read.cash Log in

@Mitchi

Joined 9 September 2022 · 115 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Mitchi

Magandang gabi mga frend Busy nanaman ang tinderella, Kadadating ko lang galing pamimili ng paninda. Hapon na kasi kaming nagpuntang bayan kaya Ayan ginabi na nang dating, o Sadyang madali lang talaga Magdilim ang kapaligiran ngayon hehe. Btw, dinner time na, kumain napo ba kayo? Kami hindi pa, pagdating kasi namin ng hubby ko, tsaka lang kami nagluto,kaya Pamaya Maya pa kami makakakain nyan. Eat well po sa mga kumakain, Magandang gabi po :)

@Mitchi

Desserts Magkaibang flavor ng ice cream para sa aming dalawang Anak, Ibinili sila ng kanilang Daddy ng ice cream, reward Nila dahil pareho silang with honors. Kay bunsuan yung cookies and cream, at Kay ate naman ang Pistachio and cashew Syempre makikitikim narin ako sakanila hehe. Katatapos lang po pala naming mag hapunan kaya eto kain naman ng pang himagas na ice cream. Tara po magpalamig tayo 😁

@Mitchi

Chicken Tinola for lunch Late tanghalian mga frend, nalibang ako sa mga gawain kaya Ayan ngayon lang makakapag lunch. Chicken Tinola ang niluto ko Request ito ng aking bunsuan, kagabi pa nya ito sinasabi sakin, matagal nadaw kasi ako di nagluluto nito,namimis nadaw nya ulamin, kaya Ayan ang ulam namin ngayon, basta anak ang nag request, sigurado aprubado hehe. Kain po tayo

@Mitchi

Good morning everyone Pagkatapos ko magluto, nagbukas na ako ng tindahan at napatingala sa langit, namangha sa kagandahan nito. Mukhang maganda ang maghapon ngayon, walang chance ng pag ulan. Sakto at araw ng palaba ko ng mga kumot at punda. Gising na mga frend, Tara na magpainit ng sikmura, Kape kape na β˜•

@Mitchi

Pagkatapos igayak sa pag pasok ang aking mag aama, tindahan naman ang aking inasikaso at sa wakas natapos din ang pag aayos ko dito sa tindahan, pwede na mag almusal hehe. Left over Garlic Buttered Shrimp Nagluto ako nyan kagabi ng half kilo, para sa aming dalawang Anak, akala ko kaya nilang ubusin, dahil kapag 1/4 lang niluluto ko ay nagkukulang kaya 1/2 niluto ko, di naman naubos kaya eto Gawing almusal. Magandang Umaga mga kaibigan, nag almusal naba ang lahat? Tara napo kain na muna tayo bago Ituloy ulit ang mga gawain. Tara let's eat po :)

@Mitchi

Kambal na bahaghari Flexing My unica ija photography Kuha nya po yan kahapon sa kanilang school, kwento nya ay pinagkaguluhan ng kapwa nya istudyante ang kambal na bahaghari,kaya nakigulo narin sya haha. Napa picture narin sya dahil naalala daw nya ang noise.cash, ipapa post daw nya sakin 😁 Diko naman naipost kahapon dahil sa dami ng inasikaso ko. Buti nagkaroon ng pagkakataon na maipost ko ngayon. Btw Magandang hapon po, kumusta na kayo?

@Mitchi

Good evening everyone Kumusta po kayo? Ilang araw ding pasilip silip lang ako dito, daming ganap sa buhay ko, masaya at malungkot. Ganun talaga ang buhay, kasama ang lungkot at saya. Btw namalengke pala ako kanina,nagulat ako at napakaraming namimili, ayan tagal ko nag waiting sa counter,, Akin po yang tatlong push cart sa hulihan,madami dami nanaman akong aayusin, nakakatuwa lang kasi habang nag aayos ako ay Nabibili na yung ibang pinamili ko,ibig sabihin nito ay mababawi ko agad yung ibang puhunan ko. Dinner time na pala, ano po ulam nyo? Kami tinapa, may naglako kanina kaya ayun nakabili ako. Tara po kain tayo 😊

@Mitchi

Dahil gang ngayon walang dumadagdag sa ipon ko, Napa scroll ako sa gallery ko. Namis ko yung dating kitaan, sana bumalik nalang sa dati 😁 Gang sa alaala kanalang ba πŸ₯Ί

