Maximizing Time Together - Side Date eskandalo
031822
Uy, may tumakas ng date nung isang araw hahahaha! Hindi ko alam pero ang feeling ko tumakas kami ng date, kaming mag-asawa. Ay teka pasensya na English na naman ang title ko pero tagalog na naman ako. Tagalog posting muna tayo kasi mejo busy kami lately and para mas mabilis kong matapos tong article na to at antok na antok nako. hahahha
Sequel lang naman to nang lakad naman nung isang araw nung kumuha kami ng Postal ID. If bored kayo, tignan nyo na lang to 'Maximizing Time Together - Postal ID edition'
Ngayon share ko lang yung side date takas namin.
By the way, sabi ko kay husband na since nakauwi sya this week magcelebrate na lang kami ng first wedding anniversary namin kasi may pasok sya at di sya makakauwi sa araw ng anniv namin mismo. Pumayag naman sya and at the same time nagsorry din sya kasi di kami makapagcelebrate.
Ayun, after namin sa Post Office sabi ko meryenda muna kami kahit saan kasi gutom na naman ang lola nyo. Pero dahil may nakita kaming cute na background na pwedeng magpapicture before kami umalis sa post office nagpicture muna kami dun sa may dinosaurs hihi
Since maaraw at mainet, sabi ko kay husband kain kami dun malapit sa Highschool ko dati kasi may Razons dun na nakainan din namin 2 years ago. While walking, nakita namin bigla na di pala sya Razons, Rodics pala magkakulay and halos parehas ng font kasi sa logo. Pero di kami kumain doon hahhahaah! Dun kami sa tabi na nun pumasok and kulit kasi ng name tska natuwa si husband kapangalan daw ni Lil B.
Pagkapasok, maganda naman ang ambiance and malinis. Okay din ang tables and chairs plus, kami lang yung andoon hahaha. Binigyan kami ng menu....
Tinignan ang price, napalunok ako ng konting laway HAHAHAHAHA! Sabi ko kay husband, 'Hon kunyari Anniv date nalang natin to ha' HAHAHA! Ayun syempre wala na kaming nagawa kasi andun na kami sa loob. Nagorder n lang kami while waiting kami sa food, nagpicture muna kami kasama si Lil B syempre.
Nakakatuwa kasi ang likot at ang daldal ni Lil B while andun kami. Syempre di ko naman makakalimutan na magdala din ng snacks niya.
Waiting pa kami ng ilang minutes and picture then, dumating na ang food. Nagulat kami, kasi ang dami ng serving. I was expecting na konti ang serving nya as in yung serving na kulang pa para sa isang tao ganern, pero NO, enough na sya for 2 people which made the price reasonable naman. Masarap din sya infairness kaya worth it naman ang pagkain namin doon. Before we started eating, biglang bumuhos yung ulan sa labas at buti na lang nasa loob na kami ng kainan. Good thing that we decided to eat dun kasi baka inabutan kami ng ulan while bitbit namin si Lil B.
While we were eating, nakakatuwa kasi pati yung mga staff dun naririnig kung gaano kaingay si Lil B and ginagaya nila so sumasagot naman yung anak namin kapag naririnig nya. Lagi na lang syang napapansin kung saan saan and sabi nung nagserve samin na buti di sya iyakin. Well, di naman talaga sya iyakin unless gutom or antok na, pero maingay sya hahahha! Either dadaldalin ka nya or sisigaw sya para makuha atensyon mo. Pagpasensyahan nyo na si Lil B, di pa nya alam ang concept ng paghina at paglakas ng boses.
Hindi na kami nag madaling kumain kasi kami lang naman yung andun. Ayaw din matulog ni Lil B kapag nasa labas naooverwhelm ata sa kakaibang surroundings kaya kahit antok na antok na sya, pinipilit pa din dumilat.
Nagdiscuss din kami about sa plans namin, regarding Lil B's birthday, binyag, san kami magsettle and pano, etc. Isa talaga sa goal namin eh yung maging magkakasama kami.
Honestly, I envy those families who are together. I know that I shouldn't think about it that way, I guess I wasn't just used to it. We are already working on our situation so the three of us can be together, Lil B is growing fast and I can see the twinkle in her eyes whenever she sees her father home. :)
Ayun lang sinulit namin ang mga araw syempre kahit puyat ang lola mo magalaga ng asawa at anak. Magkaiba pala yun, ngayon lng nagsink in sakin na iba ang pagiging asawa sa pagiging ina. Magshare ako ng thoughts about that dn nakadraft lang hahahahaha.
Share ko lang dn yng cuteness ng anak kong madaldal hahahhaa!
Saya namn nyang date na yarn, cute ni haby manang mana sa parents ah.