Online generation

10 31

COVID-19 pandemic, how did it start? How did it spread? What should we do now? 2020 became an online generation. The pandemic crippled the people in ways that we didn't imagine. How did we handle it? How did the kids and students handle it?

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

I woke up early, pumped milk. I used a manual pump kasi mas mabilis daw makadrain. Di kasi ako nagising ng madaling araw to powerpump so I rushed pumped na lang. Nabadtrip lang ako kasi.....

Grrrrr.

Yung 3oz na namanual pump ko naging 1oz na lang. I don't know if dahil sa puyat ba yan or ewaaaaan. So para maibsan ung pagkainis ko sa sarili ko, as soon as I put little b to sleep again di nako nakatulog naglaba na lang ako ng cloth diapers nya.

When I do laundry, kelangan may naririnig ako. Either music, tv series na pinapanuod ko, vlogs or podcast.

I only follow 2 or 3 podcast channels sa Spotify. Sa totoo lang di ko trip ang podcasts dati, mas prefer ko vlogs or something na may napapanuod pero since nanganak ako wala akong time manuod. Buti na lang nagstart na nag podcast si Wil Dasovich hahahhaa.

Mejo saglit lang ang podcasts nya kaya madalas nabibitin ako sa pakikinig, then I saw the Payaman Insider podcast and payaman talks. By the way, Team Payaman eh mga tropapips ni Cong Tv. Wala lang natutuwa lang ako pakinggan sila kasi sa humor nila. Ganun dn kasi humor ng mga kasama ko dati lalo na nung college, madalas puro lalaki kasama ko nun kaya naging bardagul na dn ako magsalita. Minsan nagugulat nga asawa ko hahahaha.

Anyway, I was listening to their podcast, Online Class while doing the laundry. Well it's been a year since naglockdown and hindi nakakapagschooling ang mga bata. Lahat ngayon work, business, even classes online na. Nakapagadjust na ang mga tao sa online life. Ang mga students kaya?

Nakakatuwa yung iba't ibang point of view mixed with witty kalokohan nila. Wala lang natuwa lang ako hahaha. Here are also some topics na napagusapan:

Choosing a course in college

Mahirap mamili ng course. Minsan napipilitwn sa gusto ng magulang. Kadalasan dito ung mga course na madaling makakuha ng trabaho. Minsan naman peer presure. Minsan kasi yun ung madali na course. Here are some of their advise nga pala:

  • If you plan or your dream is to put up a business in the future, take a business related course - why? Kasi most Filipinos or students plan to graduate college para makapagwork and the put up their own business. Their point is, why not take a business course instead if dun mo talaga gusto pumunta sa business side in the future.

  • Peer pressure - minsan may mga kaibigan tayong clingy at gusto pa dn magkakasama hanggang college which is not ideal kasi hindi naman lahat pareparehas ng interes.

  • Choose a course na related or at least you're passionate about. If you plan to work in a company, tapos you'll do the same task everyday it becomes habitual or routine, mahihirapan ka or di mo magugustuhan kapag katagalan. Unlike kapag passion mo yung ginagawa mo, kahit ilang beses mo ulit ulitin sa araw araw kayang kaya mo gawin. (They actually have a valid point there)

Bulakbol

Oh sino dito yung nakapagbulakbol kahit konti. Haahha ako aminado ako, madami pero hihi. Secret. Osige na nga, madalas ako nagbubulakbol nung nagkajowa nako. Madalas cut ng classes nung college, kain tambay with jowa or with tropa, bisyo ganern.

Oy! I am not encouraging students to do this ha. I am just sharing my experience.

Wala talagang naitutulong sa pagaaral ang pagbubulakbol. Bukod sa sayang ang perang pinapabaon satin, sayang dn ang oras na wala tayong ginagawa. Masaya, oo, enjoy kasama ang friends, oo. Pero late mo na lang minsan marerealize na sna pala hindi ako gumanito gumanyan.

Napagusapan din nila yung online bulakbol. Hahahha. Since online classes ngayon nakakaburyo ng ilang oras ka sa kwarto at nakaharap sa pc or gadget. May iba na masipag na maglagay ng picture na kunyari nakikinig sila or minsan video pa. At least naipakita nila ang skills nila kahit konti hahaha. Pero wala pa dn yan sa face to face bulakbol. Chaaaar.

