Ito yung oras na madalang ang bumibili, kaya talaga namang aantukin ka habang bantay ng tindahan. Antok na antok ako pero ayokong matulog, nanghihinayang kasi ako sa benta. Kaya nag iisip ako ng mapaglilibangan, nakita ko itong polvoron at barnuts bigla akong natakam, matagal tagal na kasing diko to nakakain. Sino po ang may gusto? Pili na at kuha na :)
Coz today is Friday, It's Monggo day Ayan nakapagluto na ako ng monggo, Ito ang aming ulam ng aking bunsuan mamayang lunch time, syempre ang matitira ay pang hapunan narin naming buong mag Anak. Isang lutuan na, para makatipid sa gasul. Speaking of gasul, kakaubos lang nito kanina habang nilalaga ko ang monggo,kaya need ko si kapitbahay hehe, nakiluto muna ako sakanila buti nalang at nalaga muna ang monggo bago tuluyang maubos ang laman ng gasul. Kaya Iginisa ko nalang sa…
Bistek Tagalog Kung ito ay tawagin, pwede rin Pork steak 😁 Maaga ko itong iniluto kanina, mga alas tres ng hapon, yun kasi yung time na madalang pa ang bumibili kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na yun. Pag tungtong kasi ng alas singko, dagsa na ang mga bumibili,sigurado hindi ko na maisisingit ang pagluluto. Kapag may tindahan ka, ikaw talaga ang mag aadjust 😁 Btw Magandang gabi po sa lahat, nag dinner Naba kayo? Kami ngayon palang. Tara at tikman ang aking Nilutong…
Dahil madalang pa ang bumibili, lumabas ako ng gate namin at nakita ko May pinagkakaguluhan sa Kanto malapit samin, ang daming taong nakapaikot, syempre umarya ang pagka marites ko, Dali Dali kong sinara ang gate at nagpunta ako sa Kanto, balak ko Maki isyoso, pagdating ko sa umpukan, langya akala ko Kung ano na, fishball lang pala ang pinagkakaguluhan Nila, may nanlibre kasi sa mga kabataan kaya ayun nag uunahan silang tumusok ng fishball 😄 May nakapansin sakin na nakatayo…
Drinking coffee while waiting a customer's 😁 Kanina pa ako kapeng kape, pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon. Sa dami ng gawain sa Umaga, Pati pag kape ay diko na magawa. Pahinga muna, mamaya ulit raratsada si inday sa mga gawain. Ito lang din yung kainaman sa malapit ang negosyo, pwede mo Isabay ang paglilinis ng bahay. Thanks God talaga at nagkaroon ako ng tindahan, napakalaking tulong talaga nito samin. Kaya kapag may pagkakataon na magkakaroon ka ng pagkakakitaan,…
Bisyo Isa sa dahilan Kung bakit napakaraming mahihirap dito sa ating Bansa. Tila ba tinanggap na sa kanilang sarili na Hanggang Doon nalang talaga sila. Si Mael ay aking kapitbahay, sya ay aking suki. May sampong Anak, ang iba ay may mga asawa na,nasa limang taon palang ang bunso. Labandera naman ang kanyang asawa. Masisipag naman silang mag hanap buhay, ngunit kinakapos parin sila sa pagkain dahil sa kanilang Bisyo. Si Mael ay mahilig sa alak, kahit kagigising palang ay…
Minsan ang katotohanan mahirap sabihin. Kahit hindi ikaw ang may gawa, pero ikaw ang nasa mahirap na sitwasyon. Dimo alam Kung ito ba ay dapat sabihin o sarilinin nalang. Sa tuwing may pagsusulit, ito ay paulit ulit na nangyayari, kaya patuloy na nababahala Kung ano ba dapat ang gawin. Di maiwasan na ito ay hindi makita, pagkat nasa iyong tabi lamang. Dapat bang ipaalam na o hayaan nalang kahit alam mong Mali ito? #Cheating
Lahat Tayo ay may kanya kanyang paniniwala. Kung iba man ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba, irespeto nalang ang bawat paniniwalang meron tayo. Hindi mo pwedeng ipilit sa iba Kung anuman ang iyong pinaniniwalaan,dahil tayo ay may kanya kanyang isip at karapatan Kung anuman ang ating gustong gawin at paniwalaan. Kung anuman ang iniisip mo,Tara ikape nalang natin yan 😅 Wag masyadong pa stress bhoy,simple lang ang buhay kailangan lagi tayong masaya. 😊
