Knock down si Tinderella😅 Diko kinaya ang pagod pagdating namin kanina galing sa pamimili ng mga paninda, natulog talaga ako pagdating namin kaya gang ngayon nasa kolong kolong parin ang aking pinamili. Magandang hapon po, kagigising ko lang, sobrang nakakapagod talaga ang mamili. Nakakaubos ng lakas, kaya kailngan mag recharge. Ipinagtimpla ako ng kape ng bunsuan ko pagkagising ko at may nabili kami kaninang donut kaya ito may pang meryenda, pambalik ng lakas. Kayo po anong snacks nyo?
26 comments
Wow ang taray Namn po sis kadame po nyan more benta po sis
Sadyang dinadamihan ko na sis para sa isang Linggong paninda, Sunday lang kasi ako pwedeng ipag drive ng hubby ko.
Sa Dami ng pinsmili mo ibig lang sabihin maganda ang takbo ng negosyo mo . Iba talaga pag maraming suki na mamimili. Nagpapautang ka rin ba?
Opo mabili kasi dito samin, matao. Kahapon lang ang laki ng benta ko naka 11k ako, kaya kailangan mamili once a week. Yes po sis, nagpapa utang ako pero 1 week lang.
Sa sobrang dami niyan sis talagang mapapagod ka maigi din yang nakapagpahinga ka.
Kaya nga sis, halos ikot ko kasi buong palengke kaya sobrang nakakapagod, buti at naipahinga ko kanina kaya eto pwede na mag ayos ng paninda. Magandang hapon sayo sis ☺️
May tindahan ka pala friend Godbless your store nawa palaguin pa ng Diyos ang iyong negosyo same po tayo kaso mga school supply lang akin at mga laruan ng bata
Meron din ako school supply sis at mga laruan, mag add kanarin ng paninda sis mas mainam kapag marami tinda. Add lang ng add kahit paunti unti. God bless din sayo sis salamat😊
Dami 🥰 blessings blessings
Oo sis 😍
Naubusan ka ng pagod sis sa sobrang dami ng iyong pinamili
Oo sis nakakaubos talaga ng lakas, dagdag pa ang malayong byahe.
Naku ingat ka lagi sis ko bawal maabuso ang katawan
Ang dami mong paninda ah malaking bagay yan lalo na paonti onti bumabalil na sa normal ang galw ng tao kaya mapaparami ang benta mo, mamaya aayusin mo na yan
Kaya nga po buti nalang balik normal na ang lahat kaya makakabawi na talaga ng benta Start napo ako mag ayos habang nagtitinda rin at the same time
Relate sissy parang nauubos Ang lakas talaga kapag namili. . Burger Naman Ang merienda namin ngayon
Yan ang tunay sis kaya kailangan talaga malakas ang katawan lagi para sa ating tindahan.
Mukhang pinakyaw nyo na yung lahat ng tinda sa grocery hahaha.
Ang dami sis. 🥰
Super blessed sis 😍
I'm happy for you sis. 🥰
Puno na naman ang tindahan mo sis. Pabili po.
Kumikitang pangkabuhayan sis Padami ng padami ang paninda mo. Nextime grocery nyan..
Ang dami naman niyan sis hehe. Pang kabuhayang showcase na yan a hahah
wow sis umaapaw ang blessings mo daming paninda , for sure ubos yan for this coming week lalo at mag holiday ng nov.1
wow dami hehehe.