Challenges

Totoo yung sinabi nila na minsan may mga nasasamahan tayong mga maling tao o 'KAIBIGAN'.

Ano nga ba definition ng kaibigan sayo?

Minsan kasi may mga tropa tayong BI (bad influence). Totoo yon, tayo naman minsan hindi makahindi so sunod tayo sa gusto nila. May mga taong magnneutralize ng kalokohan attitude natin. Katulad nung example nila na si Junnieboy and Boss Keng, si Junnieboy ung bulakbol pero si Boss keng ung nagtutulak kay Junnieboy na tapusin ang dapat tapusin bago magbulakbol and vice versa. Hahahaha natawa ako dun sa vice versa, gets nyo na yon!

Basta kelangan natin maging mapanuri sa lahat ng bagay, pati na din sa kaibigan.

Finishing a degree

Nakakatuwa yung mga sinabi nila dito sa totoo lang. Andaming nagsasabi na yung mga subjects na pinagaralan nung highschool or college di naman nagagamit sa pangaraw araw na buhay. Totoo naman yan in a way, kaya nga if kukuha ka ng kurso sa college mas okay na sa area ng passion mo para magamit mo dn sa field natatahakin mo in the future so walang sayang.

Hindi dn lahat ng nakapagtapos eh nagiging successful or yumayaman. Depende to lagi sa scenario. May mga ibang tao na walang means financially to finish a degree pero madiskarte. Instead of continuing their studies, they work very hard para maging successful. Isang point dn na nila is wag natin sayangin ung chance na makapagaral. Kahit may edad na, kung kaya pa magaral at makakapagaral, gawin natin. Why? Kasi bukod sa magiging stepping stone mo to sa future, isa dn to sa mga pangarap ng bawat magulang. Regardless kung ang kinuha mong kurso eh gusto mo o gusto nila. Iba ang saya ng mga magulang kapag nakakapagpatapos sila ng anak. Isa dn kasi yun sa maibibigay nila para mas magandang kinabukasan mo.

Hindi lahat ng tao may kapasidad na makapagaral o makapagparal. Kaya habang may nagpapaaral or pampaaral wag natin sayangin ang chance.

Closing

Natutuwa lang ako sa Team Payaman kaya ko nishare to. Nakakabilib dn sila. Andami pa nilang nabanggit, kaya kung may time kayo wag kayong mahiyang makinig dn sa Payaman Insider (Team Payaman).

Masaya pa dn magklase ng face to face kasi ibang challenge ang dulot nito. Charooot!

5
$ 1.92
$ 1.84 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Momentswithmatti
$ 0.03 from @Marinov
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Sis anong hitsure nung manual pump?

$ 0.00
3 years ago
$ 0.00
3 years ago

Sige mamsh papanuorin ko. Ilang days pwede e store sa ref ang na pump na at pano yun malamig diba

$ 0.00
3 years ago

Course ko po family line haha engineer po every generation hahah kaso ako na bulakbol at walang balak mag seryoso pero napilitan na itake ang engineering course kaya eto po tamang pag titino gusto ko kasi talaga med course pero ayaw ng fam hahaha

$ 0.00
3 years ago

Minsan hindi dn talaga maiiwasan dahil syempre sila gumagastos huhuhu pero kaya mo yan go pa dn!!!

$ 0.00
3 years ago

cool.. di na ako nakakalisten ng podcast... buntis pa ata ako nung last na podcast na narinig ko...

$ 0.00
3 years ago

Sino pinakikinggan mo na podcast mamsh? Bka mabet ko dn hihihihi

$ 0.00
3 years ago

christian podcasts lang momsh..hehe

$ 0.00
3 years ago

Yung course ko yung papa ko namili. Okay naman na aaply ko pero gusto ko talaga related sa arts.

$ 0.00
3 years ago

Maswerte ka po! May ibang parents kasi na gusto kunin na course ung may malaking sahod sa trabaho or madaling makakuha, katulad ng nursing hahahaha. Ako kung ano lang meron na pwede ko kunin kinuha ko na lang hahaha

$ 0.00
3 years ago