Ito yung oras na madalang ang bumibili, kaya talaga namang aantukin ka habang bantay ng tindahan. Antok na antok ako pero ayokong matulog, nanghihinayang kasi ako sa benta. Kaya nag iisip ako ng mapaglilibangan, nakita ko itong polvoron at barnuts bigla akong natakam, matagal tagal na kasing diko to nakakain. Sino po ang may gusto? Pili na at kuha na :)
18 comments
kapag ganyang ors lagyn mo sa haraan mo na magssleep ka muna para kahit papanao makaag pahinga ka tutal ikaw na din angsbi na wala gaano bibili kapag ganyang oras
Meron din po paisa isang bumibili,Sayang din kasi.
Pahingi hihi! ganyan din ako sis diko sinasara kahit saglit para matulog lang, sayang kasi.
Hehe yan tayo sis eh, Negosyante talaga. Sayang naman kasi talaga. Minsan nagsara ako, 4pm na ako nagising, laking panghihinyang ko talaga.
Pahingi po sis. Matagal na rin akong di nakakain nyan.
Nakakamis din syang kainin sis.
Mine polboron sis hehe
Yours na po sis haha.
Yong aking eyes din parang may glue ahaha
Gusto ko yung polvoron. Bawal Kasi sa akin Ang may nuts. Kaya lang yung polvoron Ngayon Ang nipis na. Di gaya dati Ang kapal. Pero in fairness same taste pa rin. Sabagay Lahat Naman Kasi nagmahal. Piso pa rin ba isa ng polvoron.
Ito yung paborito ko nung bata pa ako sis. 🤤
Gusto ko po yung polvoron..
Favorite snack hahaha sarap kumain nyan sis pag bored
Barnuts please. Hehe
Ang tamis haha.
Pwedeng both sis? Pareho kong gusto eh hehe
Last kain ko nyan friend nung nag wowork pa ako sa Jbc factory na yan pati polvoron almost 11yrs.na pala at dalaga pa ako noon hehe malinis po na gawa yan at makina lahat walang kamay na ginamit dyan pwera pa repack hehe
Barnuts lang sa akin sis hehe. Gandang gabi.