Meryenda ba?
Eto mamili ka ๐
Flex ko lang pala itong mga pasalubong ng aking bunsong kapatid galing Baguio, yung ube Jam ay natikman ko na at naipost ko narin dito.
Ngayon ay nakakagutom na sandali, kaya namimili ako ng pwede ko meryendahin sa pasalubong ng aking kapatid.
Ang Napili ko ay Lengua de Gato, masarap ito sa kapeng walang asukal dahil napaka tamis nito ๐.
Kung kayo po ang pipili, ano po ang gusto nyong meryendahin jan? ๐
Midnight snack
Dito samin tuwing undas, Tila mo pyesta ng mga puto. Iba't ibang mga kakanin ang ginagawa bawat bahay, ito ang aming iniaatang tuwing undas para sa aming mga namayapang mga mahal sa buhay. Bisperas palang ay naggagawaan na ng mga kakanin.
Tandang tanda ko pa nuong mga bata pa kami, puno ang aming lamesang kwadrado ng ibat ibang kakanin, tulad ng Sumang moryekos, Sumang inantala, Sumang Kamoteng kahoy, maruya na may munggo, biko at sinukat.
Kayo po ba, uso rin po ba ang paggawa ng mga kakanin kapag undas?
Btw Pagkaluto kanina ni Nanay ay binigyan nya akong Sumang moryekos, ito yung Suman na giniling na malagkit na may latik.
Kaya eto may pang midnight snack ako.
Sino po may gusto, Tara po kain tayong Sumang moryekos.
Magandang gabi po
Andaming ganap sa araw na ito,
12noon na kami natapos magpa check up kanina, maaga man kami dumating sa clinic, ang Doctor naman ang matagal dumating ๐
1:30 pm na kami nakadating sa bahay, Pahinga ng konte ayun Punta ulit ng bayan at may biglaang inasikaso.
Dahil marami narin kulang sa aking paninda dumaan narin ako sa Friendship supermarket bago kami umuwi.
Pambawi sa gastos sa araw na ito, kailangan mamili ng paninda.
Btw Kumusta po kayo?
Nag dinner Naba ang lahat?
Kami tapos na, dumaan narin kami sa Mang Inasal kanina bago umuwi.
Kain narin po kayo :)
Makulimlim na Umaga po
Monthly check up namin ngayon ng aking hubby, maaga kaming bumyahe para mauna sa listahan.
Hirap kasi kapag Tinanghali, haba ng pila.
Sa sobrang aga namin, sarado pa ang clinic hehe.
Nauna pa kami sa guard na tagalista haaaay
Pilipino time talaga.
Ube Jam for snack
Masarap ito palaman sa tinapay, pero mas trip ko syang papakin lang hehe.
Isa pala yan sa pasalubong ng aking kapatid galing Baguio.
Mas sumasarap talaga ang pagkain kapag ito ay Libre, aminin ๐
Magandang hapon po,
Kayo po anong meryenda nyo?
Inihaw na Hito for Lunch
Late na ang aming tanghalian,nag crave kasi ako sa inihaw na Hito at gusto rin daw ng bunsuan ko ng fish kaya nagpabili ako ng Hito, ngayon lang naihaw kaya late na ang aming tanghalian.
Ang sarap nito Lalo na at bagong luto, Sawsawan namin ay bagoong na isda na may kalamansi at sili. Nagsara muna ako ng tindahan para ma feel ko ang kumain ng inihaw na Hito, magkakamay kasi ako hihi.
Nakakagutom na, Tara napo kumain ๐
Magandang Umaga mga kaingay
Kababalik lang ng aming kuryente, magdamag na brown out dito gawa ng bagyo.
May kalakasan din ang bagyo dito samin, gang ngayon ay malakas parin ang hangin,wala namang ulan, Makulimlim lang.
Kumusta po kayo?
Kumusta ang panahon jan senyo?
