Kung kaylan gabi na tsaka sasabihin, kailangan Labhan ang dalawang pantalon at bag nya. Kaya pagkasara ko ng tindahan ng 9:30, tuloy ako sa paglaba nito, binabad ko muna ng mga kalahating oras, at habang binababad ko nagtungo ako sa Pangalawang task ko ang mag hugas ng mga pinag kainan. Pagkatapos ko mag hugas, naglaba na ako at pagkatapos ko maglaba gumawa naman ako ng yelo,18 pcs. Lang naman Kaya saglit lang. Napagod din ako dun, kaya mamahinga muna ako bago matulog, naisipan kong magtimpla ng kape, at nakita ko itong durog na rebisco crackers, diko na tinitinda kapag durog kaya kesa masayang kainin ko nalang 😅may tatlong durog pa dito, sigurado ako lang uubos nyan pero hindi ngayon, sa ibang araw naman haha. Buhay Nanay, daming gampanin. Tulog na mag aama ko, ako eto nanginginain pa haha. Tara po kape tayo
22 comments
Do you wash clothes at night dear.😁
Yeah your right dear 😅 So tired but still happy 😄
😀 I hope it doesn't rain tonight dear.😅
Cheers sa kape sis ngkakape din ako
Cheers sissy 😁🥂
Ang sipag mo naman sis.
Kailangan sis😁
God bless you sis. 😇
I guess it is night over there. Am I right?
Yes your right :)
Malabo ma matuyo yan kung umaga pa gagamitin ok lang sana kung tanghali matutuyo pa
Hehe sipag naman ni mommy. Khit gabing gabi naglalaba pa..
Naku sis, Kung di lang kailangan, diko lalabhan yan haha Kakapagod, napuyat ako 😅
Haha 9:30 ba naman sis. Buti kung 8pm..
Ang gampanin talaga buhay Ng nanay sis, mabuti sis nakakatulong Ka kaagad kape bago matulog hehe. Good morning sis
Daming gampanin sis buti malakas ang katawan. Immune na ata ako sa kape sis kaya Pampatulog ko na sya 😁
Anong oras kana nakatulog sis?
1 am na sis, gumising ako 4:30 😅
naku super kulang na talaga ang tulog. ako past 11 din ata nakatulog kagabi
Mahirap.pala pag maraming nadurog na biscuits dami mo rin uubusin hihi. Dami mong work. Ako hugas lang ng plato pagod na waaa
Hahaha hirap nga sis ng taga ubos ng durog na biscuits😅
Kaya nga, baka pag ako yan hinalonko nlng sa hot choco at mahirap nga kumain ng durog hihi