Isa ka din ba sa mga batang mahilig magkwento o makinig ng mga nakakatakot na istorya? At bawat kalabog ng mga bubong o pinto sa inyong banyo na wala namang ipinahihiwatig ay binibigyan mo ng kahulugan? O isa ka sa mga taong hindi naniniwala at ang mga istoryang iyong napakimggan ay gawa gawa lamang, pero ang totoo, kumakatok na sila sa iyong pintuan! Mag-ingat ka. Dahil maaring, paparating na sila.
Blaaaaag!
Char. Hindi ako mahilig magkwento pero mahilig akong magbasa at makinig ng kakatakutan. Gaya nung nakaraang araw, ano raw ba ang nakakatakot balikan ka ng nakaraan o iwan ka ng kasalukuyan? Hindi biro lang. Ang mga kwento ko ay maaring narinig niyo na, eto ay alala na hindi ko malilimutan noong ako'y bata pa. Mga kwento ng babaeng galing ng Maynila. Mga kwento na gusto kong ibahagi. Dahil simula ng marinig ko ang mga kwentong ito, ay hindi ko na malimutan. Eh alangang ako lang, damay damay!
Ang mga istoryang ito ay may temang rated spg - gore at horror. Ipinagbibigay alam lamang ng may akda na magbasa kung nais mo ang ganitong genre. Read at your own risk!
Ang daliri
Tinitigan ko ang aking mga daliri, isa dalawa tatlo. Hmmn. Hindi ko mapigilan, ang pumili para sa kasunod namin na kakainin. Napagkasunduan namin ni Nanay dahil sa kawalan na ng supply ng pagkain na bawat araw na lumipas ay titipirin naming kainin ang mga daliri namin. Wala ng isdang mahuli. Wala ng hayup ang gumagala sa daan. Wala na sira na ang mundo, pero nais pa naming mabuhay. Ikaw, nanaisin mo bang kainin ang iyong mga daliri para mabuhay?
Ting! Ready na ang sinabawang daliri ni Nanay!
Ang Susi
Napagkasunduan ng magkasintahang si Lea at Arnold na pumasyal sa isang karatig bayan upang magliwaliw. Upang mas mapagtibay ang relasyon at mas maging malapit pa sa isa't isa. Gamit ang sasakyan ni Arnold ay agad silang byumahe. Ngunit gitna ng kalsada sa may kakahuyan at malayong baybayin pa ang kanilang lalakbayin ng mawalan ng gasolina ang kanilang sinasakyan. Iginilid ni Arnold ang kotse.
Arnold :Malas naman! Alam ko Hon malapit na ang gasolinahan dito. Bantayan mo ang kotse at lalakad ako papunta doon.
Lea : Pero malapit ng magdilim Arnold, malayo ba yan?
Arnold : Malapit lang yon wala pang 30 mins mula dito.
Lea : Sige hon ingat ka. Dalian mo ah. Ang creepy creepy sa lugar na to.
Arnold : Ano ka ba ilock mo lahat ng pinto ng kotse at wag kang lalabas kahit na anong mangyare.
Lea : Sige hon lumakad ka na at ng makabalik ka.
Dalawang oras na ang lumipas ay wala pa ring Arnold na bumabalik. Kabado na si Lea at gustong gusto na niyang sundan si Arnold. Ngunit habang naghihintay siya sa sasakyan ay walang ano-anong mag kumatok sa harapan ng sasakyan.
Toktoktok! Nahindak siya sa kanyang nakita. Isang matabang lalaki na animo, nag-aadik ang nasa labas ng bintana sa unahan ng kayang kotse, kumakatok. Agad na sinigurado niyang nakasara ang mga pinto gaya ng bilin ni Arnold.
Pagkaayos ng pinto ay nakahinga ng maluwag si Lea ng mawala ang lalaki sa harapan ng kotse.
Ngunit agad itong napalitan ng takot ng makarinig siya ng katok sa gilid ng bintana kung saan siya nakapwesto. Toktoktok! Napatili si Lerma. Agarang lumipat siya sa likod. Nakatitig ang lalaki sa kanya sa kabila ng medyo may pagkatinted na kulay ng window glass at animo nakangisi.
