read.cash Log in
@Mitchi more from that month

Dama ang pag iisa Sa tuwing may pasok ang mga bata, damang dama ko talaga ang pag iisa, mag isang kumakain, walang kausap, tahimik ang bahay. Minsan naiisip ko,pano na kaya kapag may kanya kanya nang pamilya ang aking mga Anak,yung madalang na silang makadalaw sa bahay dahil sa may kanya kanya narin silang tahanan, nakakalungkot Lalo. Sabi nga Nila, Gano man kadami ang iyong mga Anak, kayong mag asawa lang talaga ang mag sasama dahil darating ang panahon na magkakaroon na nang sariling pamilya ang mga Anak. Yung ibang mga Magulang, kinakalimutan pa ng ibang Anak, anuman ang dahilan, nakakaawa ang mga Magulang na nagungilila sa kanilang mga Anak.

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.