Hey Shopee, why???
060322
Why Shopee? Are you to blame? Did the pandemic hit you hard too?
Ay since it's Friday today, tagalog muna tayo ulit. Alam kong may iba sa inyo na gumagaan ang feeling kapag nakakabasa ng tagalog kaya every Friday magtatagalog ako. HAHAHAHHA!
Bakit ako nagtatampo kay Shopee? Kasi may bagong pautot na naman sya at di sya nakakatuwa. Bakit? Kasi usapang additional fees na naman to.
Uunahan ko na kayo, alam kong hindi dapat sisihin si Shopee pero masakit pa dn 💔💔. Halfway na tayo ng 2022 at halos nagiging normal na ulit ang lahat, pero andaming changes dn sa Shopee app.
Magbanggit tayo ng ilan:
Free shipping voucher and discount voucher or cashback voucher, hindi na pwedeng gamitin ng sabay
SLoan launch
Pwede na magtransfer from ShopeePay to Gcash without additional charges
Admin fee on Gcash or other e-wallets cash in
Ay yan lang yung naalala ko while writing this, pero if may alam kayong ibang changes pa don't hesitate to share sa comments below. :)
Vouchers na sabay gagamitin.
Anyway, natanggap ng karamihan na hindi na pwedeng gamitin yung FS (free shipping) at DV (discount voucher) ng sabay. Pero wag magalala, sandamakmak pa dn ang sale sa Shopee. Hintay lang tayo ng Payday sale at monthly sale.
Wag nyo dn kakalimutan na umorder sa mga stores na may coins cashback. Just in case kasi na kulangin kayo at may Shopeecoins kayo, pwede nyo na din itake advantage yun para macompensate yung shipping fee.
Wag natin kalimutan pasalamatan si Shopee sa ginhawa at tipid na naitulong nito. Bukod sa nakatipid na tayo sa pamasahe, hindi na tayo mapapagod lumabas. Kaya if may konting shipping fee ay di na tayo dapat kelangan magreklamo.
SLoan
Nakakaloka tong SLoan na to, hindi pa ata sapat yung SPayLater hahahah pero okay din to for emergency if kelangan mo ng cash talaga. Check out my article here, https://read.cash/@Micontingsabit/you-cant-make-me-use-you-976a1804
Send money to other E-wallets
Nakakatuwa na walang charge yung pagtransfer ng money from ShopeePay to Gcash or Paymaya. Kaya kung may extrang laman yung Shopeepay nyo, pwede nyo na ilagay sa Gcash at real time naman sya nattransfer.
Additional fees on cash-in
Ayun na nga mga bes! Naloka ako nung nakita ko sa isang FB group na sinalihan ko. May nagshare doon na nung nagtry sya magCash-in sa ShoppePay thru Gcash, nagkaroon na ng admin fee. Kalokaaaa!
So heto ako ngayon magsshare ng konting detalye na nakita ko regarding this. Inexplore ko ang ibang Cash-In options sa ShopeePay na pwede kong itry at ito ang aking napagalaman.
Mayroong ilang E-wallets na may admin fee or let's say most of E-wallets ngayon may admin fee na.
Bank accounts and debit cards can be linked sa Shopee account na pwedeng magamit for cash-in with no charge.
May ibang payment options din with no charge
Pero itu yung natry ko kanina.
As you can see, may admin fee na sya. I tried transferring sa Gcash or Coinsph. Unfortunately, cash-in using both e-wallets ay may admin fee na. :(
Pero wag mag-alala, makakapagcash-in pa din tayo kay Gcash. Kelangan mo nga lang ng Gcash card (prepaid or debit card)
Based on the picture above, I tried to use yung debit card ko from BDO and Gcash. Nakalink na both cards ko dati pa kasi minsan yun ang ginagamit ko pambayad instead of ShopeePay.
Matatake advantage mo din ang free cash-in kapag nakalink ang BPI or UnionBank account mo.
Reminder: ingat sa paggamit ng debit cards lalo na if savings account mo yun. Kasi possible na mahack. Don't worry, as far as I know ang debit card ng BPI cannot be used for online purchase unless activated or you need to request for a prepaid card na pwede mong magamit online for security purposes din.
Anyway, mayroon pang ibang way para makapagcash-in sa ShopeePay.
Yes, through your online banking app. Hindi ko pa natry kasi walang laman ang aking online account hahahaha!
Pwede mo din matake advantage ang up to 25 pesos cashback by cashing-in via Instapay. Here are some banks na qualified or tied up sa ShopeePay
Pero tinignan ko sa Gcash if by sending other banks using the app to ShopeePay ay as usual may 15 pesos na service charge pa din. So I don't know if iba pa ba yun sa E-wallet fee na tinatawag nila.
For the meantime, gagamitin ko na lang muna ngayon ang Gcash card ko to Cash-in sa ShopeePay.
Bakit prefer ko ang ShopeePay as mode of payment sa orders ko? Kasi mas marami akong pwedeng makuhang free shipping vouchers.
Pero hindi na ako masyado nagccash on delivery kasi mas nakakainis yung ibang riders, minsan kung ano ano na lang nilalagay nila sa status tska hirap sila magattempt ng delivery kapag hindi sila yung usual na nagdedeliver. !
Gusto ko din ishare ang aking friend na kakajoin lang sa platform. I am introducing mah friend, @iamjanz AKA Ate Gorl! Check out her first article din here, https://read.cash/@iamjanz/anxiety-756d7763
I am so proud of her for taking a chance and sana matulungan din sya ng platform na to mentally and emenally char!
Happy online shopping sa inyo!!
Sad lang talaga bawal na dalawang voucher. tsk. tapos dito pa sa bagong nilipatan ko may gatepass pa ako na binabayaran. so pag naka 5 checkout ako sa iba-ibang store, 50 pesos agad. ay naku. hahah in other words, tigil-tigilan ko muna si Shopee. hahaha