Yung may sarili karing pangangailangan, kaya panay ang kayod mo kahit na minsan sumusuko na ang katawan mo sa pagod at puyat, tapos Umagang Umaga ganito ang matatanggap mong mensahe 😅 Yung antagal nyo nang hindi nagkikita at nagkaka usap manlang, tapos biglang maaalala kang i chat, tapos ganito pa,haaaay. Take note, hindi sya nag iisa, dalawa pa sila. What a coincidence naman hahahaha
33 comments
Ahaha ang ganda ng bungad sayo sis.Ayan yung makakaalala lang pag may kailangan.Kaya bihira na ko mag open ng fb ko😂
Grabe nga sis, yung wala na nga tayong natatanggap dito, ilang araw na. Tapos ganito pa matatanggap kong almusal hahaha
Years na rin ako di nag ffb, toxic na siya.
Dito na lang tayo sa noise wala pang nakakakilala haha.
Tama mate
Relate sis, yung todo kayod ka para may ipang tustos ka sa araw araw na gastusin tapos may manghihiram sayo na kita mo naman na ang sarap ng tambay nila araw araw, ay jusko ako nga na hikain nagpupursige kumita ng pera para hindi umasa sa iba
Yun na nga sis eh,kaya minsan naiisip ko napaka unfair.Ako kulang na kulang sa tulog dahil sa pagpupuyat ko sa tindahan para kumita, tapos sila kumpleto tulog Nila 😂
Oo nga sis, ako nga sakit ng likod inaabot ko sa pananahi maghapon, sila todo hilata sa higaan sa katamaram🤣
Hahaha sarap buhay Nila sis 😅😂
Nakooo, pera related. Mabigat sa damdamin yan. Haha
Hahaha tumpak sissy, Kay aga aga ganito ang bumungad sakin.
Sali ako. Wait! Hello mitchi kamusta na? Baka nmn me time ka? Hingi sana ako ng durig durog na biscuit pang baon ko lang sa sports fest ssama kasi parents eh baka magutom ako kakanood 🤣 Nasanay ata sila sa lista? Mapapaisip ka pa tuloy kung anong irreply tapos ikaw pa magguilty pag d napahiram ano?
Naku sis diko nga agad na reply an, diko alam ang isasagot ko. Nakakakunsensya ring hindi sagutin kaya sabiko in a nice way, wala rin akong extra ngayon😁 Yung isa ang Dikopa talaga narereplayan. Madami pa dito biscuit na durog sis hahaha
Nako sana wala ng magtx sayo ulit ng gnyn pagkatapos mong repkyan ung 2nd. Napapaisip ka pa tuloy
Ignore them. Or just say " Sorry, may gastusin din kami". Ganun lng, no need to explain or elaborate. Ganbatte ne!
Doumo arigatou sis ❤️
hahahha kaloka may ganyan din akong expirience sis sa dalawa kong classmate nun HS ako jusko lord dekada na di nagkakaita mag cchat lang para mangutang wow nalang ako ay hehe
Meron pala talagang ganyan sis hahaha
HALA uu sis madami nako nako, yun pinsan ko nga sangkatutak ang pautang palibhasa nasa abroad, pero ni hindi malang sya makamusta ha kaloka, mga di nadin nag sipagbayad
Kaya ako yung mga malapit sa akin kinukumusta ko kahit d ako uutang haha.
Hahaha mas mainam ngang mangumusta sis ng walang kailangan
Ignore mo na lang ahahaha. Baka mamaya di naman yung may account ang kausap mo dyan. Pero sagutin mo din na need mo din ng pera. May pinapaaral ka din naman.
Nireplayan ko po yung isa,sabiko wala rin akong extra money. Yung Pangalawa po na nang hihingi ng pamasko diko alam ang sasabihin ko 😂
Sabihin mo sa isa pag nakaluwag ka na lang ahaha.😁
Wow, siguro highblood ako umaga pa lang. Pero sa totoo lang akala lang iba purket may pera ka sarap ng buhay mo. Hindi nila alam na ang dami mong pinuhunang pagod. At hindi nila makita yun.
Kaya nga sis, kaya may Pera kasi nagsisikap kahit pagod pagod na ang katawan. Akala Nila easy money lang, pero pagod at puyat puhunan natin jan 😁
True, ganyan nararanasan ko, ginagawa akong utangan sis, huhuhu, makita lang na may order ako benta dun sisingit. Sa isip ko, aba nag extra ako para may kita ako hindi para ipahiram sa iba. Sana pala tumunganga na lang ako, di pa ako napagod.
Wala naman problema kung may manghihiram kung sobra2 ka na. Haay buhay may talagang ganon maalala ka lang pag gipit sila
Wala ngang pang sobra sobra mate, eto nga at nagtitiyaga akong magtinda para makaipon para sa pag aaral ng mga Anak.
Oo nga tama yan, hay naku basubukan ko na yan magpautang, na stress ako at sila pa matatapang.
alam kasi nila bigtimeka na daw hihihi
Hahaha dahil yan sa pagsisipag ko 😁
Yan yung mga tipo na di na nagbabalik ng utang dedma ka ulit pag nakahiram na hahahahaa