@Mitchi

My late lunch Pork Adobo and kimchi Hinatid ko muna sa school ang aking bunsuan gamit ang aking tribike, bago ako mag lunch. Kaya eto late na ang aking tanghalian. Sino papo di kumakain jan? Tara po kain na tayo, masarap itong kimchi, nabili ko sa pure gold nung Lunes. Namis ko ang pagkaing ito πŸ˜‹ Itadaikimasu minnasan

@Mitchi

Yung may sarili karing pangangailangan, kaya panay ang kayod mo kahit na minsan sumusuko na ang katawan mo sa pagod at puyat, tapos Umagang Umaga ganito ang matatanggap mong mensahe πŸ˜… Yung antagal nyo nang hindi nagkikita at nagkaka usap manlang, tapos biglang maaalala kang i chat, tapos ganito pa,haaaay. Take note, hindi sya nag iisa, dalawa pa sila. What a coincidence naman hahahaha

@Mitchi

Ayuda ni kapitbahay Ibat ibang uri ng puto, pansit at Shanghai. Makakalibre ka talaga ng meryenda kapag may pa bday si kapitbahay 😁 Tamang tama snack time na, magtitimpla nalang ako ng kape para kumpleto. Tara po meryenda na tayo

@Mitchi

Nakakaantok na sandali Eto yung isa sa sakripisyo kapag may tindahan ka, gusto mong matulog pero di pwede, Lalo na kapag madaming bumibili.Kaya tiis nalang para malaki ang benta 😁 Buti nalang may naglako ng fishball, bumili ako Para mawala ang antok ko Lalo na at maanghang ang sauce na kinuha ko, sabi Nila pampawala daw ng antok ang sili kaya Subukan kong kainin yung sili dito sa Sawsawan hehe. Tara po kain tayong fish ball.

@Mitchi

Magandang hapon aking mga kaibigan Kadadating ko lang, namili ulit ako ng mga paninda ko dito sa aking sari sari store. Nakakapagod man, pero nakakatuwa kasi ang bilis kong makaubos ng paninda. Masarap talaga magpagod kapag ganitong mabilis ang ikot ng puhunan, lumalabas agad ang kita. Sana mag tuloy tuloy ito, basta magsisipag lang at magtityaga ako dito para sa Aking mga anak/pamilya. Kumusta kayo? Pasensya napo Kung madalang ako makasilip dito, sobrang busy lang dito sa tindahan at sa mga gawaing bahay, halos kulang ang oras sa maghapon para sa mga obligasyon na dapat gawin.

@Mitchi

Tortang Pork Giniling Yan po pala inulam namin kanina, Dahil tantiya ko ay kukulangin, nagbukas nalang kami ng isang delatang century Tuna. Kaya ayun, akala ko kukulangin yung ulam naming Tortang giniling,hindi pala, may natira pang dalawa hehe. Nakaramdam ako ng gutom kaya yung natirang dalawa ay gagawin ko nang midnight snacks πŸ˜„ Puyaters nanaman si aling tinderella, nag lista pa kasi ako ng mga paninda na kailangan nang bilhin, palengke days ko bukas. Magandang Umaga Po, kumusta po kayo? Sleep well po sa mga natutulog na 😁

@Mitchi

Tupig for late snacks Familiar po ba kayo sa uri ng Suman na ito? Tinawag kong Suman kasi nakabalot sa dahon ng saging hehe. Sumang inihaw ito, na ang tawag dito samin ay tupig. Karaniwang Nabibili sa Pangasinan. Pero meron narin dito sa bayan ng San Jose N. E. Pasalubong ito ng aking bunsong kapatid. Masarap ito sa kape kaya kahit mainit ang panahon, Tara po magkape 😁

