Ang Kabiguan sa Tagumpay ng Pag-ibig
Noong una kang mahagkan,
Nasa hardin ng kalikasan.
Ako’y napabaling sa busilak mong kaanyuan
Naantig ang isipa’t pakiramdam.
Ika’y naiiba sa mga rosas kong nadaanan
Ang halimuyak mo’y natatangi, naiiba’t espesyal.
Ang iba may’ iba’t-iba ang kulay,
Ngunit, pare-pareho ding amoy ang taglay.
Ipinunta ka sa munti’t simple kong bakuran,
Araw-araw na dinidiligan at inaalagaan.
Ang ugat ma’y binusog ko ng mga pataba,
Ligaw na damo ay aking pinagtatanggal.
Bulaklak na labis kong inalagaan,
Gabi’t araw ito’y nais masilayan.
Sa init, ulan o bagayo man hindi kita pinabayaan,
Lahat ng sakuna’y taos puso kong nilabanan.
Bukang liwayway ay dumungaw na,
Ako’y handa nang pitasin bulaklak na naiiba.
Ngunit anong lakin gulat ang sumambulat,
Nang bulaklak ay nakabagsak.
Insekto na ang naunang pumitas,
Sakanya, ulan ay bumagsak,
Pero hindi na ito nakaabot pa.
Pati ang bakod ay tuluyan nang tumaob.
Ang bulaklak ay nalanta’t natuyo na,
Ang dating halimuyak ay sumangsang at amoy bulok na!
At ang lupa ay natigang na,
Parang ayaw nang tubuan kailanman.
Oh! Bulaklak sa gitna ng gubat,
Sana, halimuyak mo’y aking muling malanghap!
Ganda nito. Tagos sa pusot kaluluwa. Galing mo pom