Tinapa, saging at talong May tira pa kaming ginisang monggo kaya nung may nagtinda kanina nang tinapa ay bumili ako Para may dagdag ang aming ulam. May naglako rin ng saging na Saba,mura lang kaya Napabili rin ako kaya Pina prito ko narin sa aking hubby pagdating nya. Ang talong naman ay nakuha lang sa aming mga tanim sa aming munting Hardin. Tapos napo pala kumain, dina nakapag post agad, pagkakita ko kasi sa aming ulam ay natakam na ako hihi. Btw Habang ginagawa ko pala ang content ko na ito ay biglang may nagsisigawan kaya napatayo ako dito sa tindahan, napalabas akong bigla, sa ngayon nakatayo ako dito sa kalsada nakatanaw sa nagsisigawan, nag aaway pala. Puro lang sila sigawan, as in naka full volume kaya sigurado bukas masakit lalamunan ng mga iyon. May Kalayuan din ang lugar Nila, siguro nasa 200 meters ang layo dito samin, pero sa lakas ng mga boses Nila, dinig na dinig ko ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga bibig. Kung pwede lang sana i voice record dito eh hehe.marites yarn hahaha. Sino po senyo tulad Kong kapag may nag aaway ay tatahimik bigla para madinig aNg pinag aawayan hahaha. ✌️😄
29 comments
talong lang sakin yummy
Meron pang natira sis, yours na 😄
hahahah hello kakaway ako sis ayan dhl sa kanila nag ka content kapa nga pero sarp ng ulam mo heheh
Hahaha, gawain ko pa nga sis kapag may nag aaway, papatayin ko ang electric fan at TV para Malinaw ko silang marinig hahahha.
hahahah kya nga sis wg kau maingay me nag aaway hhahaah
Maganda amg pagka complement mo na ulam kahit papaano kumpleto na din ang ulam iba din kasi ang pagkain na ganyn simple lang
Sarap ng pagkaluto
Nakakagana pag ganyan ulam sis lalo na at parang bago yung tinapa.
Ay oo sis laging bago ang tindang tinapa dito samin kaya masarap talaga.
Sarap naman ng ulam nyo sis, 😋😋
Sarap nga sis Lalo at nakakamay pa akong kumain hehe
hahaha good evening sis focus ako pagbabasa ng post mo icocoment ko sarap ng hapunan mo un pala sa last part may freebies na nag aaway hahaha , at relate much ako dyan ganyang ganyan ako pag may nadinig na nag aaway sa kapitbahay nakikiramdam
Hahaha nakaugalian na siguro natin to sis hahahha
Haha ay with matching maritesss... ano anyare na ja siss? haha
Tumigil na ang sigawan sis, siguro naawat na hahaha
Sarap naman ng food mo sis
Napadami nanaman ng kain sis hehe
Parang gusto ko din yan para bukas sipagin sana ko mamalengke ahaha.
Go Sir, masarap po yan pang almusal. Malapit lang naman ang talipapa jan senyo hehe
Ako nakiki usyuso din pero di ako lumalapit, nakakarinig ako dati, Kasi malapit kami sa kalsada, pero ngayon di na Kasi malayo ang kapitbahay.
Ako sis heeh,halos lahay nmn siguro
Sarap niyan kumplito na ulam may maruya pa na saging sisy..
Sis napaka sarap naman nito. 🤤❤️
Mga pagkaing miss na miss ko na. Binata pa ako nung huli akong nakakain na magkakasama yan sa isang kainan. 😅
Minsan sis Hindi ko na Pinapansin pro mas madalas Yung Pinapansin ehh 🤣
Hala ka mate ayaw ko ng ganun mas maigi pa sa akin ang manatili sa loob ng bahay at kumain. Mga bagay na maririnig mo doon ay pawang mga panunungayaw lamang
Perfect combination niyan sis, sarap!
Ang sarap ng ulam nyo sis nakamiss ipag partner ang mga yan
Sarap nyan TST sis hehe