Ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang nga Anak ay walang makapapantay. Malaking pagkakamali ang sinabi ng isang guro sa Akin nung ako ay nasa Principal Office, Ang pag aalala ko daw sa aking Anak ay Doble pa daw ng kanilang pag aalala, umalma ako dito. Para sa Akin ay walang makapapantay sa pag aalala ko sa aking mga Anak, lahat ay kaya kong gawin para sakanila. Kung talagang sila ay nag aalala sa aking Anak nuong ito ay makainom ng juice na Nilagyan ng alcohol ng kaklase, sana meron silang ginawa na kahit na Anumang paunang Lunas, pero wala silang ginawa. Kaya hindi Nila madodoble ang pag aalala ko sa aking mga Anak. Kapag naaalala ko ang nangyari, diko maiwasang sumama ang loob sa guro ng aking Anak. Katwiran nya kaya di nya ako natawagan agad at ipa alam ang nangyari, hindi nadaw nya ako naalala.
10 comments
Sorry to hear what happened to your kid sis. And I agree na walang makakapantay sa pag aalala ng isang Ina para sa mga anak. Dapat ikaw ang unang kinontak nung may nangyari sa anak mo. Sana okay na sya ngayon.
Yun nga ang ikinagagalit ko talga sis, hindi manlang ako tinawagan ng Guro. Hindi manlang ipinaalam sakin ang nangyari sa Anak ko. Buti nalang nagsumbong pa Anak ko pag uwi.
May intension sila na ayaw ipaalam sayo sis,dahil kung nagkataon pwede masira school nila dahil sa kapabayaan
Kailan nangyari Yan sis, nakakatakot naman yon, paano nya masasabi yon sayo, hindi naman sila ang nagkuwal sa anak mo, walang kapantay ang pagmamahal ng magulang sa kanyang anak
Sis Yong BCH address mo, di mo pa ba na add?
Hindi pa sis hehe, later siguro sis
Naku sis,nakakainis ang guro na yan ah,dapat ikaw ang una makaalam noon,baka kaya hindi nila ipinaalam agad dahil natatakot sila sa kapabayaan nila,atsaka paanong ngkaroon ng alcohol sa school at nahawakan pa ng bata,doon palang may kapabayaan na sila
Mula nung magka pandemya sis pinagdadala na mga bata ng alcohol. Sinadya ng batang lagyan ng alcohol yung buko juice nya sis, tsaka inialok sa ka klase. Nagkataon namang Anak ko ang nag taas ng kamay ayun sya ang nakainom.
Napakapilyo o pilyang bata naman yun,sa murang edad nakaisip siya ng hindi magandang gawain
Nako po very wrong ito sis. Mabuti lang sana kung pinalo lang ng kklase ang bata, pero ung lagyan ng alcohol ang inumin ng anak mo ay nako nakakainit ng dugo..