Sardines with egg for lunch Madaling lutuin kaya ito naisipan kong iluto ngayon, matagal tagal narin naman na kaming di nakakapag ulam nitong sardinas na may itlog. Napa wow pa ang aking bunsuan nung makita ang niluto ko hehe. Mahal na talaga lahat ng bilihin, tipid kung tipid, kanina nung binuhos ko na ang laman ng sardinas, nagulat ako at halos puro sabaw sya meron lang syang tatlong maliliit na laman na isda.Jusmiyo marimar, kamahal na nga binawasan pa ang laman hahaha. Nag uulam din po ba kayo ng sardinas? Musta naman po yung laman? Madami pa din ba? Naaalala ko pa ang Sabi Sabi, kapag siksikan kayo sa isang sasakyan sasabihin Nila, para kayong sardinas nag si siksikan, ngayon hindi na pwedeng tawaging parang sardinas ang nagsisiksikan, kasi maluwag na ang isda sa Lata dahil binawasan na sila hahaha.
32 comments
Saraaap bhe nyan😋 kaloka ang bilihin ngayun no? pataas lahat😔
😋 Yunmy. Sarap nyan kaibigan.
Oo sis nakain ako niyan pinapapak ko pa nga yan basta may kalamansi at sibuyas...nag adjust na lang sis kaya maliliit na laman at unti na lang grabe talaga.
Nagmahal na nga sis nagbawas pa, hirap na talaga ngayon.
Sarap yan sis, ang mahal na mga bilihin at tama rin minsan mag tipid din para sa savings. good afternoon sis
Sarap nyan sis, mabilis pa iluto .
Ay totoo yan sis, minsan mabibigla ka na lang na ang llit ng laman minsan durog pa. 🤣
Hahaha nagulat nga ako kanina sis akala ko Naiwan lang sa loob ng Lata, tinaktak ko pa hahaha
Taktak is real hahha
Sarap naman nyan sis. Simple ngunit nakakabusog.
Korek sis madali pang lutuin
Sarap nman sis! ☺
Masarap nga po Yan sis simple at masarap na ulam happy Tummy sis
This looks very yummy, my friend. May I have some😊
Yeah of course my friend 😊
Sarap nga nyan sis
Totoo yan ung mga ganyng pagkain madaling lutuin pero masarap ang mahalaga may ulam ka na kakainin
Baka lata nlng yung ninabayaran sa sardinas? Mukhang sweet and sour ung ulam ah pero iba pla 😁
Hahaha sardinas pala
Kaya nga bigla akong natakan ng chinese food kanina
Konti na lang laman ng ligo kaya 555 ang aming binibili.
Mega ito sis nagulat ako sa laman
Napakasarap nito sis. Minsan nagluluto ako nito. Super sarap. 🤤
Oo nga pansin ko pati laman ng sardinas tinipid na. Dati 7 pcs pa ang isda. Ngayon limang piraso na lang tapos nagtaas pa ng konti ang price. Sana ibalik nila sa dati yung laman pag medyo makaluwag naman sa presyo ng ingredients. Buti na yung hinaluan ng itlog.pambawi na lang para dumami ang laman.
Sana sis dina binawasan ang laman kasi nagmahal naman ang presyo
Tortang sardinas... Ulam ng masa
sarap ah kmi din mejo matagal parang mag crave ako bigla eto nalang din kaya ulamin namin mamaya
Go sis luto kanarin hehe
Baka binawalan na din sila sis magsiksikan simula ng nag ka covid hahaha....joke lang sis paborito ko iyan sis
Parang gusto kong magluto niyan bukas, agahan ko.hehe nag crave sa sardinas eh.
Pakunti n ng pakunti ung laman no sis.. Tas ngmahal pa
ui yummy nman nyan