Dahil nalalapit na ang draw ng patay, usong uso ang mga "horror movies" mga "kwentong katatakutan." Ngayon mayroon akong gustong ibahagi sa inyo na hango sa aking tunay na karanasan.
Tandang tanda ko pa ang araw na iyon, at kailanman ay hinding hindi ko makakalimutan. Dahil isa siya sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko aakalain na mangyayari sa akin. Noon kasi madalas na akong bangungutin ng kung ano-ano, kaya naman noong sinabi ko sa nanay ko ang sabi niya lang sakin ay "magdasal daw ako bago matulog" kaya naman tuwing gabi bago ako matulog talaga naman nagdadasal ako,o kaya naman nag "sign of the cross."
Noong nagagawa ko ang binilin ng aking ina,hindi na ko binabangungot ng kung ano-ano. Sabi rin ng iba na kapag natulog ka raw ng busog ay babangungutin ka, totoo ba? Kayo ba naranasan niyo na ba bangungutin?
Akala ko natapos na ang aking masamang bangungot ng isang araw, pag-uwi ko galing paaralan naulit muli ang masamang panaginip. Pero yung panaginip na akala ko ay hindi lang pala basta panaginip lamang.
Hindi ko na matandaan kung anong araw iyon,pero sa pagkakatanda ko ay tanghali iyon. Pagod na pagod na pumunta ako sa aking kwarto upang magpalit ng damit at ayusin ang aking gamit sa eskwela. Pagkatapos noon ay pumunta ako sa kusina para kumain ng tanghalian. Nanonood pa nga noon ng "Eat Bulaga" (Noon time Show na sikat dito sa Philippines)ang aking ina kasama ang bunso kong kapatid.
Nakinood rin ako habang kumakain,siguro mga isang oras siguro pumunta na ko sa aking kwarto at nagayos ng gamit ko,tiningnan ko kung may "Takdang Aralin" (Assignment) ako na gagaain ngunit wala. Kaya naman hinagilap ko ang aking mga babasahin na "Pocketbook" (Romance novel) habang nagbabasa hindi ko namalayan nakatulog pala ako.
Nagising ako sa isang haplos na nagmula sa aking ulunan,akala ko yung bunso namin na niloloko lang ako. Pero hindi, pagmulat ko ng mata nasa ulunan ko siya "Nakatingin at nakayuko sa akin, isang itim na anino na walang mukha."
Sa takot ko pumikit ako at nagbalot ng kumot,nagdasal din ako ng "ama namin". Pero pakiramdam mo nandoon parin siya sa ulunan ko,hanggang sa naramdaman ko na papaalis na siya. Dahan dahan kong inalis ang kumot at minulat ang aking mga mata, pagtingin ko sa paligid wala ang aking ina maging ang aking kapatid. Kaya dali dali akong nangaripas ng takbo,palabas ng aming bahay.
Noong ako'y nakalabas napansin ng aking mga kamag-anak maging ng aking ina na ako'y hingal na hingal at ako'y kanilang tinanong;
Aba'y bakit ka hangos na hangos?" tanong ng asawa ng aking tiyuhin"
Wala akong nasabi bagkus napansin ko na sa sobrang takot ko nakalimutan ko magtsinelas.
Habang yung kapatid ko ay tawa ng tawa sa akin,dahil sa itsura ko na gulo gulo ang buhok at parang praning na hingal na hingal.
Hindi ko naikwento ang pangyayri kasi baka isipin nila na baliw ako o naghahalucinate ako. Pero noing araw na yun,lagi na niya kong ginagambala sa pagtulog ko.
Gabi gabi nasa ibabaw ko siya,o kaya naman nasa ilalim ng paa ko habang nakatingin na nakaguko sakin. Madalas din niya kong bulungan ng kung ano-ano noon. Ginagawa ko nalang noon sa tuwing magpapakita siya ay taimtim akong nanalangin sa Panginoon.
Hindi ko alam kong maniniwala kayo sa kwento ko o baka isipin niyo lang din na tinatakot ko lang kayo? Pero maniwala man kayo o sa hindi,habang sinusulat ko ito ay nagtatayuan parin ang balahibo ko sa takot.
Masasabi ko lang base sa aking karanasan ay totoo sila,nandiyan lang sila nakamasid sa atin. Dahil hanggang ngayon may mga bagay parin akong nararamdaman,pero mas pipiliin ko nalang na maramdaman sila kesa makita ko sila.
Dati katulad niyo ko na hindi naniniwala sa mga bagay na hindi nakikita pero noong naranasan ko na,iba ang mararamdaman mo. Kaya yung mga pinapalabas sa "Jessica Soho" may iba sigurong parang aakalain mo na hindi totoo,yung kala mo gawa gawa lang. Pero kung iisipin niyo,bakit naman nila gagawin yun? Ano para makita sa camera? Para maging sikat? Hindi sa ganoon yun,sadyang may mga nararamdaman sila na hindi kayang madama ng iba.
Kaya naman ngayon nalalapit ang "Araw ng mga Patay" igalang nawa natin ang kanilang libingan,huwag magingay bagkus ay magalay ng taimtim na dasal para sa kanila. Dalawin din natin ang ating mga mahal sa buhay na namayapa na,kung ayaw mo na sila ang dumalaw sayo o pwede rin naman magsindi ka ng kandila para sa kanila at alayan mo ng dasal. Doon ay maipadarama mo na kahit wala na sila sa mundo ay mananatili silang Buhay sa "Puso at Isip mo"
Happy Holloween👻
Siya nga pala nais kong pasalamatan angî aking mga naggagandahan na sponsor @BCH_LOVER @jasglaybam please visit their articles dahil paniguradong maganda at may matutunan po kayo.
Kung nagustuhan mo ang Gabi ng Lagim ni MommySwag please do the picture below👇
LEAD IMAGE AND OTHER IMAGE; UNSPLASH
BELOW IMAGE BELONG TO MOMMYSWAG
Thank You!💚💚💚💚
Hahahah buti nalang umaga ko n nabasa to hehe . Feel na feel na talaga ang Halloween no kahit coming pa hahahah