@Mitchi

Inihaw na kalamansi para sa makating lalamunan, para sa iniihit ng ubo. Pagka ihaw, katasin ito at ipainom ng Medyo mainit init pa para humagod sa lalamunan,yan po ginagawa sakin ng Nanay ko nung ako ay bata pa. Nagising akong bigla, siguro may narinig akong ingay, kaya bumangon ako at nakita ko sa kusina ang unica ko nakaupo at Umiinom ng maligamgam na tubig. Di daw sya makatulog at ubo sya ng ubo. Nag isip ako Kung ano ba ang magagawa ko Para matulungan ko ang Anak ko naisip ko ang inihaw na kalamansi, kaya agad kong kinuha ang susi at at ako ay nagtungo sa aming tindahan, naghanap ako sa ref ng kalamansi,Napa thanks pa ako at meron akong nakita. Kaya inihaw ko at ipinainom ko ang katas sa aking Anak, awa ng Diyos umepekto naman, nawala ang pag ubo nya ng pag ubo kaya ayun nakatulog na sya ulit. May oras pa para matulog kaya balik akong higaan at matutulog na ulit. Good night po ☺️😴

@Mitchi

Yung Hanggang ngayon diparin bumibitiw, Hanggang ngayon ay umaasa parin, na ikaw ay manunumbalik sa dati #noise.cash Sadyang tinira ko yan sa ft ko, souvenir ba 😁 Pero di nawawala ang pag asa na baka minsan Pagbukas ko may madagdag hehe. Hanggat anjan ang noise.cash, diparin nawawalan ng pag asa 😁 Kayo po ba, Nagtira din ba kayo?

@Mitchi

Pork Sinigang Namis ko ang sinigang na may taba, lagi kasing pork ribs ang sinisigang ko kaya ngayon ay eto naman mataba. Masarap kasi itong Isawsaw sa patis na maraming sili Sino mahilig sa taba? Ako kasi mahilig sa taba hihi, Lalo na yung minatamisang taba Nakakamis makikain sa kasalan, hindi kasi nawawala ang minatamisang taba dun hehe. Maagang tanghalian mga ka friendship, Nagkape at pandesal lang kasi ako kanina. Ramdam na ang gutom, mauna na akong kumain sa bunsuan ko, Pamaya Maya pa kasi yun uuwi galing school. Tara po kain tayo 😊

@Mitchi

Yummy Kalamay Craving satisfied to bhie😁 bigla akong nag crave nito kanina, tamang Tama pupunta palang palengke si Nanay kaya ayun nagpabili ako. Wag na nating pagtagalin ito bhie,Arat na πŸ˜„

@Mitchi

Kain tayo guys, Sapsap at daing na pusit galing LA Union, Kung saan nag team building sila hubby ko. Yan po ulam namin, sukang may sili ang aming Sawsawan. Kamayan nato 😁 Arat na!

@Mitchi

Rock salt and Pop corn repacking Busy parin gang ngayon ang inyong tinderella, dipa rin tapos ang pag aayos ko ng paninda at eto nag rerepack ako ng asin at Pop corn. Lahat ng pwedeng Itinda karirin na 😁 Kailangan ko mag Doble kayod, may sinalihan kasi akong paluwagan,malaki laki ito Sana kayanin ko hehe. Musta maghapon nyo aking mga ka friendship, Yenda time na pala, kape lang sakin. Kayo ano meryenda?

@Mitchi

May bukas pa πŸ˜… Kahit ramdam pa ang pagod, nag ayos ako ng mga pinamili kong paninda. Di kasi pwedeng ipagpabukas ang iba at baka langgamin. May aayusin pa ako bukas, inuna ko lang ayusin yung mga pwedeng langgamin. Nga pala, Andami kong nabili na may free. May libreng kape at tinapay para Kay tinderella 😁eto yung gaganahan kang mamili kapag may mga free. Kahit marami pa akong stock na mga canton ay Napabili ulit ako dahil sa mga free na yan. Madali lang kasi maubos kapag may mga free na ganyan, kaya grab the opportunity hehe sigurado Pagbalik ko next week ay ubos na ang mga iyan. Magandang gabi po pala, may gising paba? Wala pa pong pasok bukas kaya pwede magpuyat πŸ˜…

@Mitchi

Bagong Paninda Ayan nakapamili nanaman ang tinderella, kayod lang ng kayod habang may lakas πŸ˜… Kahit Sobrang nakakapagod talaga, Laban lang. Minsan ang isip ay palaban,pero ang katawan dina sumasabay sa isip, sumusuko hehe. Pagdating ko kanina, namahinga ako ayun nakatulog ako sa pagod. Btw Magandang hapon po Ano snack natin jan 😁

