read.cash Log in
@Mitchi

Inihaw na kalamansi para sa makating lalamunan, para sa iniihit ng ubo. Pagka ihaw, katasin ito at ipainom ng Medyo mainit init pa para humagod sa lalamunan,yan po ginagawa sakin ng Nanay ko nung ako ay bata pa. Nagising akong bigla, siguro may narinig akong ingay, kaya bumangon ako at nakita ko sa kusina ang unica ko nakaupo at Umiinom ng maligamgam na tubig. Di daw sya makatulog at ubo sya ng ubo. Nag isip ako Kung ano ba ang magagawa ko Para matulungan ko ang Anak ko naisip ko ang inihaw na kalamansi, kaya agad kong kinuha ang susi at at ako ay nagtungo sa aming tindahan, naghanap ako sa ref ng kalamansi,Napa thanks pa ako at meron akong nakita. Kaya inihaw ko at ipinainom ko ang katas sa aking Anak, awa ng Diyos umepekto naman, nawala ang pag ubo nya ng pag ubo kaya ayun nakatulog na sya ulit. May oras pa para matulog kaya balik akong higaan at matutulog na ulit. Good night po ☺️😴

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.