Ang Kabiguan Sa Tagumpay ng Pag-Ibig

5 15

Ang Kabiguan sa Tagumpay ng Pag-ibig

Noong una kang mahagkan,

Nasa hardin ng kalikasan.

Ako’y napabaling sa busilak mong kaanyuan

Naantig ang isipa’t pakiramdam.

Ika’y naiiba sa mga rosas kong nadaanan

Ang halimuyak mo’y natatangi, naiiba’t espesyal.

Ang iba may’ iba’t-iba ang kulay,

Ngunit, pare-pareho ding amoy ang taglay.

Ipinunta ka sa munti’t simple kong bakuran,

Araw-araw na dinidiligan at inaalagaan.

Ang ugat ma’y binusog ko ng mga pataba,

Ligaw na damo ay aking pinagtatanggal.

Bulaklak na labis kong inalagaan,

Gabi’t araw ito’y nais masilayan.

Sa init, ulan o bagayo man hindi kita pinabayaan,

Lahat ng sakuna’y taos puso kong nilabanan.

Bukang liwayway ay dumungaw na,

Ako’y handa nang pitasin bulaklak na naiiba.

Ngunit anong lakin gulat ang sumambulat,

Nang bulaklak ay nakabagsak.

Insekto na ang naunang pumitas,

Sakanya, ulan ay bumagsak,

Pero hindi na ito nakaabot pa.

Pati ang bakod ay tuluyan nang tumaob.

Ang bulaklak ay nalanta’t natuyo na,

Ang dating halimuyak ay sumangsang at amoy bulok na!

At ang lupa ay natigang na,

Parang ayaw nang tubuan kailanman.

Oh! Bulaklak sa gitna ng gubat,

Sana, halimuyak mo’y aking muling malanghap!

8
$ 0.00
Sponsors of MisterWrite
empty
empty
empty

Comments

Ganda nito. Tagos sa pusot kaluluwa. Galing mo pom

$ 0.00
4 years ago

Sarap naman pong basahin ng tula mo lalo na po at about sa bulaklak mahilig po kasi ako sa bulaklak . Keep writing lang po . Kahit pi medyo maliit yong points baka po biglang tumaas yong points ganun po kasi si read.cash pag alam niyang active ka medyo mataas yong points na binibigay hihi . Keep writing and more earnings po sa inyo . Let's support one another na subscribe na po kita hihi beke nemen

$ 0.00
4 years ago

Wow..kakatuwa naman that someone likes my poem. 😇 I already subscribed back Ms. Eyeesdee. 😇

$ 0.00
4 years ago

More earnings din Po sayo Mis. 😇

$ 0.00
4 years ago

Hay sarap nmn pakinggan ng tula

$ 0.00
4 years ago

Thaaank Youu. 😇

$ 0.00
4 years ago

Medjo di ko kinere yung tittle. benese ko neleng ang imong tula para etey aking ma gets. Nice work dear.

Make more of it. Dehel akey wele neng mesabi pa etoy e aking sesebihin mi meaebe leang. Alam mo nemen ah beke di mo pele elem.

$ 0.00
4 years ago

Hahaha. 😂

$ 0.00
4 years ago

Title palang, sobrang cathy na. Hahahah nice poem tho. Ano kayang inspiration mo dito? Keep on writing po!

$ 0.00
4 years ago

Haha yung Crush ko dating nakuha na ng iba hahahaha

$ 0.00
4 years ago

Napakagandang tula, Malalim ang salita ngunit kung itoy iyong iintindihin, napakaganda NG nilalaman NG bawat salita, Ngunit nakakalungkot ding isipin na ang nakasanayan Mo ay bigla na lamang mawawala at kahit hanapin mo pa itoy hindi mo na makita, at umaasa na sana ay muling matagpuan kahit walang kasiguraduhan.

$ 0.00
4 years ago

😍

$ 0.00
4 years ago

Thaaaank youu ka read.cash! 😇

$ 0.00
4 years ago