November 4,2021
Hello everyone,its another day,another blog to tell. I hope you are all doing great.
I felt so sad yesterday because I wasn't able to publish an article,due to very slow and not stable internet connection we have, maybe because of the wind and rain.
So please allow me today to use Taglish for this article,because I feel like I'll be having a brain hemorrhage,hehe
Maybe you are wondering about my title, so here is the story behind that.
Alam naman nating lahat na sa panahon ngayon mahirap na makahanap ng totoong kaibigan. Yung tipong kaya kang damayan sa hirap at ginhawa, yung kaibigan na nandyan para sayo sa panahon na kailangan mo ng karamay, hindi yung kaibigan na nandiyan lang kasi may kailangan sila. Tulad nalang ng nangyari samin ng partner ko. May kaibigan kaming babae na nakilala nya sa work,in short teammate sila, but we're not that close to her. And then there was onetime bigla nalang siya nag message and we thought its work related but not, because she was asking for some help,that maybe she can borrow 200 pesos from us,just to buy food for their breakfast,kasi walang wala na daw silang magamit, so ayun nag send kami through G-cash, and she said that she will gonna pay us on their Payday, and because we are friends,confident naman kami na mababayaran nya yun.
But there's a rumor about her,specially when it comes to money, some said that she is not a good-payer, pero binalewala lang namin yun na baka issue lang, at besides we trust her and she also made a promise to us. At yun na nga dumating yung araw na sweldo na nila, we try to message her regarding the said amount, but reply lang niya "Sorry kulang yung sahod ko" at may deduction pa daw siya because of her loan. So kami naman ok lang,not a big deal kasi baka nga kulang talaga.
Nag hintay nalang kami for their next payday, and sad to say may palusot nanaman siya, so nag doubt na kami, seryoso ba talaga to? Napasabi nalang kami na baka totoo talaga ang issue about sa kanya na di na siya marunong magbayad after niya manghiram. And again deadma nanaman kami, we give her another chance,di na kami nag message sa kanya, nakiramdam nalang kami kung magkukusa ba siya, baka sakaling maalala niya hehe. Hanggang sa nag one month nalang yung 200 pesos, wala parin kaming natanggap na hi/hello man lang, in fact kayang-kaya nya naman bayaran yun,because she's working as a call center agent, and far as we know may mamahalin siyang aso, tapos naka aircon pa, tapos mga branded pa mga gamit nya, so for me its impossible na di nya afford yung ganong amount.
And because of her excuses, di na kami naniwala sa kanya, it proves lang talaga na totoo yung issue. Hindi naman sa pagmumukhang pera or anu-man, pero yung amount kasi na yun pinaghirapan at pinag-paguran yun at hindi lang basta napulot sa kung saan-saan, higit sa lahat yung tiwala mo para sa isang tao, kasi yung pera makikita pa yan,pwede pang magawan ng paraan pero yung pagdating sa tiwala,mahirap nang maibalik pa. All of a sudden nag message sa samin last week,saying that she will gonna pay us this coming 15th of November, kasi nawalan daw siya ng work tapos first pay nila is sa 15 pa, pero it's over na, she fooled us dahil lang sa maliit na halaga,nasira pa yung samahan at tiwala namin sa kanya. Tapos minsan ikaw na nga ang naka tulong, ikaw pa ang nagiging masama para sa kanila.
That is why I truly believe in this saying:
"Friendship is like a paper. It will never be the same once crumpled"
I bet that's all for now. Thank you for your time reading this.
Have a great day and Keep safe everyone.♥️
Lead Image from Google.
Sad to say may mga tao talaga na nagungutang tapos hindi na babayaran 😔 ako noon nagpapautang din. Ang sakit kapag mga 1k pataas tapos di na babayaran. Naiinis ako. Kaya pwede ba pautang din? Hahahaha.
Yan nakakainis sa mga nangungutang. Kapal ng mukha magpost pa na pakape-kape or may bagong gadget at may hashtag pa na "blessed" pero sandamakmak pala inutangan.