A pleasant morning my noise.app family!😊😘 Have you eaten your breakfast yet? Today we have a delicious left over Pork adobo for our breakfast and of course with a best tasting cup of hot coffee. It is a beautiful gift from God to have this food and this day with my family complete. Let's eat :) Happy weekend 😊
Happy Lunch time noise.app Fam❤️ Tapos napo kami mag lunch, eto tamang pahinga muna, tambay muna dito. Flex ko lamang po pala itong pasalubong kagabi ni hubby, Chicken Empanada Ito ang dahilan kaya Napa no rice ako kagabi hehe, halos maubos ko ang kalahating bilang ng empanada, ang sarap kasi talaga. Nakakabusog sya kaya nag decide na akong dina mag rice, sapat na sa Akin ang nakain kong empanada. Enjoy your lunch po
Makulimlim na Umaga Masama man ang panahon ngayon dahil sa bagyong May May, si Haring Araw ay pilit paring lumilitaw,ngunit sa kapal ng ulap Tila ito ay mahihirapan. Wala pa namang ulan,ngunit Simula kahapon kanselado na ang pasok sa eskwelahan. Para sa Akin mas mainam naman talagang nasa bahay nalang ang mga bata kapag may ganitong bagyo. Stay safe po May bagyo nanaman. Ingat po tayong lahat. Magandang Umaga :)
Dama ang pag iisa Sa tuwing may pasok ang mga bata, damang dama ko talaga ang pag iisa, mag isang kumakain, walang kausap, tahimik ang bahay. Minsan naiisip ko,pano na kaya kapag may kanya kanya nang pamilya ang aking mga Anak,yung madalang na silang makadalaw sa bahay dahil sa may kanya kanya narin silang tahanan, nakakalungkot Lalo. Sabi nga Nila, Gano man kadami ang iyong mga Anak, kayong mag asawa lang talaga ang mag sasama dahil darating ang panahon na magkakaroon na…
Jellatin Sa tuwing gagawa ako at kakain nitong jellatin ay may naaalala ako, ang aming kahirapan nuong ako ay bata pa. Makakatikim lang kami nitong jellatin kapag kami ay makikikain sa kasalan, Madalas Kung saan may handaan ay nanduon kami, mapa pyesta man o kasalan. Minsan kasi wala kaming makain kaya kahit saang handaan ay nanduon kami, NaTatandaan ko pa,lagi akong karay karay ng aking tatay sa handaan. Tandang tanda ko pa, nagpunta kami sa kasalan ng aking tatay,nakatitig…
Sa Jabee iba ang Saya 😀 Ganito kami, kapag may pagkakataon hinding hindi palalampasin. Sinundo namin ang aming unica sa kanilang school kanina at nagtuloy kami sa Walter Mart, Ibinili namin ng regalo ang kanyang adviser dahil malapit na ang kaarawan nito. Namili narin kami ng iba pang mga gamit ng aming mga anak, andaming itinuro ng aming bunsuan hehe. Iba talaga kapag si Jabee ang kasama, jan po kami Naghapunan kanina, solb nanaman ang mga kidos.
Kapatid Anuman ang mangyari, ang kapatid ay kapatid parin. Sa totoo lang, may tampo or galit ako sa isa kong kapatid na sumunod sakin, Kung pagsalitaan nya kasi ng masasakit ang aming Nanay ay ganun ganun nalang. Gat maaari Sana ayaw ko muna sya makita, ayaw ko muna sya makausap kasi masama parin ang loob ko sakanya. Pero ang aking kapatid una namang nakikipag usap, di ako makaiwas kasi bumibili sya. Kailangan ko Siya kausapin at pag bentahan. Pagkatapos nya bumili, hindi pa…
Magandang buhay mga ka noise.app:) Ang larawang inyong nakikita ay kuha kanina nang aking Anak na panganay, walang iba kundi ang aking Unica ija. Kuha po nya yan habang nasa daan sila ng daddy nya papasok sa school at sa opisina naman ang daddy nya. Maulap, Makulimlim ang panahon, ngunit pilit na lumalabas si Haring Araw. Umaasa akong Pamaya Maya ay sisikat din si Haring Araw. Magandang Umaga po mga kaingay, musta po panahon jan senyo?