Ingat ingat po sa mga Lalabas at nasa labas na.
Happy morning :)
LEGO TECHNIC
Bonding ng Mag Ama
Dahil bawal na mag gadget ang bunsuan, wala nang mapaglibangan kapag nasa loob na nang bahay,kaya ibinili rin namin ng Lego.
Ngalang dipa pala nya kayang buoing mag isa kaya to the rescue ang daddy.
Matagal din pala buuin ito kaya di Nila natapos,itutuloy daw bukas hehe.
Basta Para sa Anak, at kayang ibigay,
Laruan na hindi biro ang halaga, basta sa ikaliligaya ng aking anak ay Ibibigay namin.
Sobrang nag aalala kami sa kalagayan ng aming bunsuan kaya Kung anong makakapagpasaya sakanya ay Ibibigay namin.
Maluho man Kung ito ay susumahin, ang Pera kikitain yan, ang kaligahan ng Anak ang mahalaga sa aming mag asawa.
Pork sinigang for Lunch
Dito po kami ngayon sa aking mga byanan, dito kami manananghalian.
Pina check up ko kasi ang aking bunsuan kanina, magdamag kasing nilagnat,nag chi chill pa.
Dami nanamang gamot na kailangang inumin๐
Btw nag lunch napo ba kayo?
Kami kakain palang, Tara po kain tayo.
Sa pabago bagong panahon,marami ang nagkaka sakit tulad ng ubo, sipon at lagnat.
Di nakaiwas dito ang aking bunsuan, kanina nung natutulog na sya, biglang nagising at giniginaw daw, nung hinipo ko ay mainit nga.
Kinuha ko ang thermometer, ayun mataas na pala lagnat ng Anak ko. Kaya agad pinainom ko na nitong Dolan. Makalipas ang higit kalahating oras, ginisawan na sya. Normal na ang temp nya ngayon, Thanks God
Sana dina sya lagnatin. ๐๐๐
Snack time
Inantok, natulog, paggising gutom hehe.
Sobrang antok ko kanina kaya nagsara muna akong tindahan para matulog.
Paggising ko Punta ako agad sa kusina, apura kong nilinis ito at pagkatapos naligo na ako bago magbukas ng tindahan.
Eto habang bantay ng tindahan at madalang pa ang bumibili,mag meryenda muna tayo mga kaingay.
Kape at pandesal, sapat na ito sa tulad Kong gutom hehe.
Yan po pala ang pandesal na tinitinda ko, may nagdedeliver lang sakin nyan, every 2 days ang deliver.
Kayo po anong snacks nyo?
Tara po mag meryenda:)
Tortang Talong for breakfast
Para maiba naman ang ulam sa almusal ng aking mag aama, kahapon namasyal ako sa aming taniman ng mga gulay gulay, sakto naman at may bunga ang aming talungan kaya naisipan kong mag torta sa almusal.Kahapon ko pa pinitas ang apat na talong, pagka ihaw ko may sira pala ang dalawa kaya nung madaling araw nag ilaw pa ako Para maghanap pa ng dalawang bunga nito hehe, buti nalang nakakita ako agad kaya naiihaw ko narin.
Maaga akong gumising kanina para maluto ko ito,Medyo ma trabaho rin kasi ang pagluluto nito kaya madalang akong magluto nito hehe.
Kayo po anong almusal nyo?
Magandang Umaga po pala sa lahat
Happy Thursday everyone :)
Busy ang ferson๐
Exam bukas ng mga bata, kaya eto super busy sa pagtuturo ang inyong abang lingkod.
Diko mapigilang di ma hb haha, hirap talaga magturo.
Kung ano pa yung pinaka madali, dun pa Nahirapan ang aking bunsuan ๐
naka ilang ulit kami bago nya naintindihan ang greatest to least, least to greatest. ๐
Exam din po ba ng mga Anak nyo bukas?
