Ang bawat salitang nakasulat ay pawang mga kagagawan lamang ng may akda ano mang pangyayare o bagay o tao na may pagkakapareho sa sino man ay, imahinasyon lamang, ito ay hindi sinadya. O ginaya. Ang ideya ng istoryang ito ay galing sa isang kakilala na sikreto na lang. Haha. Mahinang hiyaw para sayo zer! Eto pala ay rom-com. Kaya, sana matawa kayo. Pero mainlab din sana kayo at sa bandang huli masaktan! Dahil, forever akong bitter. Haha 😆
Sabi nila, masarap daw ang umibig. Pero paano kung ang pag-ibig na para sa akin ay hindi para ialay para sa isang binibining marikit? Kundi para sa may lalang ng tao?
High school ako noon ng ipinadala ako ng magulang ko sa isang Catholic school para mag-aral. Libre kase doon ang pag aaral ko at may kaunting klase lang na layon para sa gusto ang pagsesemenarista.
Noong una ay parang nakakagulat dahil wala kaming kasamang babae sa eskwelahan hindi kagaya noong elementarya. Siguro ay upang mapanatiling malinis ang mga utak ng mga kalalakihan. Maganda at maayos naman ang paaralan. May magandang serving ng mga pagkain at kada tapos ng semester ka pupwedeng umuwe.
Nasa huling taon na ako ng highschool ng magbalik si Marie. Kakatapos lang noong unang semestre at sure na akong itutuloy ko ang pagaaral ng teolohiya bago pa man ako umuwe at magbakasyon sa aming lugar. Ngunit nagbago ang lahat ng makita ko siya.
Si Marie ay ang aking kababata at halos limang taong gulang kami noong bago pa maghiwalay ang aming landas. Masasabi kong hindi na si Marie yong dati kong kilalang sipunin, madungis at laging nadadapa sa kalye. Ngayon, para sa isang lalaking kagaya ko na puro lalaki ang kasama sa paggising at pag tulog. Pansin na pansin ko ang kakaibang hubog ng kanyang katawan. Pumusyaw ang kulay ni Marie. Mapupula ang kanyang mga labi at ang kanyang kulay caramel na buhok ay tumutugma at naaayon sa kanyang kutis. Para siyang porcelana sa aking paningin. At kasabay ng pagiging aware ko sa kanyang pambabaeng pabango ay hindi ko alam ang aking naramadaman may kung anong ginising sa akin si Marie na kailanman ay hindi ko pa naramdaman. Lalo na noong unang pagkikita namin;
"O John! Kamusta ka na?" Pauwe pa lang ako sa bahay noon at kadarating ko lamang sa aming lugar para sa aking bakasyon ng harangin niya ako sa daan. Magkapitbahay lang kami ni Marie, bago ako makarating sa amin ay dadaan ako sa harapan ng bahay nila. Noong una ay hindi ko pa siya nakilala at tiningnan ko pa siya simula sa mukha na para bang inaakit ako nitong tignan ang aking mga nakikita at hindi ko na napigilan ang sarili na baybayin pa hangang sa kanyang paahan. Mayroon siyang bitbit na walis, siguro ay dahil naglilinis siya ng bakuran. "Ako to si Marie ang kababata mo!" Saka pa lang ako napa tingin ulit sa kanyang mga mukha at magtama ang aming mga mata.
"Ah ikaw pala yan ang laki mo na!" Sabi ko ng mapabaling ako sa dibdib ni Marie. Natawa siya sa reaksyon ko. Sabay napatingin siya sa tinitignan ko.
"Oo nga! Hindi mo na ko mamaliitin! Kase malaki nga! Haha" Sabay tawa niya sa akin. Tapos katahimikan at ewan ko kung saan siya nakatingin pero ng sinundan ko ang tinignan niya, tinabunan ko agad ang akin.
