Paano ka?

4 69

021822

Love. Baby. Babe. Beh. Bibi. Mahal. Pangga. HONEY. Ano pa tawag nyo sa mga jowa o asawa nyo? Paano kayo maglambing? Paano sya maglambing? Paano sya magalit? Paano ka magalit?

Pagusapan natin ng konti. Tagalog muna mga frii. Alam ko namang wala pa akong foreigner na subscriber :)

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Ano pa tawag nyo sa mga jowa o asawa nyo?

Honey. Wala lang, kasi para asawa pakinggan hahahaha! Pinagusapan namin din yun nung naging magjowa kami pero di ko matandaan bakit nagsettle kami sa honey. Basta feeling ko lang kasi sya na makakasama ko habang buhay and Honey sounds like tawagan ng magasawa sa tenga ko.

Paano kayo maglambing?

Ako? Nangaasar ako. HAHAHAHAHAHA! Malakas ako mangasar. Minsan di ako titigil hanggang di ko napipikon jowa ko. Trip ko mampikon ng tao lalo na sa jowa ko. Sa asawa ko.. hmmmm vocal ako, nanghihingi ako ng lambing. Okaya inaasar ko din saka ko sya lalambingin.

Paano sya maglambing?

Sa totoo lang di sya malambing, di din sya masyado naglalambing. Yayakap na lang bigla, tapos biglang magaapologize out of the blue kahit di naman kami nagaaway. Madalas din sya magthank you sa akin ng bigla, lalo na kapag nasa work sya tapos alam nyang napapagod o nahihirapan ako sa pagalaga sa anak namin. So ayun, ganun sya maglambing. hihi.

Paano sya magalit?

Tahimik pero nagdadabog, hindi naman yung super dabog na dabog na tila maninira, hindi naman ganun. Yung dabog na nagiinarte tapos di ako kakausapin.

Paano ka magalit?

Masalita ako minsan, pero pag mas masalita ako masmabilis nawawala galit ko. Pero kapag galit na galit ako, kabahan na sya kapag tumatahimik ako.

Paano kami nagkakabati?

Syempre nagsosorry. Hihi, buti na lang marunong kami magsorry sa isa't isa. Hindi porket mas tama sya or ako, magmamatigas na kami. Nope, ke tama sya or ako, kapag naramdaman namin na magkakasamaan kami ng loob may isang magsosorry samin regardless kung sino nagumpisa ng away, kung sino ang tama o mali.

Importante sa relasyon yung may nagpapakumbaba. Pano mo ituturo sa anak mo yung mga bagay na dapat nyang matutunan kung hindi mo kayang gawin.

Ay, isa pang way kung pano kami nagkakabati eh nagiinvite kami mag ML (Mobile Legends) hahahahah!

Bonding namin?

Mobile Legends tska Call of duty nung buntis pa ko. Kaya no wonder kung bakit gusto ng action movies ng anak ko bilang pampatulog nya. Di ako makalaro ng maayos ng COD sa phone kaya sa pc ako naglalaro tapos nakavoice chat pa kami ng asawa ko. HAHAHHAA.

Sa totoo lang namiss ko na makabonding ang asawa ko. Pero mukang di pa namin magagawa ulit yun dahil may maliit na makulit hihi.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Mga mars, lods, friends, sis. Alam ko mejo walanv sense ang mga post ko pero lulubusin ko lang habang andito ang asawa ko hahahaha.

Nakakabitin yung 1month sya di nakauwi ts ilang araw lang sya makapagstay kaya bawat minuto ay oras ay susulitin muna namin. More chika na lanv muna later.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Isang question ang iiwan ko sa inyo.

Paano nyo nagagawang linising ang notifications nyo dito?

Hahahaha tambak na yung sakin ng buwan. Huhubels eh.

3
$ 0.35
$ 0.33 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @alicecalope
$ 0.01 from @CryptoEd0
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Can't relate po hahaha sana ol may honey chariz, hahaha modern bonding na talaga mobile games hahaha pansin ko lang

$ 0.01
2 years ago

HAHAHAHAHAHA. Kasi online bonding lang talaga magagawa namin lalo na pag nasa work sya.

$ 0.00
2 years ago

ako eh super sweet akong tao pero nagbago dahil wala eh di na rin sweet sa akin ang asawa ko sweet lang siya pg my kailangang alam mo na.Sabi nga ng ex ko dati I am sweet annoying.namiss ko tuloy maging sweet.anyway bb pala tawagan namin ni hubby bukog and baboy.kaya bb

$ 0.00
2 years ago

Try mo nagpakasweet ulit sis lalo na pagikaw naman may kailangan ahahahaha. Teka ano pala yung bukog?

$ 0.00
2 years ago