Repacking
Ito yung dimo aakalain na mas marami kapang kikitain kumpara sa ibang paninda,kailangan lang magsipag at mag tyaga sa pag rerepack.
Marami ang pwedeng pagka kitaan, basta masipag kalang at ma tyaga sigurado may income ka araw araw.
Nanghihinayang ako sa oras at araw na nagdadaan sa mga taong walang ibang alam na gawin kundi manghingi, yung mga taong malakas pa sakin ๐
Para sakin mas masarap tulungan ang nakikita mong gumagawa ng paraan para maiangat ang buhay, kesa sa mga taong naghihintay lang ng bigay ng kapwa.
Bakit nga kaya kayhirap magbigay ng tulong sa mga taong maganda pa ang awra sayo ๐
yung makaasta ay mayaman.
Masasabi mo nalang, buti pa sya walang eyebag, ako Doble na eyebag sa kakahanap buhay ๐
Puro tagyawat na sa kakapuyat hahaha.
Pork steak for breakfast
Dahil ayaw na kainin ng aking mga Anak ang lagi kong inilulutong ulam sa almusal, eto nalang ulet ang niluto ko, Pork steak. Nagustuhan kasi Nila yung niluto ko nung nakaraang araw kaya naisipan kong magluto ulit nito. Konte lang ang sibuyas na nilagay ko, nag tipid na hehe.
Maaliwalas na Umaga po, maganda na ang panahon dito samin ngayon, nakalabas na si Haring araw.
Kumusta po panahon jan senyo?
Kanina habang bantay ako ng tindahan mga alas otso ng gabi may mga kabataang nagdatingan, akala ko ay bibili sila, nun pala ay mangangaroling ๐
Kanta at sayaw ang ginawa Nila kaya ang saya ng pangangaroling Nila.
Mga senior high school na sila at mga taga rito lang din naman sa aming Barangay kaya siguro pinayagan sila ng kanilang mga Magulang.
Meron daw silang school project na kakailanganin ang Pera kaya sila nangangaroling.
Naranasan ko rin ito kasama ng aking mga ka eskwela at guro nung ako ay high school, kaya ang saya ko kapag nakakakita ako ng mga istudyanteng nangangaroling. Bumabalik sa aking Ala Ala ang aking high school life na talaga namang ang saya saya hihi.
Kayo po naranasan nyo rin bang mangaroling kasama ng inyong mga ka klase?
Sa kabilang dako ay maaliwalas na ang kalangitan, ngunit sa kabilang dako Kung saan naroroon ang araw ay may kadiliman parin ang kaulapan. Ngunit bahagya nang sumikat ang araw kaya kahit hapon na ay naglabas parin ako ng mga sinampay.
Ito yung nagsampay ka na walang kasiguraduhan sa panahon kaya laging Ihanda ang sarili sa pag takbo kapag biglang umulan hahaha.
Magandang hapon po
Snack Time na, anong meryenda nyo?
Ako magkakape nalang at pandesal.
Sinigang na Tilapia
Oras palang ng almusal pero nakapagluto na ako ng ulam pang tanghalian, ang iba kasi jan ay ulam ng aking mga taga laba. Sadyang Dinamihan ko na ang niluto kong ulam Para may matira man gang hapunan na๐tipid sa trabaho, may time para mag ingay hihi.
Happy and blessed morning poโบ๏ธ
Makulimlim ang panahon dito sa amin ngayon, sana lang ay wag umulan, nagpalaba kasi ako ng mga damit, ngayon.
Kumusta po ang panahon jan senyo?
Ayan luto na ang Adobong Labong
Dahil natakam talaga ako sa luto ni sis @pame88 na adobong labong, nagluto rin ako ๐
Diko talaga alam lutuin ito kaya nanuod muna ako ng YT.
Pauwi palang ang aking mag Ama kaya Pamaya Maya pa kami kakain, tambay muna dito habang bantay ng tindahan.