Paulit ulit itong kumatok. Sa unahan, sa likod ng kotse sa lahat ng bintana. Kabadong kabado si Lea at mariing pinag mumura si Arnold sa isipan. "Asan ka na ba Arnold malilintikan ka sakin." Bulong niya sa sarili.
Hinanap ang cellphone. Tinawagan si Arnold. Krrrrrrng krrrrrrng krrrrrng. Ngunit nagulat siya ng makita ang cellphone ni Arnold sa nguso ng sa sasakyan nagriring.
Nahindik si Lea sa mga posibilidad na maaring nangyari sa daan kay Arnold. Agad na pinatay ang tawag ni Lea. Kumatok nanaman ang matabang, mukang nagaadik na lalaki sa bintana.
Tok tok tok! Nanalangin si Lea. Nanginginig. Umusal ng Amanamin. Ang tanging konsolasyon niya ay ang pagkakalock ng pinto ng kotse at ang seguridad na hindi makakapasok ang adik na matabang lalaki.
Isa.. Dalawa.... Tatlo... Apat... Bento minutos na nawala ang lalaki. Lubog na ang araw at kaunting sinag na lang ang natitira. Unti unting nakakahinga ng maluwag si Lea. Dumadalangin na may dumaang sasakyan sa paligid bago pa magdilim at makahingi ng saklolo.
Ngunit nagulat si Lea ng kumatok muli ang lalaki. Sa harapan ng kotse dala ang putol na ulo ni Arnold. Sinampa sa ibabaw ng nguso ng kotse. Umiyak si Lea. Naghihinagpis. Nawala ang lalaki sa harapan. May tumaginting na metal sa paligid..
Tila gumagawa ng guhit ang lalaki sa paligid ng kotse. *Insert tunong ng kalansing ng metal*
Metal na gumuguhit sa balat ng kotse. Paikot. Sa kanyang kaliwa sa likod, sa kanan. Hangang sa makarating mula sa unahan. Nakangising tumititig ang lalaki. Suminag ang ilaw ng kotseng paparating. Kasabay ng pagtama ng ilaw sa susi ng sasakyan na nasa mga kamay ng lalaking adik!
Ang Aso
Gabi na ng umuwe si Lerma sa kanyang condo unit. Pagod at galing trabaho. Nais niya mang maligo at maglinis ay hindi na kakayanin ng kanyang katawang nais ng magpahinga. Naghanda siya ng pagkain para sa kanyang alagang si Kukoi (ang kanyang may lahing shepherd na aso).
Pagkapasok ay binuksan niya ang lampshade sa gilid ng kama at agad rin siyang nahiga. Ilang minuto pa lang sa kanyang pagkakaidlip ng may madinig siyang paunti unting patak ng tubig siyang naririnig.
(Play song below)
Nainis na bumangon si Lerma. Chineck ang bawat gripo. Lumakad sa banyo, sinarang mabuto ang gripo sa lavatory. Pumunta sa service area chineck ang gripo sinagad ang pagkakalock. Chineck ang powder room. Maayos ang pagkakasara. Ng masigurong wala ng tubig na bumabagsak. Bumalik sa pagkakahiga.
Ngunit, hindi nawala ang patak ng tubig. Nawala ang pagkaantok ni Lerma. Napaisip. Alin pa ba ang dinadaluyan ng tubig? Parang may bumbilyang tumunog sa kanyang isip ng maisip ang shower.
Patakbong lumakad si Lerma. Sa wakas ay makakatulog na siya. Pagkapasok ni Lerma sa banyo ay agad niyang binuksan ang ilaw. Pumasok sa banyo. Natigagal si Lerma sa kanyang nakita.
Pulang dugo. Tumutulo mula sa leeg ng kanyang asong si Kukoi. Napalinga si Lerma sa paligid. Sa kanyang malamarmol na pader nakasulat gamit ang dugo ng kanyang aso.
You are next
At saka namatay ang Ilaw.
Rawr! Hindi ako magaling mag story ng katatakutan! Haha! Yikes!
Last ko na to. Pramis. Haha xD
yung nabasa ko ito sa gabi, 10L14om. at mag isa lang ako sa bahay. haha.