Sweet and Sour Tofu Ako ang nagluto nyan, sinisipag magluto eh. Mahilig ako sa matamis na pagkain kaya naisipan kong magluto nitong sweet and sour tofu. Sa murang halaga, may especial kanang pagkain. Lakas maka sosyal 😄 Mga pampalasa nyan, kutob kutob lang haha. Ulam Sana namin yan, ngalang nung natikman na ng aking mga Anak, ayun pinapak na. Matagal ko na balak magluto nito, ngayon lang natuloy, sulit naman at talaga namang Napakasarap. Try nyo rin mga kaingay:)
Takip Silim Flexing My Daughter's Photography Maagap ang Buwan, papadilim palang pero anjan na sya agad, handa nang magbigay liwanag sa papadilim na kapaligiran para sa atin. Habang ako ay nagluluto, si unica muna ang pinagbantay ko sa tindahan, diko alam na habang wala palang bumibili, kumakalap na sya ng Magandang tanawin sa kalangitan. Pagbalik ko sa tindahan, bungad agad ng aking Anak, mommy ang ganda ng mga kuha ko ipasa ko sayo,i post mo sa noise. Nakakatuwa lang,Pati…
Family is Love Family is Priority I love my Family Kapag may pagkakataon, hindi talaga namin ito pinapalampas. Kahapon hindi na nakapasok ng trabaho si hubby dahil sa kakulangan ng tulog dahil sa ilang araw nang O. T sa trabaho. Hinayaan ko lang syang matulog gang tanghali, paggising nya ay nag Aya syang kumain sa labas. Kapag may pagkakataon na ganito, yung kumpleto kaming mag Anak, hindi namin ito palalampasin na hindi nakakapag bonding.kahit ilang oras lang basta…
Dahil wala paring pasok ang mga bata,kasama ko sila ngayon sa bahay. Ibig sabihin may makakatulong ako sa ibang mga gawain, hindi ako masyadong mapapagod. Habang kami ay kumakain kanina, nasabi ko sa aking mga Anak na ang energy ng aking katawan ngayon ay nasa 30 % nalang, dahil halos araw araw ay puyat ako at pagod. Ang sagot ng aking Unica, mommy pahinga kana muna, matulog ka at ako na muna ang magtitinda,kaya Ayan sya, sya ang bantay ngayon sa aming tindahan. Kaysarap…
Ilang bagyo man ang Dumaan, Magdilim man ang kapaligiran, Ngiti sa mga labi ay di mapupukaw. Tuloy parin ang buhay:) Darating at darating ang bagong umaga, At muling magliliwanag, Babangon at Babangon parin,at muling maninindigan. Bangon Novo Ecijano
Money Tree Sabi Nila swerte daw ito kapag nagkaroon ng pitong dahon, lagi kong inaabangan ang bagong usbong nito, gang ngayon wala pang lumalabas na pitong dahon:D Sabi ni Chinkee Tan, "Huwag umasa sa Swerte" Tama nga naman, wag tayong umasa sa swerte,bagkus ay magsikap at mag tyaga tayo upang ating buhay ay maiahon sa kahirapan. Ipinanganak man tayong mahirap, kayang kaya natin itong baguhin sa pamamagitan ng ating pagsisikap at diterminasyon. Tuloy lang, Laban lang sa…
Ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang nga Anak ay walang makapapantay. Malaking pagkakamali ang sinabi ng isang guro sa Akin nung ako ay nasa Principal Office, Ang pag aalala ko daw sa aking Anak ay Doble pa daw ng kanilang pag aalala, umalma ako dito. Para sa Akin ay walang makapapantay sa pag aalala ko sa aking mga Anak, lahat ay kaya kong gawin para sakanila. Kung talagang sila ay nag aalala sa aking Anak nuong ito ay makainom ng juice na Nilagyan ng alcohol ng kaklase,…
Sun Rise Kayganda ng bukang Liwayway Nagpapahiwatig ng Magandang buhay Anuman ang iyong pinagdadaanan, laging isipin na may bagong umaga na darating para sa panibagong buhay. Bagong umaga, bagong pag asa. Happy Monday everyone :) Good morning
Hello po Magandang Hapon