Magandang gabi po, kayo po anong niluto nyo?
Sardines with egg for lunch
Madaling lutuin kaya ito naisipan kong iluto ngayon, matagal tagal narin naman na kaming di nakakapag ulam nitong sardinas na may itlog.
Napa wow pa ang aking bunsuan nung makita ang niluto ko hehe.
Mahal na talaga lahat ng bilihin, tipid kung tipid, kanina nung binuhos ko na ang laman ng sardinas, nagulat ako at halos puro sabaw sya meron lang syang tatlong maliliit na laman na isda.Jusmiyo marimar, kamahal na nga binawasan pa ang laman hahaha.
Nag uulam din po ba kayo ng sardinas? Musta naman po yung laman?
Madami pa din ba?
Naaalala ko pa ang Sabi Sabi, kapag siksikan kayo sa isang sasakyan sasabihin Nila, para kayong sardinas nag si siksikan, ngayon hindi na pwedeng tawaging parang sardinas ang nagsisiksikan, kasi maluwag na ang isda sa Lata dahil binawasan na sila hahaha.
Good morning โบ๏ธ
Coffee and bread for breakfast
Late na ang aking almusal, inuna ko munang tapusin ang iba kong mga gawain, mas masarap kasi sa pakiramdam yung wala kanang inaapurang trabaho kapag kumakain.
Mas malalasahan mo ang kinakain mo haha.
Maganda ang panahon ngayon dito sa amin, maaraw. Tiyak mamaya ay napaka init nanaman nito.
Musta po Jan sa lugar nyo?
Nagpakita narin po ba si Haring Araw?
Nakakapagod pero kakayanin๐ช
Dipa ako tapos mag ayos,may kalahati pa pang bukas, nalibang ako mag uumaga na pala.
Inuna ko nang inayos mga bibilhin nang mga bata bukas Pam baon.
Antok narin at ramdam na ulit ang pagod kaya pahinga na katawang lupa, may bukas pa ๐
Gagawa pa pala ako ng yelo, mga 1am na makakatulog ang tinderella.
Good night po senyo
Salamat po ng marami :)
Macshare for dinner
Wala nang oras para magluto, kaya eto nalang 6pcs macshare, apat nalang yung nasa picture, napapak na ng mga Anak ko yung 2 pcs. :D
Bagong sahod ang daddy kaya may pa chicken.
Magandang gabi po, nakakain naba ang lahat?
Kami ngayon palang, Kadadating lang kasi halos ng mag Ama ko, sinundo ng hubby ko si unica kanina galing sa practice ng sayaw sa bayan kaya Ayan nakapag pabili ako ng macshare.
Mainam talaga yung may Nabibili nang ulam na ready to eat na kapag dina maharap magluto, ganyan din po ba kayo? bili nalang ng lutong ulam kesa magluto pa.
Let's eat po :)
Knock down si Tinderella๐
Diko kinaya ang pagod pagdating namin kanina galing sa pamimili ng mga paninda, natulog talaga ako pagdating namin kaya gang ngayon nasa kolong kolong parin ang aking pinamili.
Magandang hapon po, kagigising ko lang, sobrang nakakapagod talaga ang mamili.
Nakakaubos ng lakas, kaya kailngan mag recharge.
Ipinagtimpla ako ng kape ng bunsuan ko pagkagising ko at may nabili kami kaninang donut kaya ito may pang meryenda, pambalik ng lakas.
Kayo po anong snacks nyo?
Blessed morning everyone โบ๏ธ
Pinatingin ko Kay Nanay yung ulap na nasa larawan, ang Sabi nya agad "ay singko" tayaan mo 5 /11, hahaha napaghahahalata ang mahilig tumaya sa weteng, lahat nagmumukhang numero sa kanilang paningin.
Pero infairness ha, mukha talagang numero singko ang nasa kaulapan.
