na naman kami..๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข

$ 0.00
3 years ago

Ramdam kita. Wala akong partner pero yun mama ko ganyan na ganyan sayo noon. Namumuroblema Kung pano kami bubuhayin kasi wala na sya maaasahan kay papa. Sobra yun iyak nya gabi-gabi. Di nya sinasabi, in iiyak nya lang. Kasi mga bata pa kami nun, Alam naman nyang iiyak rin lang kami. Kinaya na lang nya mag isa tapos eto naman kami ngayon mga anak nya, Di sya pinabayaan.

$ 0.01
3 years ago

Napakatatag ng mama mo sis,kasi nakaya niya. Tama lang na huwag siyang pabyaan ngayon dahil sa ginawa niya. Salamat sis,medyo nakalma din ako sa sinabi mo,may mga nanay talaga na gagawin ang lahat para sa mga anak.

$ 0.00
3 years ago

Take a well rest dear, mate. Hehe, I didnโ€™t understand your feelings because your feeling was in other language. Have a good night ๐Ÿ˜˜

$ 0.01
3 years ago

Sorry mate ๐Ÿ˜๐Ÿคญ I can't express how I felt if I had written it in English.

$ 0.00
3 years ago