How Happy are You?
08.27.22
I love being in love. I love being happy. I love how love brings a lot of things to someone else's life. How is your heart doing?
Special thanks to
@Jijisaur for renewing your sponsorship. huehue!
Teka Saturday pala today. It's time to take a break sa english, magtagalog muna tayez.
Mejo matagal tagal na din since nakapagsulat ako ng prompt. Nakita ko na naman to sa saved articles ko Let's go deeper! Q&A by @BreadChamp.
Take advantage ko muna while sleep ang litol madam.
Taralets!
Have you had your heart broken before? How did it happen?
OO.
So many times. Niloko, nanloko at kinatamaran sa pagmamahal. Iba't ibang rason. Pero yung pinaka hindi ko makalimutan eh yung, sinukuan ako ng hindi ko alam kung bakit. Yung sinukuan ako sa pagiging ako lang. Yung sinukuan ako kasi kelangan ko ng opinyon nya, kelangan ko ng tulong sa desisyon sa buhay tapos sasabihan akong 'ikaw nga di mo alam gagawin mo, wala ka namang ginagawa tapos tatanungin mo ko'.
What was the most important lesson you’ve learned from your past relationship?
May mga taong sa una lang talaga magaling. Hindi basehan ang tagal ng panliligaw or tagal ng relasyon.
How important is trust in a relationship?
Super important. Lagi nating sinasabi na kapag may lamat na ang tiwala, mahirap na ibalik. Kaya dapat di mo sinisira ang tiwala ng partner mo or kahit na kung sino sa buhay mo. Dapat gawing pundasyon ang tiwala. Dapat parehas kayong nagtitiwala.
What would you do for the people you love?
Hindi ko sasabihin na gagawin ko lahat dahil mahal ko sila pero gagawin ko yung mga bagay na kaya kong gawin sa abot ng aking makakaya.
Mahirap mangako, pero yung mga bagay na simple at effort lang ang puhunan madaling maibigay. Yung oras ang pinaimportante. Yung pagaalala sa tao. Yung effort na makita at makasama ka. Bonus na lang ung ibang pwedeng maibigay.
How would you spend your remaining time if you found out you only had 10 days left to live?
Kahit gustuhin ko na magawa lahat at maenjoy ang ang natitirang 10days ko sa mundo, baka mas masaktan pa yung mga taong mahal ko. Siguro enough na sakin yung makasama ko sila na parang normal na araw lang na may bonus na konting special lang from me. Yung memories na gusto kong maiwan eh yung parang araw araw lang nila akong kasama.
How happy are you right now?
Kung irarate ko from 1-10, I'm between 8 to 10. Syempre may times na feeling ko parang di ako masaya kasi di ko nagagawa yung mga bagay na nagagawa ko dati. Hindi naman tayo pwede maging selfish, pero naniniwala ako na may araw ulit na magagawa ko yung mga bagay na nagagawa ko dati.
Ang puso ko? Hindi ko matatanggi na masaya ako at magkakasama kami ng asawa ko. Yung araw araw na kami nagkakasama at hindi na less than a week sa isang buwan.
Kahit mas napapagod ako dahil ako lang magisa nagbabantay sa anak namin, di ko maikakaila na busog na busog ang puso ko.
Ikaw ba gaano kabusog ang pppppppppuso mo?
Lead image from unsplash
Closing banner edited from toonme.com
Pictures posted are mine unless stated.
Laby olz!!!
I can say that I am happy right now, but of course, we cannot be happy all the time. In my past 9 years of being in a relationship, I'm also happy and feel blessed for being with him all the time. God bless your family po! God bless your family po.