Btw mapagpalang Umaga ng Linggo po,
Dahil no rice ako kagabi, maaga akong kakain ngayon para may lakas sa pamimili ko mamaya.
Pero syempre di mawawala ang kape, Tara po magkape na muna :)
Black coffee muna sakin ngayon no sugar. Kayo po nagkakape rin ba kayo ng walang asukal?
No rice for dinner
Gabi naman kaya ok na sakin itong sopas na hapunan.
Tira ito sa Nilutong meryenda ni Nanay kanina, ayaw na kainin ng mga bata at mga busog na, kesa masayang ako nalang ang kakain.
Yan, yan ang dahilan Kung bakit nananaba ako hihi, mahilig ako kumain ng tira tira kasi nanghihinayang ako sa pagkain.
Sayang naman kasi talaga kaya kainin nalang.๐
Kayo po mahilig rin ba kumain ng mga tirang pagkain?
Ms. France
4thrunnerup
Bestincostume
Makiuso narin๐
Throwback yarn.
Kinder palang jan ang aking eldest, kahit magastos at nakakapagod madalas ko isali ang Anak ko sa mga patimpalak na ganyan.
4th runner up lang sya jan,hindi naging patas ang labanan haha.pero sya ang naging Best in custume.
Ako pala naglagay ng mga sequins sa costume nya, ako ang may design sa damit, kapag Nanay ka talaga lahat kaya mong gawin hehe.
Hindi na bago sa atin ang hindi pagiging patas ng mga hurado pagdating sa ganyang patimpalak Lalo na sa eskwelahan, minsan bumabase sila sa laki ng Perang naipapasok ng kalahok kaya naging money contest ang labas nyan hahaha.
Sabagay ayos lang naman, at least na experienced ng aking Anak ang sumali sa Ms. UN
Banana for breakfast
Masarap pala ito iprito sa margarine, manamis namis na maalat alat,masarap sya pang kape.
Nakita ko lang ito dati sa post ng isa nating kaingay sa kabila,
marami akong nabiling saging kahapon kaya naisipan ko ring gawin yan, masarap nga pala.
Mahilig ako sa saging na Saba, kaya tiyak ubos ko to haha.
May kanya kanyang lakad ang aking mag aama, kaya as usual, mag isa ulit ako mag aalmusal.
Ganun talaga,panindigan nalang ang pagiging housewife,gang bahay nalang ๐
Buti nalang may tambayan tayong ganito, kahit papano may nakaka kwentuhan at tawanan ako๐
Btw nag almusal napo ba kayo? Tara po kain tayo :)
Happy morning everyone ๐ฅฐ
Tinapa, saging at talong
May tira pa kaming ginisang monggo kaya nung may nagtinda kanina nang tinapa ay bumili ako Para may dagdag ang aming ulam. May naglako rin ng saging na Saba,mura lang kaya Napabili rin ako kaya Pina prito ko narin sa aking hubby pagdating nya. Ang talong naman ay nakuha lang sa aming mga tanim sa aming munting Hardin.
Tapos napo pala kumain, dina nakapag post agad, pagkakita ko kasi sa aming ulam ay natakam na ako hihi.
Btw Habang ginagawa ko pala ang content ko na ito ay biglang may nagsisigawan kaya napatayo ako dito sa tindahan, napalabas akong bigla, sa ngayon nakatayo ako dito sa kalsada nakatanaw sa nagsisigawan, nag aaway pala.
Puro lang sila sigawan, as in naka full volume kaya sigurado bukas masakit lalamunan ng mga iyon. May Kalayuan din ang lugar Nila, siguro nasa 200 meters ang layo dito samin, pero sa lakas ng mga boses Nila, dinig na dinig ko ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga bibig. Kung pwede lang sana i voice record dito eh hehe.marites yarn hahaha.
Sino po senyo tulad Kong kapag may nag aaway ay tatahimik bigla para madinig aNg pinag aawayan hahaha. โ๏ธ๐