@Mitchi

Pasalubong 😍 Fresh from Riyadh Dumating ang ate ko from Riyadh, ayan mga bigay nyang pasalubong para samin. Tuwang tuwa ang mga bata dito, daming chocolate. Sino po may gusto, pili na hehe. Pinaka gusto ko Jan ay Toblerone. Sakto, wala akong mameryenda ngayon, pwede natong chocolate hihi. Kuha napo sa may gusto. 😁

@Mitchi

Monggo day Masarap at tipid na ulam ang monggo. Sa halagang 100 pesos marami nang makakakain. Dahil araw ng palaba ko ngayon, nagluto ako ng dalawang supot nito para madami, Sinahugan ko lang ng chicharon baboy at Nilagyan ng Pork cubes para malasa. Para kumpleto, nilagyan ko rin ng dahon ng ampalaya at siling Green. Ready na ang masustansyang ulam. Hintayin ko lang ang bunsuan ko Para may kasabay akong kakain. Kayo po anong niluto nyong ulam?

@Mitchi

Good morning everyone ☺️ Yun nga maaga kaming gumising ni hubby, nag alarm kami ng 4am. Ngayon kasi ang team building Nila,5:30am dapat nasa opisina na sila kaya paggising namin init agad ng pagkain at kumain na sya, pagkatapos naligo na. Sa ngayon ay nagmamaneho na sya papuntang opisina. Mainam na yung maagap, kesa sa naghahabol ng oras. Btw Magandang Umaga po, gising narin po ba kayo? Pagka alis ni hubby, eto balik ako sa higaan, maaga pa naman hehe. Pero Pamaya Maya Babangon na ako, magbubukas na ng tindahan. :)

@Mitchi

Sabi nga Nila, Daig daw ng maagap ang taong masipag. Kaya eto ako ngayon, nagsasaing na pang bukas πŸ˜… Sasama kasi sa team building ang hubby ko bukas , sabiko kumain muna bago umalis para di sya magutom. Ayoko naman gumising ng sobrang aga para magsaing, kaya ngayon palang nagsaing na ako habang dipa ako natutulog. Merong tirang ulam kanina, adobong ribs, kaya iinit nalang bukas. Oh Diba dina ako masyadong matataranta bukas ng madaling araw , chilax nalang kasi naka ready na ang pagkain hihi. Magandang gabi po :)

@Mitchi

Good morning! Good morning! Magandang Umaga po ☺️ Kayganda ng panahon ngayon, kasing ganda ng bulaklak ng aking mga bougainvillea. Sa dami ng gawain ko, diko na naaasikaso ang aking mga halaman, buti nalang palaban sila kaya Ayan namumulaklak na hihi. Ganyan din dapat tayong mga Nanay, kahit minsan gusto nang sumuko, pilitin parin nating lumaban para sa ating Pamilya Lalo na sa ating mga anak.

@Mitchi

Kung kaylan gabi na tsaka sasabihin, kailangan Labhan ang dalawang pantalon at bag nya. Kaya pagkasara ko ng tindahan ng 9:30, tuloy ako sa paglaba nito, binabad ko muna ng mga kalahating oras, at habang binababad ko nagtungo ako sa Pangalawang task ko ang mag hugas ng mga pinag kainan. Pagkatapos ko mag hugas, naglaba na ako at pagkatapos ko maglaba gumawa naman ako ng yelo,18 pcs. Lang naman Kaya saglit lang. Napagod din ako dun, kaya mamahinga muna ako bago matulog, naisipan kong magtimpla ng kape, at nakita ko itong durog na rebisco crackers, diko na tinitinda kapag durog kaya kesa masayang kainin ko nalang πŸ˜…may tatlong durog pa dito, sigurado ako lang uubos nyan pero hindi ngayon, sa ibang araw naman haha. Buhay Nanay, daming gampanin. Tulog na mag aama ko, ako eto nanginginain pa haha. Tara po kape tayo

@Mitchi

Kapag walang maiulam, Punta lang sa Hardin at dito maraming pwedeng maiulam, bukod sa Libre na ay sariwa pa. May talbos ng kamote, talbos ng Alukbati at dahon ng malunggay. Diko na napuntahan ang mga ito, dahil una kong napuntahan ang talungan at dito na ako nahumaling sa dami ng bunga at kaygaganda pa. Pumitas lang ako ng anim, sakto lang para sa aming hapunan. Ano bang masarap na luto dito? Syempre torta 😁 Magandang gabi po Tara po magluto na