"Grabe John! Kailan ka pa natutong magjogging phants? Tayong tayo ah!" Sabi niya habang tumatawa, tila ng aasar, ako naman pulang pula, feeling ko mayroon akong napalaking kahihiyang nagawa. Gusto ko ng lamunin ng lupa, kase bakit ganoon yung akin! Tumatayo siya! 😆😆
"Ngayon lang kase ako nakakita ng babae at maganda! Sorry! Palit lang ako at magkwento ka! Kagagaling ko lang school ngayon pa lang ako uuwe! Jamming tayo mamaya!" Sabi ko na lang habang yung isang bag na dala-dala ko nakatabon doon sa akin. At saka tumakbo ako at dumiretso na na sa bahay namin, agad akong nagpalit ng maong shorts ng makarating ako sa aking kwarto. Tinanong ko pa si Junjun bat ganoon siya? Pero kalaunan ay nawala din naman. Hanggang sa lumabas na lang ako ng kwarto at kinamusta ang aking mga kapatid na noon ay naglalaro at nanunuod ng TV. Wala pa sila Nanay at Tatay at malamang sa malamang ay nasa trabaho pa.
Sumilip ako sa aming bintana at agad kong nakita si Marie. May kausap siya si Diego yong kapitbahay namin na adik. Hindi ko alam ang aking naramdaman ngunit bigla akong nagalit lalo na ng makipagtawan siya dito, kahit na ang pansin ko ay sa dibdib niya lang ito nakatingin. Hindi ko alam ang aking ginawa. Basta agad akong nagmartsa papasok sa loob ng aking kwarto at humanap ako ng T-shirt kong dala yong gamit namin sa tuwing basketball at agad akong lumapit sakanila.
"Marie!" Nakasigaw ako agad. Pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Inabot ko sakanya ang T-shirt ko. Sabi ko remembrance ko sa kanya, dahil sa sunod na bakasyon pa ulit kami magkikita at kung pupwede ay itry niya na ito at kung hindi kakasya ay papalitan ko.
"Ang bango ah! Marunong ka na palang maglaba. Sige itry ko. Uy nakamaong ka na!" Sabi niya lang at tumawa. "Sige Diego, kwentuhan na lang tayo sa sunod!" Nainis agad ako sa remarks niya kase bakit may sunod pa? Pumasok siya sa bahay nila, sumunod ako at nakita ko ang kanyang lola. Nagbless ako agad. Dahil lagi ko naman ginagawa iyon. Tuwing makikipagkwentuhan ako sa kanya.
"Magandang araw po lola." Ngumiti lang siya at pinaupo ako.
Natapos at lumabas si Marie suot suot niya ang aking damit na nakalagay ang aking apilyedo, Pepico. 😆 ang toto niyan ang pangalan ko ay John Pepico. Paglabas pa lang niya ng kanyang kwarto ay may kung anong pagmalaki akong naramadaman. Bagay ang aking damit kay Marie, at sa palagay ko ay bagay din ang apilyedo ko sa kanya. Isang araw pa lamang kaming nagkikita ni Marie! At kung ano ano na ang nangyayare sa akin at ang aking naiisip. Naguguluhan ako at di mapakali. Agad akong nagpaalam kay Lola at Marie.
Pero bago yon' inasar pa ulit ako ni Marie.
"Bakat na naman boi!"
I was laughing the whole time I am writing this. I'm so sorry guys. It would have been a nice story if it is english. Haha. Tell me if you want to know the next part on the comment section. 😆
Nakakatawa ba? 😆 O hindi? Argh. Bwahaha. My attempt to make a rom-com is a no-no I guess? Haha
Okay! Thanks pala kay zer for the ideas and plot! I am not writing these fast few days dahil madami akong ideyang hindi tapos. At I also had a bad days. Ugh. So. I'm back! Sorry sponsors and readers!
Thanks for my sponsors I don't know how to plug. 😆 Just look at below! They are all amazing! 👇👇👇👇👇
Salamat sa pagbabasa. 😀😍
Andami kung tawa hahaha. napasaya ng story mo ang araw ko,. hope to read the next chapter soon.